Wag ka mag sanaol para magkatotoo!

29 35

December 11, 2021. Saturday.

 

Ngayong araw may hindi ako inaasahan na pangyayari. Sobrang natuwa ako sa pangyayari na iyun dahil hindi ko talaga akalain. Ang tinutukoy ko ay yung post ko kanina lang sa noise cash, mga ilang oras pa lang ang nakakalipas simula ngayon. Nakareceive na kasi ako ng free tips mula sa fund ng noise cash. Sobrang saya ko ng makita ko ang notification ko na iyan ang laman. Noong una nga ay wala pa akong idea na makakatanggap na ako ng free tips dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganun ka-active sa platform na iyun, pero hanggat kaya ko ay nagpopost pa rin ako doon isang beses sa isang araw. Kaya naman kanina ng binuksan ko ang notification ko ay parang wala  lang sa akin at nag scroll lang ako ng ng scroll hindi ko pa nga agad napansin ang notification na nakatanggap na ako ng free tips eh. At ng mapansin ko yun napa kurap pa ako at second look. Hindi ako nakapaniwala sa nakita ko at sobrang saya ko talaga. Alam ko na piling tao lang din kasi ang nabibigyan niyon at isa ako sa mga masusuwerteng napili nila kaya abot tenga ang ngiti ko hahahha.

 

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nag eexpect, masaya na din naman ako kahit heart lang ang meron ako noon at importante na rin yun para sa akin. Bonus na lang ngayon na bukod sa mapupusuan ko ang inyong mga post sa noise cash ay mabibigyan ko din yun ng kahit na maliit na halaga lang. Pero itong blessing na natanggap ko ngayong araw ay napakalaking bagay na sa akin. Sa totoo lang ay nabago nga nito ang mood ko, alam naman siguro ng iba na nagbabasa talaga ng mga article ko na medyo marami akong problema sa ngayon kaya nalulungkot talaga ako minsan minsan, pero ng makita ko yan kanina ay sumigla ako. Alam kong maliit na bagay lang yan sa iba pero sa akin ay napasaya na ako nyan. Matagal na rin kasing nakarecieve ng free tips yung ibang noise cash users na may magandang quality talaga yung mga pinopost. Ako ay mga link ng article ko at mga ibang thoughts ko lang naman ang pinopost ko doon at minsan ay mga nangyayari lang sa araw ko. Kaya naman nagpapasalamat ako sa Noise Cash na kahit ganun lang ang kayang ipost at napili pa rin nila ako. Masasabi ko na nagbunga na din talaga ang panghihintay ko bukod sa pagsisikap ko. Syempre lahat naman siguro ay gusto magkaroon o makatanggap ng free tips mula sa noise cash fund at isa nga ako sa kanila. Naghinhintay din talaga ako na isang araw at mapansin din ng noise cash ang mga post ko at mabigyan nila ako ng free tips at nangyari na nga iyun kanina lang. Naghintay lang ako ng naghintay noon ng hindi pa ako nakakatanggap at kahit hindi pa nila ako ako napipili noon ay pinagpapatuloy ko lang ang pagpopost at hindi ako sumusuko at humihinto. Hindi rin talaga ako nawawalan ng pag asa. Marami rin kasi akong nababasa mula sa ibang users na sa tagal daw ng pahihintay nila ay napagod na sila at nawalan ng pag asa. Kaya proud pa rin talaga ako sa sarili na hindi ako napagod at sumuko.

 

Naalala ko rin pala na kagabi ay nabasa ko ang isang article ni @kingofreview tungkol sa kung anong ginagawa nya sa  natatanggap nyang free tips at kung anong mga paraan o dapat gawin para isa ka rin sa mga magkaroon nito. Nagbigay din sya ng mga tips doon. (Base sa pagkakatanda ko po hahahha). At nagcomment ako sa article nya na iyun na ako ay hindi na magsasanaol at maghihintay na lang ng turn ko at baka balang araw ay mapansin din ako ng admin ng noise cash. At feeling ko ay ang pagcocomment ko sa kanyang article na yun ang naging daan kung bakit ako nakatanggap ng free tips ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay naging swerte sa akin ang pagcomment ko doon tungkol sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kaya kahit papaano ay gusto ko lang din mag thank you po sayo @kingofreview feeling ko kasi ay naging stepping stone at lucky charm ko po ang pagbabasa at pagcomment sa article mo. Hahahha. Maraming Salamat po sa iyo.

 

At bukod dyan ay nangangako ako na gagamitin ko ang binibigay na free tips sa akin sa mabuting paraan. Ibabahagi ko ito sa mga taong deserving mabigyan at mga post na karapat dapat na talagang bigyan.


