Midterm Examination Week Done!

38 53
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago
Topics: Midterm, Exam, Week, Score, Tips, ...

November 26, 2021. Friday.

 

Midterm Examination Week Done! Sa wakas tapos na rin ang paggising ko ng maaga at tapos na rin ang pagpupuyat ko. Gumigising kasi ako ng maaga dahil nagpeprepare ako sa mga examination ko sa araw na iyun at natutulog naman ako ng late dahil sa pagrereview ng mga past lesson na kasama sa mga ieexam namin, minsan kahit umaga din ay nagrereview pa rin ako para marefresh sa utak ko yung mga nireview ko ng gabi.

 

Kapag college ka na kasi hindi pwede ang hindi ka magreview lalo na kung face to face ang klase nyo. Hindi pwedeng umasa ka lang sa stock knowledge dahil baka ang maging score o grade mo ay maging stock din Haahhah. Kapag college ka na wag ka masyadong pakampante sa mga natatandaan mo lang na itinuro sa inyo dapat talaga ay magreview ka hangga't pwede at kaya mo. Sanay na kasi ako dyan, noong first year college ako gawain ko ang umasa sa stock knowledge lang minsan tumatalab naman ang ganung strategy pero madalas hindi. Hahahha. May mga teacher kasi na kinukuha ang exam sa mga powerpoint presentation nila, yung tipong halos lahat pala ng maliliiit na detalye ay kailangan mong i-notes kasi minsan iyun talaga ang mga tanong sa exam. May mga teacher din na halos lahat ng nasa exam ay enumeration, kaya kung hindi ka nagnotes at nagreview ay lagot kana dahil baka wala ka talagang maisagot.

 

Pero meron talaga akong isang proffesor namin na kakaiba ang way nya sa pagbibigay ng exam. Kasi ang exam nya ay "true or false" lang pero nasa 50 items iyun at ang malupit pa doon ay sasabihin nya ang clue na lahat daw iyun ay False. Kapag True or False kasi ang exam sa kanya hindi pwedeng sasagot ka lang ng T or F o isusulat mo lang ang word na "True" at "False" dahil kapag False ang sagot ay kailangan mo hanapin sa statement ang nagpamali doon at kailangan mong baguhin ang word na iyun. Pero ang mahirap doon ay lahat nga sya False so ibig sabihin ay kailangan mong baguhin at sagutan lahat. Hahahhha hindi ba at kakaiba talaga sya magbigay ng exam? Professor ko yan noong first year college ako at apat na beses nya ata yang ginawa sa amin yan , isang quiz (30 items), isang midterm exam (50 items), isang  quiz ulit (30 items) at isang final exam (50 items). Lahat yan True or False at lahat din ng sagot nga dyan ay False. Natry ko na kasing magsagot ng True noong unang bigay nya ng quiz sa amin dahil hindi ako naniwala na puro False nga ang sagot kaya nagsagot ako ng True at higit sa 10 na True ata ang sinagot ko kaya lahat yun ay mali din. Simula noon ay natuto at nadala na talaga ako kaya nagrereview na talaga ako ng husto sa subject na iyun.

 

Kadalasan may mga guro din naman na madali lang magbigay ng exam at ayaw pahirapan ng husto ang mga estudyante nila. May mga guro din na puro essay ang test. Meron din mga multiple choice lang ang exam. Pero huwag na kayong umasa na porket multiple choice ay madali lang dahil hindi ganun yun, minsan nga kapag multiple choice halos lahat ng sagot ay tama kaya mas mahihirapan ka ng sobra sa pagpili kaya kailangan mong ianalyze ng husto ang tanong, hindi na ito katulad lang ng mga mutiple choice noong elementary o high school ka pa, iba na ito at mas pinahirap. Ayan ah nakakapag bigay na ako ng mga tip sa upcoming college student na makakabasa nito. Hahhahah.

 

Noong face to face classes din ay hinding hindi pwede ang dayaan na yan at  open notes lalo na kung batay sarado talaga kayo ng professor o instructor nyo. May mga mahihigpit kasi talagang prof at instructor na habang nag eexam ay paikot ikot talaga sya at hindi basta nakaupo lang sa lamesa, meron kasi akong naging taecher na ganyan.  Pero meron din namang mga guro na hindi ganun ka istrikto kaya ang ibang estudyante ay nakakahanap ng way para makapang daya.

 

Kaya ang swerte lang ng mga college student ngayon dahil nagagawa nila ang gusto nilang gawin kapag exam lalo na kung hindi naman nirerequired ng guro na mag open camera the whole meeting na iyun, dahil naiintindihan din naman nila na maaksaya yun sa load para sa mga nagpapaload lang at ang iba ay iisa lang talaga ang gadget na ginagamit kaya hindi kayang mag open ng camera dahil doon na rin sa gadget na iyun sila magsasagot ng exam. Pero hindi lang naman college student ang swerte kung hindi ang iba na ding estudyante. Minsan nga nakikita ko ang mga elementary students na hindi sila ang nagsasagot ng module nila kung hindi ang mga magulang, ate o kuya nila ang sumasagot nito eh. Pero sana naman hayaan ng mga magulang ang mga anak nila ang sumagot nito upang matuto talaga ang bata at gagabayan lamang nila ito kapag kailangan ng tulong. Pero dahil ang iba ay bumabalik na sa face to face classes ngayon ay hindi na ito magiging problema. Matuturuan na talaga ng maayos ang mga bata ng kanilang mga guro.

 

At ang kinalabasan o resulta nga pala ng mga exam ko ay maayos naman at lahat ito ay pasado. Kaya masaya ako sa naging resulta ng pagpupuyat ko at paggising ng maaga. Sulit ang pagod ko sa pagrereview.

 

At iyan lamang para sa araw na ito. Sinammarize ko lang ang mga nangyari sa naging Midterm Examination week namin at parang nakapagbigay na din ako ng ilang tips sa mga upcoming college students hahahha. Iyan lang, Maraming salamat at Hanggang sa muli.  

 

Maraming Salamat  sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat din sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.

 

 

Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcomment at nag upvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.

 

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Thanks for reading this.

 

Keep Safe and God Bless us always.

 

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

Bye.

I made it with Canva

 

 Lead image source: Unsplash

7
$ 3.67
$ 3.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.04 from @FarmGirl
+ 6
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago
Topics: Midterm, Exam, Week, Score, Tips, ...

Comments

Langga nabigla ako dun sa "True or False" na exam tyaka 50 items pa talaga.😅 Ganun din kami noon hindi nga lang 50 items Langga, mga 10-20 lang. Pag false kailangan mo isulat ang ang tamang sagot.

Dami talagang memories about sa mga exams. Tama Langga, yung "Multiple Choice" minsan nagbibigay ng sakit sa ulo kasi nakakalito kaya kailangan mo talaga unawaing mabuti.

$ 0.03
2 years ago

Hahahha opo malupit po talaga yung prof namin na yun kaya po hindi rin po namin sya makalimutan eh. Opo isa pa po yung multiple choice nakakalito din po talaga.

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga nakakalito talaga iba na kasi yung multiple choice ng College.

$ 0.00
2 years ago

Opo literal na choose the best answer po. Hihihihi.

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga...☺️

$ 0.00
2 years ago

Naalala ko ang teacher ko ng high school sa Biology. 2nd grading noon tapos ang exam niya true or false lahat. Same sa proff mo need ilagay ang tamang answer kapag false. Then one of my classmate tamad magbasa, kaya nilagay niya true lahat. Noong nag check na, perfect siya! Kasi true pala.lahat ng sagot

$ 0.03
2 years ago

Ay grabe na reverse psychology po kayong lahat ng teacher nyo. Hehehhe.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh, alam mo ang feeling na ikaw nangamote. Tapos ang classmate mo na chill lng perfect🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahhahahha ganun po ata talaga ang buhay.

$ 0.00
2 years ago

Hay sa wakas natapos na ang isang kalbaryo lol..I like your professor yung iba ang technique. Dun kasi malalaman if may natutunan ang isang estudyante.

$ 0.03
2 years ago

Opo salamat po at natapos na ang mahihirap na araw ko sa school hahhaha. Opo tama po kayo makikita po kung nag aaral po ba talaga ang isang estudyante.

$ 0.00
2 years ago

Chill ka na :) bawi bawi din ng lakas pag may time :) treat yourself, you did a good job!

$ 0.00
2 years ago

Opo sa christmas break po namin susulitin ko po talaga.

$ 0.00
2 years ago

Ou nga noh mas maalwan ang mga estudyante kapag exams ngayon..kasi ang ibang prof inaallow ang open notes..

Sa true or false, nakaranas na din ako ng ganyang set-up ng exam na kapag false, kailangan mong sabihin bakit nagfalse..tapos equivalent sya sa 2 points..q sa false na sagot then 1 para sa sagot bakit nagfalse

$ 0.03
2 years ago

Opo medyo maluwag po ang mga rules sa exams ngayong online class. Opo ganyan din po sa amin.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga..pqbor sa mga students

$ 0.00
2 years ago

Opo lalo na po yung nga nag momodule po.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga po .mga anak ko kasi nakaonline..oral ang exams nila..instant ka dapat sasagot..

$ 0.00
2 years ago

Opo pero mas okay naman po ang ganyan para yung mga kids po talaga ang sumasagot.

$ 0.00
2 years ago

Yep..open cam at open mic sila pag exams

$ 0.00
2 years ago

Kaso lang po medyo maaksaya nga lang po sa load pero okay lang naman kung naka wifi. Hehheheh.

$ 0.00
2 years ago

Naka wifi namannpo kami...kaya keribels lang po..

$ 0.00
2 years ago

Ay sanaols po naka wifi hahahha. Char lang po.

$ 0.00
2 years ago

hehee..need po eh , sa work ko din

$ 0.00
2 years ago

Ah opo kapag work from home po talaga mas maganda pag nakawifi na po.

$ 0.00
2 years ago

Yes po...

$ 0.00
2 years ago

yay,,,buti at makakapag paghinga naang isip heheeh

$ 0.03
2 years ago

Opo buti nga po kaso hindi pa po natatapos doon dahil may mga bagong gawain na naman po ahahha.

$ 0.00
2 years ago

aigooooo fighting lang beb kaya yan

$ 0.00
2 years ago

Opo fight lang po talaga at hindi susuko

$ 0.00
2 years ago

Congrats! Makakahinga ka na ng maluwag ulit hehehe. Nakakapagod talaga pag college na pero laban lang talaga 😁 So happy for you 😊

$ 0.03
2 years ago

Opo kahit papaano po. Opo true po nakakapagod po talaga ang college hindi lang po ng katawan pati utak po.

$ 0.00
2 years ago

True. Ano nga pala program na kinuha mo?

$ 0.00
2 years ago

Bachelor of Technical Vocational Teacher Education po.

$ 0.00
2 years ago

Teacher ka rin pala in the future :)

$ 0.00
2 years ago

Hahahha yes po, pero pwede din po kami na sa industry magwork if yun po yung gusto namin.

$ 0.00
2 years ago

Mabuti naman at natapos na qng exam mo at maganda ang resulted lahat binabati kita,anong Yr. Mo na ba at anong kurso ang kinukuha mo ka swerte ng parents mo saiyo.

$ 0.03
2 years ago

Maraming Salamat po sa inyo. ♥️😊 Third year na po ang about Foods po ang course ko.

$ 0.00
2 years ago