May mga sandali at panahon na tila hindi ka na makangiti at makapagpatuloy dahil sa bigat ng iyong dinadala. Ipaalala sa iyong sarili na ang Diyos ay kasama natin at sa gayon, makatiyak tayo na tutulungan Niya tayo at hindi tayo pababayaan. Magandang gabi sa ating lahat.🙃
@Fherdz in August 2021
1st dose sinovac vaccination done!💉 Labanan natin ang Covid-19 mga 'Igan. Wag mabahala, Magpabakuna na.💪 Magbaon lang mahabang pasensiya Dahil mahaba-haba din din ang pila Sundin lang lahat ng paalala para iwas abala. Libreng bakuna, libreng meryenda.😁
Painted Jezebel Butterfly.🦋 (Delias hyparete) Kay gandang pagmasdan ang mga nakakamanghang mga nilalang. Isa na naman paru-parong makulay ang aking nakunan noong nakaraang araw. Kung tawagin ay Painted Jezebel at ito ay isang medium-size butterfly na kabilang sa pamilyang Pieridae ayun kay mareng google. Sana ay nagustuhan niyo. Magandang gabi.🙃
Kailangan nating malaman kung paano tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay may ugali na nakakagawa ng mga pagkakamali. Tandaan na hindi tayo perpekto. Ang bawat isa sa atin ay may sariling kahinaan at kamalian, kaya't wala tayong karapatang humusga sa iba. Ngunit mayroong kagandahang ito sa likod ng ating mga kahinaan at kamalian; tinuturo nito sa atin kung paano maging mapagpakumbaba. Isang pagkakataon upang bigyan tayo ng pusong marunong makinig at tumanggap ng…
UNO: Buhay mag-isa. Nababagot na ba o sanay na? May panahon at pagkakataon sa ating buhay na sa ating pag-iisa ay gusto nating may kasama. Pero dapat kung tayo ay nasa ganun sitwasyon at paghahangad, sana ay nakapag handa na. Yun tipong single and ready to mingle. At kung hindi pa naman handa. Payong kaibigan lang, wag ka munang papasok bigla-bigla sa isang relasyon dahil lang sa bugso ng damdamin at baka makakasakit ka ng iba o di kaya'y masasaktan ka lang. Hiramin muna…
Ang ating laban, mga pagsubok, at mga paghihirap ay magpapatuloy hangga't nasa mundo pa tayo. Kaya't kapag ang mga problema tila gabundok ang laki, panghawakan natin ang pangakong ibinigay sa atin ng ating Panginoon. “Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” (John 16:33).🙃 Dalangin ko na ang iyong pananampalataya ay pukawin ka at maniwala ka para sa higit pa. Sana ay hindi mo makakalimutan…
Mayroong mga limitasyon sa lahat ng larangan ng ating buhay sapagkat ang buhay na ibinigay sa atin ay may wakas. Ngunit mayroon tayong Diyos na nagmamay-ari ng lahat sa mundo. Siya ang may kontrol ng lahat, nagbibigay ng lahat ng ating mga pangangailangan, at alam ang lahat ng ating nararamdaman. Salamat sa buhay na ito..Ikaw ang Diyos magpakailanman.🙃 Dahil maulan na ang panahon at maraming mga raindrops na biyayang galing sa langit. Hindi man gaanong napapansin, ngunit pag…
Masikoy mga ‘igan para sa panahon na di mo maintindihan kung aaraw ba o uulan.🌦 Gayun pa man, kung malabo at pabago-bago ang panahon. O di kaya ang status niyo. At minsan napaka kumplikado. Buti na lang si Lord hindi nagbabago. Laging tapat sa kanyang Salita at pangako. Ang gabay sa inyong pagkabalisa na magdadala ng pag-asa sa iyong mga pagdududa. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
