Laging may Problem pero Lagi din yang may Solusyon.

10 50

January 20, 2022. Thursday.

 Nitong mga nakaraang araw parang ang daming pinagdadaanan ng pamilya ko. Lagi kaming may problema pinansyal man o hindi. Marami din kaming bayarin na kinakailangan na naming bayaran sa lalong madaling pahanon dahil sinisingil na kami. Sa kuryente ay wala pa naman kaming utang dahil kakabigay pa lang ng resibo ng kuryente namin noong December pero ngayon na ang Due Date ng bayaran niyon pero hindi naman agad agad magpuputol ng kuryente ngayon dahil nga nasa Alert Level 3 na naman ang lugar namin kaya naiintindihan naman siguro ng mga manininggil  na maraming nawalan ulit ng trabaho kaya hindi pa makabayad at siguro may palugit naman sila hanggang katapusan ng buwan na ito para mabayaran ang bill sa kuryente. Sa tubig dyan talaga malaki ang utang namin. Nasa 8 na resibo ang hindi na namin nababayaran at iyun ay 2021 bill pa namin.

 

Sa totoo lang nagdadalawang isip kasi kami na bayaran ito. Pumapatak kasi ng 600-900 pesos ang tubig namin kada isang buwan. Biruin nyo po 5 lang kami sa bahay at gabi lang po nandito sa bahay yung iba naming kasama dahil nga po nasa trabaho pero inaabot ng ganyan yung tubig namin. Nagtatanong tanong kami sa mga kapitbahay namin kung magkano ang inaabot ng 1 buwan nilang bill sa tubig at nasa 200-500 pesos lang ito. Marami na kaming napagtanungan na ganun lang ang bill ng tubig nila at yung napagtatanungan pa namin ay marami sila sa iisang bahay. Kaya nagtataka sila kapag sinasabi namin ang tubig namin ay inaabot ng 800 pesos. Kadasalan kasi ay 800 pesos po ang bill namin sa tubig, mababa na ito kung papatak lang ng 600 pesos. Kaya sinasabi nila na “aba, napakataas naman ng tubig nyo, bakit may karinderya ba kayo?” At natatawa na lang kami kapag ganyan ang nagiging reaksyon nila. Pinapayuhan din nila kami na magreklamo na sa kinauukulan para masolusyunan yung problema namin sa tubig pero tuwing pumupunta kami sa baranggay hall dito sa amin ay walang humaharap sa amin, yung kakausap ba para masabihan namin ng problema namin sa tubig. Puro mga baranggay tanod lang lagi yung nandoon at yung secretary lang ng baranggay at minsan lang daw nandun ang mga opisyal dahil mga busy daw at palaging maraming ginagawa. Pinapayuhan din kami ng mga baranggay tanod na nakakausap namin na tignan muna namin ang mga tubo ng tubig namin at baka may butas o tagas na ito kaya tumataas ang bill namin sa tubig. Pero sa totoo lang ilang beses na namin chineck ang mga tubo namin at wala naman itong tagas at butas. Pero nung last year mga November o December ata yun nagcheck po kami ng kuntador namin at napansin namin na ang bilis ng ikot nun. Sinubukan din naming patayin ang lahat ng gripo at testingin kung iikot ba ito kahit patay na ang lahat ng gripo at nakita nga namin na umiikot pa rin ito ng mabagal kahit na nakapatay na ang lahat ng gripo. Ibig sabihin ay may sira ang aming kuntador ng tubig. Pero sa totoo lang sila ang nagpalit ng kuntador na iyun noon ng masira. Nasira kasi ang kuntador namin noon mga panahon na kakasimula lang ng pandemic, ang nakasira nito ay sila rin dahil nabagsakan ata ng mabigat na bagay noong may ginagawa rin sila kaya sila rin ang nagpalit (ang baranggay mismo). Noong mga una hanggang tatlong buwan simula ng palitan nila ang kuntador namin ay ayos lang ang bill namin nasa 100 pesos hanggang 200 pesos pero noong tumagal na dun na sya tuluyang tumaas ng tumaas. Ang kabuuang utang namin sa bill sa tubig ay nasa 6,000 pesos na.

 

Nagdadalawang isip pa kami kung babayaran namin yan o hindi na. Balak din kasi naming magpagawa na lang ng poso, siguro naman ay alam po ng iba kung ano yung poso. Pero kapag nagpagawa kami nun ay gagastos din kami ng malaki. At baka magtaka rin ang mga taga baranggay, hindi kami nagbayad sa kanila pero may pang bili kami ng mga gamit sa pagpapagawa ng poso. At ang isa pa naming balak sana ay bumili ng sarili naming kuntador pero kailangan pa namin itong ipa-calibrate at syempre iparegister sa baranggay at syempre marami pang proseso bago namin magawa yan.

 

Pero sa ngayon ay wala pa talaga kaming 6,000 pesos na pangbayad sa bill ng tubig. Wala pa rin kaming budget para magpaggawa ng poso at ganun din sa bagong kuntador. Kailangan din kasi namin unahing bayaran ang kuryente dahil importante sya ngayon sa amin dahil nga nag oonline class ako.

 

Humihingi pa kami ng palugit sa pagbabayad ng tubig at siguro naman ay naiintindihan nila ang sitwasyon ng mga tao ngayon. Maraming nawalan ng trabaho at syempre inuunang isipin ang pagkain sa panahon na ito.  

 

Pero isa lang yan sa mga problema namin. Ewan ko ba at bakit ganito ang naging pasok ng taon 2022 sa amin. Pero sure naman ako na hindi lang kami ang nakakaras nito, dahil marami na naman ulit ang naghihirap sa pahanon ngayon. Tapos minsan sumasabay pa ang mga problema ko sa school. Kaya medyo naiitress talaga ako ng very light hahahha. Pero tinatawan ko na lang po minsan dahil ayokong mastress talaga ako dahil mas mahirap kapag nangyari yun. Sa totoo lang kung meron akong pera ngayon o ipon ay papalawalan ko na ang pangbayad namin sa tubig pero dahil nagastos ko ang ipon ko noong December, yung iba ay pinangbayad ko sa Research Product na nagkakahalaga ng 3,000 pesos  (nabanggit ko na din ito noon), yung iba ay nagamit ko sa pagluluto ko (mga requirements ko sa school) at mga gamit pang luto (utensils at equipment) mga nasa 3,000 pesos din po iyun lahat lahat at yung iba pa po na mga pinagkagastusan ko. Kaya naman ang natitira lang sa akin ngayon ay yung panggastos ko sa pagkain namin araw araw at yung budget kung may kailangan pa akong bilhin para sa school. Pero naniniwala pa rin ako na may dadating na biyaya at makakaraos at makakaahon din kami sa problemang kinakaharap namin ngayon. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa. At sana lang din talaga ay bumaba na ang mga Covid Cases na yan para kahit papaano ay Bumaba na rin ang Alert Level dito sa amin at makabalik sa trabaho ang mga nawalan ng trabaho.

 

Author's Note.

Sinulat ko po ito para kahit papaano ay mabawasan ang pag iisip ko sa problema namin at kahit papaano ay naishashare ko ang laman ng isip at puso ko, sabi kasi nila mas mababawasan ang bigat sa pakiramdam kapag naibabahagi mo sa iba ang nararamdaman mo, kaya kahit papaano ay sinulat ko na lang po ang nararamdaman ko ngayon.

 

At iyan lang po para sa araw na ito. Pasensya na po kayo kung ganito kalungkot at kabigat na problema ang nabasa nyo ngayong araw at nadamay pa po kayo sa mga problema ko. Hanggang dito na lang po. Hanggang sa muli.

Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.

I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Thanks for reading this.

Keep Safe and God Bless us always.

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

Bye.

I made it with Canva

Lead image source: Unsplash

 

5
$ 2.27
$ 2.08 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Fyangzee24
$ 0.05 from @yhanne
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Comments

Kami din sis, nagstruggle din sa mga bills namin but it is true that God's help is always on time. Praying for a miracle for you sis!

$ 0.03
2 years ago

Maraming Salamat po. Tama po masosolusyan din po iyang mga problema natin by the help of God.

$ 0.00
2 years ago

Amen to that sis!

$ 0.00
2 years ago

🙏🙏🙏

$ 0.00
2 years ago

Kapit lang kay God sis, lahat ng pagsubok ay may solusyon🙏

$ 0.03
2 years ago

Opo. Maraming maraming salamat po.

$ 0.00
2 years ago

These all shall pass. Malalampasan mo rin lahat ng ito. Wag mo lang masyadong isipin, It will only stress you out. May paraan si Lord para mawala lahat ng worries mo.

$ 0.03
2 years ago

Thank you po. Noted po iyan. Naniniwala po ako na malalampasan din namin yung mga problema po namin. Salamat po.

$ 0.00
2 years ago

Okay yang ginawa mo. You're letting yourself breathe which is healthy for you emotionally.

$ 0.00
2 years ago

Thanks po sa inyo. 🥰

$ 0.00
2 years ago