Authors Note:

At iyan lamang po para sa araw na ito. Masaya lang po talaga ako ngayon dahil sa nangyari na iyan at kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko. Thanks to Noise Cash dahil napasaya nyo po ako ngayon. At maraming salamat din po pala sa mga taong sinusuportahan ako sa noise cash, Salamat po sa inyo. At hanggang dito na lang po muna. Hanggang sa muli po.


Maraming Salamat  sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.

 

 

Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcomment at nag upvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.

 

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Thanks for reading this.

 

Keep Safe and God Bless us always.

 

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

Bye.

 

I made it with Canva

All images are screenshot from my Noise Cash Account then I just cropped it.

5
$ 2.07
$ 2.01 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @jasglaybam
$ 0.02 from @kingofreview
+ 1
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Congratulations Langga!🎉❤️ Same kayo ni sis Chelle. Deserve niyo yan. Nakakataba lang ng puso na masaya kayo kaya sobrang thankful din sa noise.cash kasi dami ring natutulungan. Congrats again langga. Masaya ako para sayo. More blessings sayo. 🙏😇

$ 0.03
2 years ago

Maraming maraming salamat po sa inyo. At congrats din po kay maam Chelle. Opo malaking tulong din po talaga si noise.

$ 0.00
2 years ago

You're always welcome langga. Thank you Langga. Both of you are deserve. ❤️

$ 0.00
2 years ago

Thanks a lot po talaga sa inyo. I wish that you to receive more blessings pa po dahil ang bait nyo po talaga.

$ 0.00
2 years ago

You too Langga. Sobrang bait mo din.🥰❤️

$ 0.00
2 years ago

Naks naman..congrats po..same tayo ng reaksyon nung una kong nakita sa notif ko yan..hahahha

$ 0.03
2 years ago

Nakakatuwa naman po talaga kapag nakita mo sa notif mo po na meron ka na din. Thanks a lot po. ❤️

$ 0.00
2 years ago

Opo..kaya lang for today parang wala akong nareceive ..hehehe

$ 0.00
2 years ago

Ako din po eh. Hahahha parang pinasaya lang po ako ng isang araw. Hahahha pero sana naman pp bumalik na sya soon.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga po..wala na talaga syabulit..till today wala pa din ...bat ganern..

$ 0.00
2 years ago

Huhuhu sad na nga po ako now eh. Pero mag iintay pa rin po ako sa pagbabalik nya. Hindi po ako mawawalan ng pag asa. Tsaka nag eenjoy pa rin naman po akong gamitin si noise meron man o wala pong free tips.

$ 0.00
2 years ago

Sis bumalik na yung saken ngayon ngayon lang...sayo ba?

$ 0.00
2 years ago

Hindi pa po eh. Medyo naging inactive din po kasi ako kaya baka binawi po hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Ahhh...ganun nga nangyari saken last week sis

$ 0.00
2 years ago

Ganun din ako, kada post meron akong matanggap na free tips kahit hindi na ako masyadong active sa noise.cash at ang happy sa feeling.

$ 0.03
2 years ago

Opo ang sarap po sa feeling no? Kaya sobrang thankful po ako eh.

$ 0.00
2 years ago

May kakaiba na kasi makikita mo yung tip diba dati hind dahil binago na nila.

$ 0.00
2 years ago

Opo. Pero noong unang pasok ko po sa noise ganito na rin po talaga yung system nila.

$ 0.00
2 years ago

oo, pero napansin ko wala pa yung message ng "You have free tips"

$ 0.00
2 years ago

Opo kusa lang po kasi talaga yun dati eh. Wala pa rin po kaming mga wallet na galing mismo sa noise.

$ 0.00
2 years ago

Sana all po Ate hehe joke. Good luck ate, akin kasi di masyado napapamigay kasi ambilis magrefill. Nonetheless, I'm still grateful po. Congratulations ate hehe

$ 0.03
2 years ago

Salamat din sa iyo. Pamigay mo na din kapag may time ka hehehe. God bless you more.

$ 0.00
2 years ago

Ayyy hahhahah di na ako mag sana all sis. Congratulations sis

$ 0.03
2 years ago

Hahahha opo baka magkatotoo basta maghintay lang po. Thanks po.

$ 0.00
2 years ago

Hahah ako din sis meron na..Kanina meron sya sa web pero nawala..Naglogin ako sa app andun yung free tip..Congrats saten!

$ 0.03
2 years ago

Cheers po! Congrats sa atin. May maagang pamasko po tayo galing kay noise. Hihihih.

$ 0.00
2 years ago

Yes sis, tama :)

$ 0.00
2 years ago

Congrats sa atin sis👏

$ 0.03
2 years ago

Thank you po. Congrats po sa inyo at congrats po sa atin! Let's celebrate po. 🥳🎉 Hehhehe.

$ 0.00
2 years ago