Minsan marami sa atin ang punong-puno ng reklamo sa buhay na nakakaligtaan na nating magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Sa panahon ng kasalatan o kasaganaan man piliing maging mapagpasalamat sa poong Maykapal sa lahat ng oras. Magandang hapon.🙃
Ang buhay na ito ay laging puno ng mga kawalan ng katiyakan. Kaya huwag kailanman umasa sa iyong kapayapaan alinsunod sa mga bagay na iyong pinagdadaanan. Dahil ang kapayapaan ay hindi kawalan ng mga problema. Ang kapayapaan ay nasa presensya ng Diyos. Dahil makakaranas ka ng kapayapaan kahit na nahaharap ka sa mga problema. Kung pipiliin mo lamang na lumakad kasama Siya. Bibigyan ka niya ng uri ng kapayapaan na higit sa lahat ng pag-unawa.Isang mapayapa at matahimik na…
Maparu-parong araw mga ka Pi-Noise!🦋 Isa namang magandang nilalang ang aking nakunan at nais kong ibahagi sa inyo dito. Hindi ako magaling sa pagbigay ng mga pangalan ng mga insekto pero sa tulong ng google lens napadali upang malaman kung anong specific na insekto at pangalan nito. Ito yun uri ng butterfly na kung tawagin ay Brown Pansy butterfly (Junonia hedonia ida). Sa Pinas, may pamahiin na kapag may pumasok na paru-paro sa bahay niyo ang kahulugan ay may dumalaw daw na…
May mga araw talaga na tila pagod na pagod, nawawalan ng lakas at pag-asa. Kaya't hindi madaling mag-focus sa mga magagandang bagay kapag napapaligiran ka ng mga kawalan ng pag-asa. Subalit kahit mayroong mga mahirap na kalagayan, ang Diyos ay mabuti kahit gaano karaming mga pagsubok ang kakaharapin mo sa buhay. At sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, hindi ka na magtutuon sa mga negatibong bagay, ngunit sa halip, maiisip mo ang Kanyang kamangha-manghang pagmamahal at…
Para sa Gold medal match bukas na.🇵🇭 🙏 Manalangin tayong lahat, bilang isang bansa, para sa tagumpay sa gintong medalya ni Carlo Paalam bukas! Medyo nalito at natawa ako kanina sa mga pinagsasabi sa comments section dahil ipaghiganti daw ni Carlo Paalam si Wang-Od bukas at bugbugin niya si Nas Daily. Kaya pala nasabi nila yun dahil magkahawig ang kalaban ni Paalam na si Galal Yafai at si Nas Daily.😁 Yung kina Wang-Od at Nas Daily ay ibang issue na yon, mataba lang talaga ang…
Update: 4 Medals for Team PHILIPPINES 🇵🇭 Di man tayo pinalad sa gold medal ngayon ngunit iuuwi ni Carlo Paalam ang ikalawang silver medal ng bansa sa Tokyo 2020 Olympics. Natalo ang ating pambato laban kay Galal Yafai ng Great Britain via split decision pero bata pa naman bawi nalang sa next na Olympics. Meron ng apat na medalya ang team Philippines.🥇🥈🥉🥈 Congrats! Carlo Paalam Silver medalist Mabuhay ang mga atletang Pinoy! Mabuhay Pilipinas! Mabuhay Team Phillipines!💪🙌…
Kapag tayo ay nanghihina, sa Diyos tayo huhugot ng lakas. Huwag umasa sa iyong sariling pagsisikap at lakas. Kailangan mo ang Kanyang lakas. Kaya lumapit sa Kanya at umasa sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Ibigay mo ang lahat ng iyong mga pasanin sa Diyos, at dadalhin niya ito para sa iyo. Tandaan na ang Kanyang pamatok ay madali, at ang Kanyang pasanin ay magaan. Magandang gabi sa ating lahat.🙂
