Minsan, marami tayong mga katanungan, takot at pagaalinlangan. Hindi na natin alam kung saan tayo pupunta dahil sa labis na pag- alala at pagkabalisa. At sa puntong iyon ay madali tayong napasailalim ng mga problema at bagyo na kinakaharap natin. Ngunit sa mga sandaling hindi maiwasang mag alala ng sobra, ipaalala sa iyong sarili na mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Manalangin na alisin Niya ang lahat ng iyong kinakatakutan, dagdagan ang iyong pananampalataya at i-renew ang iyong isipan upang matutunan nating ituon ang ating mga mata sa Kanya. 🙃
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet