November 18, 2021. Thursday.
Ngayong araw ay pag uusapan natin ang pag ibig. Pasensya na kayo dahil kung ano lang ang lumabas sa isip ko tungkol sa topic na ito ay yun lang din ang mismong isusulat ko. Hihihi sorry po.
Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa "love"? Sabi nila love daw ang pinaka masarap na bagay na mararamdaman mo sa buong buhay mo. Ang mahalin ka ng isang tao o magmahal ka ng isang tao ay napakasarap sa pakiramdam.
Pero sabi din nila minsan nakakabulag ang pag ibig lalo na kapag sobra ka ng nagmamahal at hindi mo na nakikita ang mga nasa paligid mo at hindi ka na nakikinig sa sinasabi sayo ng ibang tao. “Love is Bind” sabi nga nila.
Kaya mo rin daw gawin ang lahat para sa taong mahal mo, kahit pa ang mga bagay na hindi mo nagagawa noon para lang mapasaya sya. Isusugal mo ang lahat para lang sa pag ibig at para maging masaya kayong dalawa.
Naniniwala ka ba sa “Love at First Sight”? Ako oo, hindi ko man maipaliwanag kung bakit pero naniniwala pa rin ako. Hindi naman kasi malabo na mangyari nga yan sa totoong buhay dahil may mga tao na nakaka experience nito at kinukwento pa ang love story nila. Kayo ba naexperience nyo na nakita nyo pa lang ang isang tao na ito sa unang beses ay naramdaman nyo na ang pag ibig o love na sinasabi nila?
“First Love Never Dies” eh sa quote naman na iyan, ano ang masasabi mo o opinyon mo? Wala pa kasi akong first love kaya tinatanong ko Hahahha. Totoo nga ba na ang unang taong minahal mo ay hindi mo makakalimutan kahit pa na ang mga sumunod mong pag ibig ay mas higit naman sa kanya? Hmm? Sagutin nyo po ito, alam kong yung iba dyan ay may magandang sagot o paliwanag para sa tanong na ito. Ipapasa ko na lang po sa inyo ang tanong dahil hindi ko pa naman po iyan masasagot sa ngayon.
“ Love is Sacrifice” Hanggang saan nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Kahit ba nahihirapan ka na sa sitwasyon nyo ay ipagpapatuloy mo pa rin dahil mas pinapahalagahan mo ang pag iibigan nyo. Kung hindi na ba sya masaya sa iyo ay kaya mo syang palayain at pakawalan para lang sa ikasasaya nya? O kahit na nakikita mo na meron na syang iba ay hindi mo na lang ito papansinin dahil mahal mo sya at ayaw mong mawala sya sa piling mo? Ganyan ba ang sinasabi nilang love is sacrifice? Kung oo, grabe talaga ang dulot ng pag ibig sa atin di ba?
“Love is Patient” eto ba yung sinasabi nila na kayang mong maghintay sa isang tao kahit gaano pa katagal? O yung tipong hinihintay mo na magustuhan at mahalin ka rin ng isang taong matagal mo ng minamahal? O ito yung sinasabi nila na kaya mong intindihin palagi ang taong mahal mo kahit ilang beses pa syang nagkakamali?
Kapag love talaga ang usapan ay may kanya kanya tanong pananaw at opinyon tungkol dyan. Iba iba tayo ng interpretasyon sa salitang love, dahil sa totoo lang ay napakarami naman talagang pwedeng ibigay na kahulugan sa salitang iyan. Pero bandang huli ay iisa lang naman ang kapupuntahan ng salitang pag ibig, katulad nga ng sinabi ko sa una, ang pag ibig ang pinakamasarap na pakiramdam. Pero minsan ay nagduldulot din ito ng sakit sa atin at kaakibat naman talaga ng pag ibig yun. Lagi nga nilang pinapa alala sa atin di ba? Kung handa kang magmahal ay dapat handa ka ring masaktan. Ang mga problema at pagsubok din naman talaga ang nagpapatatag sa pag iibigan ng dalawang taong nagmamahalan kaya parte talaga ng pagmamahal ang masaktan dahil ito din ang magbibigay sa ating ng kalakasan.
At hanggang dyan na lang po muna. Bigla lang pumasok sa isip ko ang salitang “Love” kaya iyan na rin po ang naisipan kong i-topic ngayong araw. Tutal napakagandang usapin din naman ang pag ibig. At sya, maraming salamat po sa inyong pagbabasa at sana ay nag enjoy kayo po dito kahit papaano. Hanggang sa muli.
Maraming Salamat sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.
Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcocomment at nag uupvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
My boss said to me that love is not blind it sees but it doesn't mind.