Magandang morning at Magandang buhay mga ka Pi-Noise! 🙃 Maraming salamat Panginoon sa panibagong umaga at buhay. Bago ang galaw-galaw sa gawaing bahay namnamin muna ang sarap ng kape, langhapin ang ang aroma at samahan ng tikoy solve na. Halina't mag kape at ating tikman ang Tikoy Roll Sesame na biyaya ng ating butihing kaibigang @ilavpurple828. At dahil Sunday ngayon ihanda ang ating puso para sa mensahe ng Panginoon na ating mapapakingan sa Online Worship Sevice mamaya.…
Patapos na naman ang isang araw. Maya't maya Ber na naman at paniguradong lalabas na ang mga larawang memes ni sir Jose Marie Chan. Pero bago man lang yan nais ko lang ibahagi sa inyo ang aking munting kaibigan na gusto lang naman niyang magpa-cute.😍 Ang tawag dito ay Flat-faced Longhorn Beetle (Callimetopus capito), sa aming local dialect (Ilocano) ang tawag namin ay Kar-kartib dahil sa kanyang bibig na kayang pumutol ng maliit na bagay parang gunting. Nalala ko pa noong…
May mga pagkakataong na nakakaranas tayo ng labis na pagkabigo at pakiramdam mo na parang wala kang halaga. Ngunit alam ng Diyos ang iyong pagkakakilanlan at halaga, Kilala Niya tayo bago pa tayo ipinanganak. Kaya piliing makinig sa Kanyang tinig. Ikaw ang Kanyang minamahal at Kanyang mahal na anak. Makinig sa Kanya, sapagkat alam Niya kung sino ka talaga. Isa na namang Droplets ang nakunan ko kaninang umaga. Nagpapaala kung gaano ka kahalaga dahil ang biyayang hatid Niya…
Kilig o nginig. Nginig sa kilig.😁 Alam kong naranasan niyo narin to mga Ka Pi-Noise! Yung todo todong kilig pero minsan yun kilig nawawala. Pero baka naman gusto niyong subukan titigan ang aking munting kaibigan baka sakaling bumalik ang kilig na matagal ng nawala sa iyong katawang lupa. Kumbaga muling ibalik ang tamis ng kilig. Lol.😂 Ito ang ating munting kaibigan, kung tawagin ay tussock moth caterpillar na nagpapakilig sa iyong umaga. Ewan ko ba bakit tussock ang pangalan…
Minsan, marami tayong mga katanungan, takot at pagaalinlangan. Hindi na natin alam kung saan tayo pupunta dahil sa labis na pag- alala at pagkabalisa. At sa puntong iyon ay madali tayong napasailalim ng mga problema at bagyo na kinakaharap natin. Ngunit sa mga sandaling hindi maiwasang mag alala ng sobra, ipaalala sa iyong sarili na mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Manalangin na alisin Niya ang lahat ng iyong kinakatakutan, dagdagan ang iyong…
Common Five Ring Butterfly🦋 (Ypthima baldus) May mga taong mabulaklak ang dila kaya maraming nabola sa matatamis nilang salita. Pero minsan para makuha ang gusto mo, nasa tamang masid, tamang tiaga at tamang timing para maganda ang ending. Katulad ng nakunan kong maliit na Paru-parong na tahimik na nakadapo at kailangan mo ang ibayong ingat para makakuha ng tiyempo para makunan mo. Ito ang uri ng butterfly na tinatawag na Common five ring butterfly, marahil dahil mayroon…
Minsan itong si Noise parang relasyon niyo lang sala sa init, sala sa lamig di maintindihan. Kung mag upload ng mga photo pahirapan. Gayun pa man kahit mahirapan , ang biyaya naman ay sagana at lubos lubos. Kaya’t maraming salamat sa pa-food ma'am @ZanneV sa Chicken Inasal at ako'y nabusog lusog na naman.😋😋
May sitwasyong para kang binagsakan ng langit at lupa sa dami mong problema, kaya nahihirapan kang makita ang liwanag. Kaya't nakakaramdam ka ng labis na pagkabalisa dahil inaataki ng negatibong mga saloobin sa iyong isip. Ngunit laging tandaan na ang Diyos ay makapangyarihan. Hawak Niya ang iyong kinabukasan, at ang Kanyang mga plano ay palaging mahusay. Manalangin para sa karunungan ng Diyos upang makita mo ang mga dakilang bagay sa likod ng iyong sitwasyon. Alam ng Niya…
Spotted Asparagus Beetle🐞 (Crioceris Duodecimpunctata) Naging makulay ang mundo mo simula ng makilala mo ang mahal mo, pero siya ring dahilan ng kalungkutan mo. Subalit alalahanin mo na ang taong mahal mo hindi yan ang mundo mo dahil naging bahagi lamang yan ng makulay mong mundo. Bakit di mo subukang mahalin si Kristo paniguradong magiging makulay ang mundo mo.😍 Kaya naman nais kong ibahagi sa inyo ang isang makulay na inChickto na sana ay magbibigay kulay sa araw na ito.…
Tag-ulan na mga ‘igan, kaya medyo lumalamig na. Halika na’t palamigin natin lalo ang hapon mo ng isang malamig na halo-halo para lalong manginig ang katawang lupa mo.🙃 Arat na! Kain tayo ng Halo- halo, yung bang habang tumatagal tumatamis. Hindi katulad ng pagibig niya, sa umpisa lang pala matamis.😁
Balitang pampalakasan muna tayo mga ‘igan.💪🥊 Yung sagupaang Manny Pacquiao at Errol Spence Jr ay di na matutuloy dahil nagtamo ng eye injury daw si Errol. Kaya ang bago niyang makabakbakan sa August 21 ay ang WBA welterweight champion si Yordenis Ugas. Kaya abangan nalang natin at panoorin.👊 Pero alam niyo bang nakaharap ko na din ang ating pambansang kamao, ang seste na- knock down agad ako. Ganyan ang buhay talaga minsan may pagkakataon at panahon na bumabagsak tayo sa…
Sabi ng iba pag Friday the 13th malas daw na araw? Sakin normal day lang naman kaya wag mong bigyan ng kahulugan. Di yan malas dahil ngayon ay PAYDAY the 13th. Kaya ‘wag matakot, mas matakot ka kina Judith at Bill. Lol. 😁 Kaya Happy FLYDAY the 13th sa ating lahat. Yay malapit na ang uwian at Kapihan pero bago ang lahat nais ko lang ibahagi ang ulam ko kaninang tanghalian. Monggo with ampalaya leaves. Dahil FRIDAY ay MONGO DAY? Di naman, sadyang yun lang ang gustong gusto…
Maaaring i-pressure ka ng mundo ng maraming bagay, ngunit laging tandaan na mayroong perpektong tiyempo para sa lahat. Ang timeline ng Diyos ay ibang-iba sa atin. Gumagawa Siya sa mga paraang hindi natin nakikita. Itigil ang paghahambing ng iyong sarili sa iba. Ang kanilang mga timeline ay ibang-iba kaysa sa iyo. May natatangi tayong disenyong lalakbayin at alam Niya kung ano ang tunay mong kailangan. Magandang araw sa ating lahat.🙃
Kapag pagod na ang katawang lupa. Kapag nag-aalala tungkol sa maraming bagay. Kapag hindi na alam kung ano ang gagawin, Lumapit lamang sa presensya ng ating Diyos at magpahinga.🙏 Katulad ng ating kaibingang Tutubi na tila sarap ng kanyang pamamahinga. Kaya maingat kong kinunan para hindi siya madistubo sa kanyang pamamahinga. Ang tawag sa uri ng tutubing ito ay Chalky Percher Dragonfly (Diplacodes trivialis) ayun kay google lens. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
Happy Lord's Day mga ka Pi-Noise! Tayo'y magpasalamat ng may pusong nagpapasalamat.❤ At the same time rest day pero dahil tag-ulan na at madaling lumaki ang mga damo sa aking bakuran. Kaya operation linis agad after ng Online worship service habang makulimlim pa dahil panigurado mamaya babagsak na naman ang ulan. Habang ako ay naglilinis, aba naman may dalawalang palaka akong nakita. Yung isang maliit na palaka mas maamo siya kesa sa mas malaki at mas mailap. Kaya hinayaan…
Mahirap arukin ang mga pamamaraan ng ating Panginoon. Kaya minsan tayo ay mawawalan ng pasensiya at pagasa dahil ang kagustugan natin ang gustong masunod, subalit ibang iba sa kagustuhan Niya. Kung hindi man natin naiintindihan kung bakit ganoon sapagkat hindi pa natin nakita ang kabuuan ngayon. Pero balang araw, ipagpapasalamat nalang nating lahat ang mga bagay na hindi natin naintindihan. Dahil ang lahat ng nangyari sa atin ay may purpose at kailanman ay hindi nagkakamali…
Monday na naman mga ka Pi-Noise! Labanan natin ang antok.👊 Daljas special hopia langka flavor lang ang katapat. Samahan ng kapeng mainit para sapat.☕ Maraming Salamat sa aking Lodi at Petmalung kaibigan @Sashley sa biyayang Hopia at nabusog mo kami. 😍 Laging tandaan na tayo ay pinagpala ng ating Panginoon at gagawa ng mga kamangha-manghang bagay para sa atin sa linggong ito! Mapagpalang araw sa ating lahat.🙏
Kailanman ay hindi mo mababago ang isang tao kahit anong gawin mo. Ang pagbabago ay isang personal na pagpapasya na kailangan nilang gawin. Kaya huwag mong pilitin ang isang tao na baguhin ang kanilang pag-uugali, ngunit maaari mong ganap na baguhin ang paraan ng iyong nakikita sa kanila. Samakatuwid ang maari mong baguhin lamang ay ang iyong sarili at pag-uugali mo kung paano ka tutugon at makikitungo sa ibang tao.🙃
Kung magmamahal tayo, huwag mag hangad na maibalik sa atin ang pagmamahal na ating ibinigay, upang sa ganun ay hindi tayo masasaktan o masasakal sa bandang huli. #Expectation #awit Narinig ko lang sa Radio kaya binuhos ko dito.😁 Naimbag nga rabie tayo amin apo awan labas na. Maturog tayon. Good night.🙃
Wandering Glider Dragonfly (Pantala flavescens) Isa na namang dragonfly ang nakunan ko noong nakaraan araw habang ako'y papasok na sa aking trabaho at ito ang ibahagi ko sa inyo ngayon. Ang pangalan ng species na ito ay Wandering glider dragonflies. Nakita ko sila may damuhan kasama ang tutubing Chalky Percher Dragonfly na nai-post ko last Sunday dito. 👉 https://noise.cash/post/1k3jjw77 Ang Wandering Glider dragonfly (Pantala flavescens) ay sa pamilya ng Libellulidae na may…
Ikaw ay kahanga-hangang obra maestra ng Diyos. Huwag makinig sa mga negatibong salita na iyong narinig mula sa iba. Ang Diyos lamang ang may karapatang tukuyin ka sapagkat Siya lamang ang lumikha sa iyo.Siya lang ang nakakaalam ng iyong totoong pagkakakilanlan, at hindi sa opinyon ng iba. Napakahalaga mo sa paningin Niya at mayroon kang layunin dito sa mundo. Maaaring hindi mo ito nakikita ngayon, ngunit balang araw makikita mo at tutuparin Niya ang lahat ng ito sa Kanyang…
Low batt na ba? Walang problema. Mag charge ka muna. Kapag lowbat na ang cellphone mo. Walang problema dahil mayroon itong sariling charger. Pero paano naman pag calculator ang na-low batt. Ibilad mo lang sa araw maya't maya lang ay okay na. Pero babala. Pwedeng tignan pero bawal hawakan. Lol.😁 Nakita ko lang sa may upuan sa may bandang beranda dito sa aking pinagtatrabahuan. Pagmamay-ari ng iba na nagwowork sa ibang opisina.🙃 Pero minsan sa buhay natin darating ang…
