read.cash Log in
@Fairish more from that month

My Late Hubby😊 Sa pictures kala mo buhay na buhay..pero dahil pista ng mga minatay ngayon parang oras oras ko ata syang naiisip! Naniniwala ako na nag paparamdam talaga ang mga love ones naten sa tuwing namamatay, tulad ng sa hubby ko na ito alam niyo malalagutan na lang to ng hininga pero kapakanan ko paren ang iniisip niya, wag akong umiyak sabi niya. Pero ang kamatayan ay kukunin na talaga ang buhay na meron siya. Nailibing na sya non tatlong araw ang lumipas. As in ramdam ko at narinig ko amoy ko na sya yon..di pa naman ako tulog non nasa paanan ko ang pamankin ko kasi takot pa akong mag isa non kaya dito ko sa bahay pinapatulog muna ang pamankin ko alam kong gising pa ako kasi nararamdaman ko pa ang hangin at rinig ko pa ang cp ng pamankin ko na may ka chat. .pero ako di makakilos pero nagagalaw ko ang paa ko na hinahanginan ng electricfan inshort gising ako pero parang di ako makakilos..gang may nagsalita sa bandang kanang balikat ko (bulong) "wag mo na akong isipin Ma..nasa maayos na ako alagaan mo ang mga bata" ramdam ko yong balikat ko maginaw yong bandang kanan lang kung san ko narinig ang bulong..yan kasi ang di niya nasabi sa akin sa hospital di sya makapagsalita kasi may tubo ang bibig..sa panaginip ko niya nasabi yon..tapos sa paligid ko aninag ko ang puting puro na mga tela na yong parang hinahangin tapos ramdam ko ang tela na sumagi sa katawan ko na parang dumaan sa balikat gang sa binte at don ako nagising..at gising ang pamankin ko non wala naman syang kumot tinanong ko sya kung nag kumot sya..tita di po..wala namman akong kumot ee..sabi ko ano yon ate may parang may nag kumot sa akin..tita tulog ka na ee sabi ko di ako tulog naririnig kita..tumaghem ka kako ee..sabi niya opo ta..kaya sabi ko ano yon. Nag pray nalang ako non na sabi ko sa kaniya.. "Papa kung ikaw man yon di na kita iisipin di na ako mag aalala aalagaan ko ang mga bata sorry di maaring di isipin parang ang bilis lang naten. .ipinaubaya ko na sya s Lord gang sa pagsilang muli ng sangkatauhan sana makilala pa kita.. Ang napakabait kong asawa..Jorge💙 picture nalang talaga..

27 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.