read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Minsan sa buhay natin marami tayong mga bagay-bagay na ipinaglalaban, kung sino-sino ang kinakampihan, at kung kani- kanino ang sinasamahan. Buksan mo ang inyong mga mata sa katotohanan. Huwag magbubulag bulagan sa sariling kamalian. Kahit nasa baluktot na paraan pilit na ipinaglalaban ang maling pangangatuwiran. Kaibigan, siguraduhin mo lang na nasa panig ka ng tama at katotohanan. Baka pagdating ng araw, ay bigla mo nalang nalaman na nasa mali kang daan ng di mo namamalayan. Dapat tunay mong nauunawaan ang iyong pinaglalaban. Dahil kung hindi mo alam ang iyong pinaglalaban paano ka maninindigan. Baka matulad ka sa ating manok na kaibigan na hanggang sa kamatayan lumalaban. Buwis buhay kung lumaban, kita niyo naman muntik na akong matadyakan.😁 Kayo ano naman ang pinaglalaban niyo? Yun bang minahal mo noon pero maling tao? Goodvibes lang mga 'igan. Magandang hapon sa ating lahat.🙃 📷Photo not mine. Ctto.

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.