Karamihan sa atin ay magaling sa pagturo kung ano ang nagawa ng iba na kamalian o kasalanan. May ugali tayong punahin sila, at kondenahin sila. Ang pinakamalala na gawain ay ang sinisiraan natin ng patalikod, pinahiya sila o ilagay ang mga ito sa anumang paraan para maibaba at tayo ay maitaas sa tinging ng iba. Ngunit kung titingnan mo ang sarili mo sa salamin, ano ang makikita mo? Makikita mo ang isang may depekto, may kapintasan, at imperfect individual na hindi mas…
Spotted Eyed Hoverfly🐝 (Eristalinus megacephalus) Isang pambihirang pagkakataon na masilayan at makunan ang ganitong uri ng inCHICKto katulad nito. Noong una akala ko ito ay isang malaking langaw ngunit kakaiba ang kanyang mga mata dahil may mga itim na spot sa kanyang dilaw na mata.👀 Ang Hoverfly (Eristalinus megacephalus) ay species na tinatawag din nilang flower flies dahil madalas silang nakikita hovering or nectaring at flowers. Sila ay kabilang sa pamilyang…
Minsan sa buhay natin marami tayong mga bagay-bagay na ipinaglalaban, kung sino-sino ang kinakampihan, at kung kani- kanino ang sinasamahan. Buksan mo ang inyong mga mata sa katotohanan. Huwag magbubulag bulagan sa sariling kamalian. Kahit nasa baluktot na paraan pilit na ipinaglalaban ang maling pangangatuwiran. Kaibigan, siguraduhin mo lang na nasa panig ka ng tama at katotohanan. Baka pagdating ng araw, ay bigla mo nalang nalaman na nasa mali kang daan ng di mo…
Tuwwató Ground Skimmer Dragonfly (Diplacodes trivialis) Flyday na naman mga ka Pi-Noise! Kaya bago mag fly, fly away ang modelo kong inchickto, kunan ko muna ng maraming angulo para ibahagi ko dito at sana ay magustuhan niyo.🙃 Ayun sa ating kaibigang google, ang tawag dito ay Ground Skimmer Dragonfly (Diplacodes trivialis) na halos walang naman pinga kaiba sa Long-legged Marsh Glider(Trithemis pallidinervis) maliban lang sa laki at kulay. Pero sa aming local dialect…
Nais ng Diyos na i-enjoy natin ang ating buhay. Ngunit mabuhay sa kung ano ang mayroon tayo at magpasalamat sa mga bagay na natanggap natin. Tandaan na ang ating oras dito sa mundo ay masyadong maikli. Piliing maging masaya sa mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos. Dahil maaari tayong maging masaya sa kung anong mayroon tayo. Okay lang na mag break at magpahinga sa halip na magtrabaho palagi. Alamin lamang na pahalagahan ang mga pagpapala ng Niya at makuntento. Magandang…
Huwag umasa sa sarili mong lakas. Gustuhin mo man o hindi, nakakaramdam ka din ng kapaguran. Umasa ka lang sa Diyos at hindi sa sarili mong pag-unawa. Kumunsulta sa Kanya tungkol sa kung ano ang nais mong gawin sa iyong buhay at kilalanin ang katotohanan na Siya lamang ang maaaring magbigay sa iyo ng seguridad at magbibigay sa iyo ng kapayapaan na kailangan mo. Kaya't focus on God, at bibigyan ka Niya ng kapahingaan. Kapag nakaramdam ka ng pagod o stress. Magpahinga, mag…
Ang pagdaan sa mahihirap na pagsubok ay tiyak na susubok sa ating pananampalataya, ngunit ang mga sandaling iyon ay mga pagkakataon upang maniwala tayo at mapalalim ang ating pananampalataya sa ating Panginoon. Matuto tayong ituon sa Kanyang kapangyarihan at mga paraan dahil pinapatibay at binubuo niya ang ating pundasyon upang hindi tayo madaling matalo kapag nahaharap sa malalaking problema.🙃
