May mga pagkakataong na nakakaranas tayo ng labis na pagkabigo at pakiramdam mo na parang wala kang halaga. Ngunit alam ng Diyos ang iyong pagkakakilanlan at halaga, Kilala Niya tayo bago pa tayo ipinanganak. Kaya piliing makinig sa Kanyang tinig. Ikaw ang Kanyang minamahal at Kanyang mahal na anak. Makinig sa Kanya, sapagkat alam Niya kung sino ka talaga. Isa na namang Droplets ang nakunan ko kaninang umaga. Nagpapaala kung gaano ka kahalaga dahil ang biyayang hatid Niya mula Langit abot hanggang Lupa. Magandang araw sa ating lahat.🙃
5 comments
ganda ng mensahe sir superb gleng ng shot, panalo!
Been there, and God never leave me 😇
kumikinang, sir
Isu ngarud mak
Napakaganda naman ng mensahe na nais mong ipabatid. Nabubuhayan ng loob ang mga taong nawawalan na ng tiwala sa sarili. Yung mga tao na akala nila wala na silang silbi sa kanilang buhay.