read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Karamihan sa atin ay magaling sa pagturo kung ano ang nagawa ng iba na kamalian o kasalanan. May ugali tayong punahin sila, at kondenahin sila. Ang pinakamalala na gawain ay ang sinisiraan natin ng patalikod, pinahiya sila o ilagay ang mga ito sa anumang paraan para maibaba at tayo ay maitaas sa tinging ng iba. Ngunit kung titingnan mo ang sarili mo sa salamin, ano ang makikita mo? Makikita mo ang isang may depekto, may kapintasan, at imperfect individual na hindi mas mahusay kaysa sa iba. Walang isa sa atin ang perpekto. Mayroon din tayong mga flaws at shortcomings. Kaya't huwag magyabang sapagkat lahat tayo ay makasalanan sa paningin ng Diyos at Siya lang ang may karapatang humusga sa atin.🙃

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.