Palaging nakikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Palaging handa Siya at naghihintay na pakinggan ang iyong mga kahilingan sa panalangin. Hindi siya nagsasawa. Sa katunayan alam Niya kung ano ang nasa ating mga puso at alam Niya kung ano ang nakakabuti para sa ating lahat. Lumapit lamang tayo sa Kanya nang may kababaang-loob at pasasalamat.🙏
Kung may pinagdadaang pagsubok, magpaka-strong ka, hindi sa di ka niya pinaglaban kundi sa mabilis ang kaba dahil sa tapang ang timpla ng Kape. Yung kabang gigising sa natutulog mong diwa at nasasabing salamat Panginoon sa umagang ito dahil nagising akong dilat ang mga mata at huminga pa. Patuloy lang ang laban sa buhay dahil Diyos ang ating karamay.🙃 Halina't mag kape, samahan ng matamis na Lava cake.☕
Natatangi ka at espesyal sa paningin ng Diyos. Ngunit minsan, maiisip mong wala kang silbi dahil patuloy kang tumitingin sa kung ano ang meron sa ibang tao. Hindi ito magandang pag-iisip at pag-uugali dahil ito ay dahan-dahang sumisira sa iyong buhay. Dahil doon, hindi mo na makitang lubusan ang mga pagpapala sa paligid mo, at palagi mong iisipin ang mga bagay na wala ka. Kaya't mangyaring alamin ang iyong pagkakakilanlan sa Panginoon upang matutunan mong makita ang iyong…
Yung matagal mo ng mahal at GOTO mo siyang LUGAWan…Para sana kayo ang magka GOTOhan at magkatuluyan. Ang Siste’y… ang Goto mo siya pero may Goto siyang iba.😄 Tomguts much!! Arat na!!! I-GOTO na yan! Busog lusog pa ang tiyan😁 📸#FherdzMobilePhotography®️ 📸 #Originalphotography®️ 📷 #SamsungA10s 📍#Philippines 🇵🇭
Horned Treehopper (Leptocentrus) Pangit man o maganda, malaki o maliit na nilalang dapat nating pahalagahan sila sa kanilang kamangha-manghang pagkakaiba-iba. Kaya't narito ang aking nakunang isang maliit na inchickto na nais kong ibahagi sa inyo. Ito ay isang uri ng Treehopper at para mas maging tiyak ang tawag dito ay Horned Treehopper (Leptocentrus) n amula sa pamilyang Membracidae. Isang napakaliit na Hopper na may dalawang sungay sa gilid sa tuktok ng mukha at isang mas…
Tandaan na maikli lang buhay. Kaya matutong pahalagahan ang mga bawat sandali. Hindi natin nalalaman kung anong sunod na mangyayari. Walang nakakaalam kailan ito magtatapos. Kaya't mabuhay sa kasalukuyan. Matutong magpasalamat sa mga pagpapala ng Diyos at ituon sa Kanyang kabutihan upang ang iyong buhay ay magiging sulit na mabuhay. Ang mga natatanging kagandahan sa ating kapaligiran ang atin munang pag-focusan. Sa mga kamangha- manghang maliit na biyayang nasa ating paligid…
Sa kabila ng lahat ng nangyayari sa mundo, meron at meron paring nakikitang kamangha-manghang mga creation. Katulad ng isang Cicada na nakita ko na nakadapo sa isang dahon. Kadalasan dito ako nakikita ng mga insekto sa gilid ng kalsada na may mga halaman malapit sa aking work place.🙃 Ayon sa aking nabasa mayroong dalawang uri ng cicada, ang annual cicadas at periodical cicadas pero ang nakunan ko ay tinatawag na Linne's Cicada at bahagi ito ng pamilyang annual cicadas. Ang…
