Batang '90s

4 11

Kaway-kaway mga batang '90s dyan!

Pansin ko lang, ibang iba na ang mga kabataan ngayon. Napakaluwag na kasi ng mga makabagong magulang ngayon. Kesyo ayaw na daw iparanas ang naranasan nilang hirap at sakit sa pagdidisiplina noon. Masakit daw mapalo kaya ayaw paluin ang mga anak.

Sa sobrang pagmamahal at ayaw masaktan ang anak. Nagiging palasagot at palaban na tuloy ang mga kabataan.

Naalala ko noong kabataan ko. Noong mga panahon na yon, lagi ako pinapagalitan ng nanay ko. Pinupukpok ng sandok sa ulo pag nagkakamali. Lagi mainit ulo ng nanay ko noon, gusto laging malinis sa bahay. Naglinis ka na nga, madumi pa din daw. Sandamakmak na sermon at nagliliparan ang kaldero,kutsara at kung anong gamit ang mahawakan kaya dapat maging kang umilag ka at masasapol ka talaga.

Umaga palang ang ingay ingay na ng bibig ng nanay ko. Alas 4 palang ng umaga, nauna pa siya pumutak kesa manok ng kapitbahay. Hindi na kailangan ng alarm clock. Kailangan gising ka na para magluto ng almusal, magdilig ng halaman, maglampaso ng sahig, kailangan mo yang gawin bago pumasok sa eskwela. Tapos maglalakad pa papasok at pauwi. Hindi naman kasi kami mayaman kaya naglalakad lang kami. Masaya naman kasi madaming kasabay papasok. May kakwentuhan habang naglalakad.

Gusto din ng tatay kong sabay sabay kami kakain sa mesa. Lahat nasa mesa, walang magsasalita habang kumakain. Yung kapatid kong kumakanta habang kumakain, tatanungin ng tatay ko, "kakanta ka o kakain?'", tatahimik nalang ang kapatid ko habang kumakain.

Noong panahon, takot kami sa titser namin kasi pag maingay, kurot sa tagiliran ang aabutin mo. O kaya naman babatuhin ng pambura na may chalk.

Ngayon, ibang iba na, bawal na daw saktan ang mga anak. Di na uso ang tradisyunal na pagdidisiplina, ikukulong na ang magulang o kahit ang mga titser na kumurot sa mga anak.

Ngayon hindi na libro ang hawak ng mga kabataan, mas madalas, selpon na. Madaming kausap kung sino-sinong hindi naman kilala sa personal. Pagkatapos makikipagkita ng patago. Kaya napapahamak.

Elementarya palang ngayon umiiyak na dahil nabigo na sa pag-ibig. Samantalang nung panahon ko'y. Dyolen,teks, luksong tinik, luksong baka, patintero at habulan ang inaatupag namin. Iiyak lang kami pag nasugatan dahil nadapa sa kakatakbo.

Noon ang pangarap ng kabataan, makatulong sa magulang pagkatapos ng pag-aaral. Ngayon, mas iniisip pa kung ilan na ba ang taga hanga niya sa FB, sa Youtube, Instagram, Twitter at kung ano ano pa. Ngayon mas inuuna pa si ML bago ang libro.

Noon,sinusundo kami ng nanay sa labas habang hawak ang tangkay ng bayabas o kaya tingting o kaya hanger pauwi galing sa maghapong pagbilad sa araw. Ngayon, magulang na ang nakikiusap sa anak na lumabas naman para masinagan ng araw. Sayang daw ang bitamina galing sa araw.

Nagbabago nga ang panahon, noon masaya na sa pagtatampisaw sa ilog, sa paggawa ng bahay-bahayan, titser titseran at habulan. Ngayon, hindi na alam kung ano pa ba ang magpapasaya sa kabataan. Madaming kabataan ang kinikitil ang sariling buhay dahil sa depresyon. Noon hindi naman uso ang salitang "depresyon". Pag may problema ang anak,alam ng magulang at magkakasama silang lumulutas.

Ibang-iba na talaga ang panahon. Kung noon ay nagagalit ako sa nanay ko tuwing pinapagalitan niya ako, pinapalo ng kung ano-ano. Ngayong malaki na ako, nagpapasalamat ako sa mga magulang ko. Kung di sila naging mahigpit sa akin noon ay baka napariwara na ang buhay ko. Matatag ako ngayon at nakakaya kong solusyunan ang mga problemang dumarating sakin kesa sumuko at kitilin ang sariling buhay. Sayang. Bukod sa isa itong napakalaking kasalanan, magagamit pa sana ang buhay sa pagbibigay inspirasyon at tulong sa kapwa.

