read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Ikaw ay kahanga-hangang obra maestra ng Diyos. Huwag makinig sa mga negatibong salita na iyong narinig mula sa iba. Ang Diyos lamang ang may karapatang tukuyin ka sapagkat Siya lamang ang lumikha sa iyo.Siya lang ang nakakaalam ng iyong totoong pagkakakilanlan, at hindi sa opinyon ng iba. Napakahalaga mo sa paningin Niya at mayroon kang layunin dito sa mundo. Maaaring hindi mo ito nakikita ngayon, ngunit balang araw makikita mo at tutuparin Niya ang lahat ng ito sa Kanyang perpektong oras. Isang kahanga-hangang obra maestra mula sa lumikha ng langit at lupa. Na laging nagpapaalala na ikaw ay mahal at kinalulugdan ka Niya. Nawa'y ang kanyang kagandahan ay maging mapapalakas sa mapanglaw mong gabi pagkatapos ng isang buong araw na trabaho! Magandang gabi sa ating lahat. 📸#FherdzMobilePhotography 📷 #SamsungA10s 📍#Philippines 🇵🇭

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.