Ang buhay ay hindi kailanman naging perpekto sa anumang sitwasyon, ngunit kung ang ating mga motibo ay umaayon sa kalooban ng Diyos, kahit na ang pinakamahirap na laban ay magwagi sa pamagitan ng pagkakaisa at mga panalangin. Ito ay magbibigay sa atin ng kapayapaan, pag-asa at lakas upang sumulong.🙃 Magandang Gabi sa ating lahat. Bago tayo matulog huwag nating kalimutang magpasalamat sa mga biyayang ating natatangap. Isang mapayapang pagtulog sa ating lahat.🙃
Scoliid Wasp🐝 Scolia (Discolia) Vollenhoveni. Maagang umulan kaninang umaga, pero di naman kalakasan kumbaga sakto lang. Kaya't ang ating mga mumunting kaibigan ay nag silabasan na tila bang gustong gusto nilang maambunan ng biyayang galing sa kalangitan. Isang magandang pagkakataon naman sakin para masilayan at makunan ang kanilang namumukod-tanging kagandahan.😍 Ang inChickto natin ngayon ay isang uri ng Wasp, tinatawag nilang Scoliid Wasp, Scolia (Discolia) vollenhoveni at…
Minsan, nabigo tayo na pahalagahan ang magagandang paraan ng Diyos dahil may inaasahan tayong ibang mangyayari sa ating buhay. Walang mali sa pag-asa para sa pinakamahusay na mga bagay, ngunit kailangan nating magkaroon ng isang nagpapasalamat na puso na nakatuon sa magagandang bagay sa paligid natin sa halip na hanapin ang mga bagay na wala tayo. Alam ng Diyos ang ating mga pangangailangan. At lahat ng ibinibigay Niya para sa atin ay laging sapat. Minsan maraming bagay at…
Ugaliing isama ang Diyos sa bawat desisyon na gagawin natin, ang lahat ng ating ginagawa malaki o maliit man. Huwag lamang na tumawag sa Kanyang pangalan kapag nasa pinakamasamang kalagayan na tayo. Ang paglalagay sa Kanya sa ating nga plano ay makakatulong sa atin na mapagtagumpayan ang anumang mga problemang kakaharapin natin. Hindi lamang niya tayo protektahan, ngunit hahantong din tayo sa tamang direksyon. Tutulungan niya tayong manatili sa landas. Tandaan na ang Kanyang…
Ang Diyos ay laging nandiyan, nakikita at nadarama natin araw-araw sa pamamagitan ng pagtingin sa kagandahang nakapaligid sa atin. Ang kamangha-mangha at pagkakaiba-iba na nilikha niya. Ang mga ibong masayang nag aawitan at ang kalawakan na walang hangganan na patunay na sa likod ng mga ito ay may isang dakilang Diyos na lumikha ng langit at lupa. Kaya't ito muna ang iwan ko sa inyo, droplet biyayang galing sa langit.💧 At dahil National Heroes Day ngayon isang pagpupugay…
Hindi naman ako mahilig magluto pero basta pagkain hilig natin yon lol. Dahil may gata ng niyog at sili napa luto ng wala sa oras ng bicol express kaso kulang pala ako ng rekadong alamang. Kaya yun dapat na alamang naging bagoong nalang ginamit ko. Aba eh masarap naman at malinamnam. Yun 1st time mong magluto ng bicol express, Mapasa sigaw ka nalang salamat Youtube dahil sayo marami akong natutunang recipe. Lol.😂
Naging trending kamakailan ang trailer ng Spider-Man: No Way Home dahil may rumors na makakasama ni Tom Holland sina Toby Maguire at Andrew Garfield na dating gumanap bilang Spider-Man. May patikim sa trailer na ang villains na sina Green Goblin at Doc Ock ay babalik sa nasabing movie. May memes pa nga mukha ni sir Raffy Tulfo ang bagong Doc ock. Lol. 😂 Pero abangan nalang natin.👀 Kaya't Spider din ang ibinabahagi ko na inchickto ngayon, nakita at nakunan ko dito lang sa…