Hinding hindi ko ipagpapalit ang aking mga alaala sa mga modernong gamit ngayon. Mas masaya pa din ang kabataan ko noon kesa sa kabataan ngayon. Bilang magulang diba dapat iparanas sa mga anak kung pano tumayo sa sariling paa? Kung talagang mahal niyo ang mga anak niyo, bigyan niyo sila ng pamanang magagamit nila pag wala na kayo. Hindi habang buhay ay may magulang na laging sasalo sa anak. Kailangan nilang magkaroon ng tiwala sa sarili at responsibilidad.

Sabi nga sa banal na aklat: "Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.".

Salamat sa pagbabasa ng aking akda. ❤️❤️

Maaring po ninyo itong i-like at magsubsribe na din po kayo para manotify kung may bago akong akda. Salamat muli!

3
$ 0.00

Comments

Your writing is very interesting. Thanks for sharing this information. I think you write again. I am waiting.

$ 0.00
4 years ago

Yes, i will write again. I will write later I'm just thinking of a topic! Please subscribe and i'll subscribe back too. Let's help and support each other. 😊

$ 0.00
4 years ago

Mga bata ngayun ay sa gadget nakasalalay ang kasiyahan, hindi mkalaro sa labas kasama ang kaibigan nga wlang gadget. Sumusuway sa magulang kasi hindi na pinapalo. Kami dati pinapalo ni teacher kung magkasala, ngayon ay si teacher na pinapalo, si teacher pang may kasalanan.

$ 0.00
4 years ago

Oo nga po, naalala ko yung teacher na pina-tulfo dahil pinahiya daw ung estudyante. Hay nako, sana kung nadisiplina na sa bahay, di na didisiplinahin ng teacher sa eskwelahan diba po?

$ 0.00
4 years ago

Tama ka jan! Nkakahiya yung ganyan. Pinahiya na nya magulang nya sa ganyang paraan. Kinonsinti pa mg magulang.

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga eh.. iba na talaga panahon ngayon. Mas ok pa nuon kahit mahigpit ang mga magulang lumaki namang maayos ang mga kabataan.

$ 0.00
4 years ago

masayang balikan ang nakaraan. yung naglalaro ka lang sa labas kahit pawisan okay lang. ngayon halos di na ako pinagpapawisan kapag pumapasok sa trabaho. ayoko nga na pagpawisan ako. ang dami na nga nagbago ano? pero nakakamiss din ang mga panahong iyon. kung pwede lang maglaro na lang maghapon. walang stress, pagod lang sa paglalaro. masaya.

$ 0.00
4 years ago

Opo, ang saya ng kabataan noon. Mas maganda yung samahan ng mga magkakaibigan. Masasabi mong tunay na kaibigan talaga. Ngayon, may fb na, di na nagkikita ng personal. Mas maganda pa din yung naguusap ng personal.

$ 0.00
4 years ago

Super sarap balikan ang nakaraan na ang mga bata noon hindi pa marunong mag gadgets,ngayon lahat na nang mga bata gadgets na ang nilalaruan,,,

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga po, hindi na sumusunod sa magulang kung minsan, sobra po kasing mahal ng mga magulang ang kanilang anak. Kaya binibilhan ng mga gadgets makasunod lang sa uso.

$ 0.00
4 years ago

Mas gusto ko pa dati kesa ngayon. Dati lahat masayang nagtatakbuhan walang gadget pero masaya. Ngayon wala na kaniya kaniya na silang pwesto sa paghawak ng gadget.

$ 0.00
4 years ago

Kaya mas malulusog mga bata noon kasi batak ang katawan sa kakalaro ngayon mga sakitin na

$ 0.00
4 years ago

Iba kasi ang panahon noon sa ngayon tsaka napapalibutan na din kasi tayi ng teknolohiya kaya ang mga bata ngayon puro laro sa gadgets ang inaatupag kaysa maglaro sa labas. Kung maibabalik lang ang dati masaya din sana ang mga bata ngayon

$ 0.00
4 years ago

Hindi na po kasi mapipigilan ang teknolohiya. Nakikisabay na tayo sa ibang bansa. Yung mga magulang kumakayod para sa anak, para makabili ng gadgets sa mga anak.

$ 0.00
4 years ago

Iba ibang na talaga mga kabataan ngayon kaya may gusto mga magulang na tularan sila nong bata pa mga Bata ngayon puno na ng mga gadgets eh nong araw ng 90's mag larong pilipino lang masasaya na.

$ 0.00
4 years ago

kaya nga po nakaka miss ung panahon noon, yung mga kabataan, makikita mo sa kalsada nag lalaro, tapos ung mga laro pa, yung magagamit pa ang buong katawan, nakaka pag exercise eh ngayon, wala ng exercise. Na eexpose pa ang mga bata sa radiation ng mga gadgets.

$ 0.00
4 years ago

Nakakamiss Rin Ang maging Bata kagaya dati kahit simpleng laro Lang subrang saya na di katulad ngayong kabataan.

$ 0.00
4 years ago

Totoo po, hanggang sa ala ala nalang ung nakaraan ng ating kabataan.

$ 0.00
4 years ago