Ako lang ba may anak na sobrang tagal matulog? Hanggang ngayon gising pa. Kung di ako matutulog di rin matulog. Syempre pano maka ipon or maka earn sa mga extra income kung di mo bibigyan nang oras.
Minsan nakakainis, pag umaga nmn mga 1-2 hours lang ang tulog, hirap patulugin ang bilis gumising. Sa totoo lang wala akong nagagawa pag tulog sya kasi kailangan ko rin bantayan habang tulog kasi kung hindi mga ilang minuto lang gising na pag may mga ingay na naririnig.
Kaya pag naglalaba ako kasama ko sya, pag naglilinis nang cr, linis nang bahay, naliligo at kung ano ano pa kasi di ko magagawa ang mga bagay na yan pag tulog sya kasi kahit tulog kailangan bantayan.
Kaya minsan ngarag ako walang pahinga, kasi gusto ko rin kumita kahit maliit lang sa mga extra income. Gusto ko kase may sarili akong pera, di lang asa sa pera nang asawa. Mabait nmn asawa ko wla problema, bsta iwan gusto ko lang talaga may sarili akong income. I feel accomplished pag may sarili akong pera kaya lahat nang mga rakets or kung ano ano pa pinapatos ko.
Iba pa rin kasi pag may sarili kang pera kase pag kunyari nag away kayo nang asawa mo at gusto mo lumayas may pamasahi ka 😂
Kaya minsan napapagalitan ko anak ko, pano ba nmn saka lang matutulog pag pagalitan ko. Na try ko rin dati wala pa ako mga raket, ako na lang una makatulog pero sya hindi pa lalo nakaka asar kasi lalabas nang kwarto tapos ako tulog na 😂
Haaaaayyyyyyyyyy! May makaka relate ba sakin dyan? May anak na Puyaters kala mo matanda kung magpuyat ang hyper kasi sobra ! 😗😂😂
Hindi ka nag iisa sis.. ako din yung pangalwa ko ank parang adik lang sa puyatan 2yrs. old plang.. hubby nya kumain at manood ng nursery rhymes.