read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Tick-tock, Tick tock ