I spent $25 yesterday

33 48
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago
Topics: Spending, Joy, Games, Playing, Earning, ...

March 15, 2022. Tuesday.

Kamusta na po kayong lahat? 3.15 (sweldo sale) ngayon at sale na naman sa mga online shop, so nagpabudol na naman po ba kayo? Hahhahha. Ako po hindi muna papabudol dahil mag iipon muna ako tsaka na lang ako papabudol uli kapag marami na akong pera at marami na akong naipon. Hehehhe.

 


Anyway change topic po tayo. Nagsisimula na ako maging busy sa online class ko kaya hindi na po ako ganun ka active, kaya wala rin akong na publish na article kahapon dahil wala rin akong nasulat at naubusan ako ng time for writing an article. Pero nagbasa pa rin naman po ako kahapon ng mga article dito, mga 5-7 articles din ata ang nabasa ko. Mas magiging busy pa po ako sa mga susunod na araw at nakakasigurado ako dun, 1 week pa lang kasi kami ay ang daming gawain agad agad. Paano pa kaya sa mga susunod na linggo? Tapos yung mga po prof namin ngayon ay medyo masusungit at strict, nabago din kasi yung iba naming prof noon pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko mga prof namin noon, mababait na matataas pa magbigay ng grade hahhaha. Anyway hanggat kaya ko po ay susulat pa rin naman ako ng article dito hindi na nga lang po siguro araw araw na katulad ng dati. Ewan ko po ba mas kaonti na nga ang subject ko ngayon pero parang mas naging busy ako. Pero kahit ano pa man ang mangyari ay kailangan ko lang talaga i-manage ng maayos ang time ko.

 


Change topic po ulit tayo hahhaha. Kahapon nga po ay gumastos ako ng $25 dollars o less than 1,300 in pesos po iyan. At saan ko nga ba dinala ang ganyang kalaking halaga? Ginamit ko po yan sa pagmi-mint ng JoyBot, nagkakahalaga po ang pagmimint ng 1 joybot ng 500 JOY. Pero may balance po kasi akong about 50 JOY sa metamask wallet ko noong nakaraang pa kaya 450 JOY lang ang kinailangan kong bilin kahapon at nagkahalaga nga po iyon ng $25. Kailangan po mag mint ng JoyBot para maaccess mo po ang mga games sa Joystick.club. Isa po iyung Pay-Play-Earn at sa metamask din po matatagpuan. Kailangan mong magbayad ng 0.25 dollars (kada isang laro) para makapaglaro sa at kikita ka naman kapag natapos kana maglaro, depende po sa score nyo ang makukuha nyong JOY kada laro, pinakamababa na po ang 2.5 JOY at pinakamataas naman po ang 10 JOY.

 

Nanghinayang nga po ako kung bakit hindi pa ako dati nagmint ng JoyBot kung saan nasa $15 dollars pa lang ang price nito. Last week balak ko na po talagang mag mint, mga nasa $18 dollars pa lang sya pero nagdalawang isip pa po kasi ako. Pero simula ng makabasa ako ng mga article ng iba din ditong users na kumikita naman sila ng maayos at mababawi naman ang puhunan mo (yung ginastos para sa pagmi-mint ng JOYBOT) at naengganyo na din po talaga ako. At kahapon ko nga lang po yan nagawa.

 

Masasabi ko naman po na legit na kumikita naman po talaga ako pero saka na po ako magsasaya kapag nabawi ko na yung pinuhunan ko ahahhahah. Mag uupdate po ako sa inyo kapag nabawi ko na yung $25 dollars na ginamit ko para makapag mint. Kahapon ng makapag mint ako ay naglaro po agad ako don, $3 dollars lang po muna ang ginamit ko para sa paglalaro so it means meron akong 12 chances to play at puro Honeycomb lang po talaga ang nilalaro ko since sya po ang pinakamadalinsa lahat at maganda ang kitaan, minsan lang po ako magtry ng ibang laro pero ang sinusubukan ko lang po ay JoyBot Cross at Block Breaker. Sure ako na gets o alam naman po ng ibang users kung ano yung sinasabi ko. Pero kapag may time po ako ay ieexplain ko ito sa inyo ng mabuti para kung gusto nyo rin po itry. Pero sa ngayon pwede po kayo mag research about dito sa sinasabi ko, pwede din po kayo sumali sa Telegram group ng JOYSTICK CLUB kung gusto nyo po para mas marami po kayong malaman ang maging updated kayo. Yung $3 dollars ko nga po pala ay naging $5.5 dollars matapos kong maglaro so it means ang kinita ko po kahapon sa paglalaro ay $2.5 dollars.

 

Maghihintay muna po ako ng ilang araw pa bago ko mabawi yung ginastos kong $25 then kapag nakuha ko na po ay tsaka ulit ako gagawa ng about doon.

 

Hanggang dito na lang po muna. Sorry po kung tagalog na naman ang article ko ngayon, di kasi kaya ng brain cells ko magsulat ng english for now eh hahahha dami po kasing gawain sa school kaya kung saan ako mapapabilis ay yun na lang po ang ginawa. And anyway update lang din naman po sa mga ginagawa ko lately ang article na ito. Pero maraming salamat pa rin po dahil binasa nyo ito at sana ay nag enjoy kayo sa pagbabasa kahit paano. Hanggang sa muli. Happy Tuesday to all of you!

 

Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works.  Thank you for your support and trust in me and my articles.  Thank you again.

 

I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous.  Please visit and read their articles when you have free time.  Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading.  And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles.  Thank you very much too.  And may you all be blessed for your kindness and goodness.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 Thanks for reading this.

 

 Keep Safe and God Bless us always.

 

 Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

 Bye.

 

I made it in Canva.

Lead image source: Unsplash

 

 

6
$ 1.33
$ 1.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @mommykim
$ 0.03 from @FarmGirl
+ 1
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Avatar for Expelliarmus30
2 years ago
Topics: Spending, Joy, Games, Playing, Earning, ...

Comments

Pareho tayo, I've been so busy these past days din dahil sa school works. The difference is nagbabasa ka pa rin ng articles habang ako nagpapublish lang tas minsan pag di na kaya, di na talaga hahaha. Pero laban pa rin. Kaya natin tow!

$ 0.02
2 years ago

Kahapon po di talaga ako nakapagbukas ng account ko eh. Kaya ngayon lang po nakareply.

$ 0.00
2 years ago

anlaki...di ko kayang mag mint sa ngayon..low budget aigooo

$ 0.02
2 years ago

Opo mommykim medyo malaking halaga nga po. Okay lang po intay na lang po siguro pag bumaba.

$ 0.00
2 years ago

Ako iniiwasan ko yang ganyan, baka mapagasto 😂

$ 0.02
2 years ago

Legit naman po sya na kikitaka talaga. Pero do your own research nga po sabi nila.

$ 0.00
2 years ago

Hindi ko alam about sah ganyang laro, bago palang kasi, ahahha, but anyway good luck sis,

$ 0.02
2 years ago

Okay lang po yan ganyan din po ako noong una pero pag tumagal ay matuto naman napo kayo.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis ehh, salamat sis.

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap talaga kahit sabihin hawak mo ang oras mo ngayong online class kahit ako di na rin active dito dahil sa klase haha,

Anyway ngayon ko lang narinig tong Joybot na to parang ang interesting mukhang worth it bilang investment din

$ 0.02
2 years ago

Oo nga po kala lang ng iba madali online class pero hirap din pi talaga kasi kapag tapos na meet eh may mga gagawin pa rin na activity at requirements. Gusto nyo po sumali sa Telegram para po makapagbasa basa po kayo doon?

$ 0.00
2 years ago

Totoo po tsaka mas nakakadrain talaga ang online class,

sige po pwede po ba akong sumali gusto ko lang din muna malaman kung ano yung Joybot hehe

$ 0.00
2 years ago

Sige po.May telegram po kayo? Para isali ko po muna kayo sa group.

$ 0.00
2 years ago

opo meron po

$ 0.00
2 years ago

Ano pong TG username nyo? Sorry po late reply ako.

$ 0.00
2 years ago

Na add ko na po kayo message na lang po kayo sakin sa TG if may question po kayo.

$ 0.00
2 years ago

2.5$ its good na friend, and hahahhahah natawa ako sa intto mo, kaya ako hindi nag oopen ng online shopping apps kasi baka madala lang ako hehhr. Pano kaya gawin yan friend? Nice naman siya interested here

$ 0.02
2 years ago

Opo goods na kita na po talaga yan in 1 day para sa akin. Hahhaha opo ako di na rin po nag oopen ngayon ng mga app ng online shops eh. Sali po kayo sa Telegram group ng Joy stick. Ano po ba username nyo sa telegram?

$ 0.00
2 years ago

Wala nga ako niyan sis ehhh diko alam pano gamitin

$ 0.00
2 years ago

Ayy ganun po sayang naman po pero ito po ang link ng game https://joystick.club/ and ito po yung twitter nila https://mobile.twitter.com/joystickclub/status/1503622715378642944?s=20&t=fyF8BCaenkzaZeK3Zr8RlA. Kung want nyo po.

$ 0.00
2 years ago

Interested ako dyan, kasi Kung dito nga Di ako kumikita NG 2.5 dollars baka dyan may pag asa ako. Hanapin ko din yan sa telegram pero sana ma guide mo ako. In 10 days mababawi mo na yun investment mo.

$ 0.02
2 years ago

Opo magandang pagkakakitaan din po talaga ito. Sige po basta po hindi ako busy magaguide ko naman po kayo. Sana nga po maraming salamat po.

$ 0.00
2 years ago

Pumunta ako sa channel, kaso sabi sakin ipublic ko daw ang username ko, di ko gets eh.

$ 0.00
2 years ago

Username daw po? Diko po sure pero baka naka private po ang account nyo.

$ 0.00
2 years ago

Narinig ko din yang JoyBot Langga sa article ni chikakiku. Di ko sure kung yun ba yun. Hehe di ako sure. Madali lang ba Langga ? Gusto ko sumubok Langga. 😊

$ 0.02
2 years ago

Opo same lang po yan. Madali lang po yung mga laro at nakakaenjoy, yung pag mimint madali lang din naman po maintindihan. Ano po username nyo sa Telegram para add ko po kayo doon?

$ 0.00
2 years ago

JRamona20 Langga. Gusto ko matuto Langga. Salamat Langga.

$ 0.00
2 years ago

Na add ko na po kayo. Basa po kayo ng mg a Pinned Message po tsaka may mga video din po doon mga tutorial po ganun.

$ 0.00
2 years ago

Cge Langga. Check ko. Maraming salamat Langga. 🥰

$ 0.00
2 years ago

Sige po. Message lang din po kayo sa akin sa Telegram kapag may tanong po kayo.

$ 0.00
2 years ago

Ay ang galing no ,2.5$ sa isang araw ,not bad .Sana dumami pa yung earnings mo ,have peaceful night🤗

$ 0.02
2 years ago

Opo hindi na rin po masama hindi ko po mapupulot basta bata yung ganyang halaga po.

$ 0.00
2 years ago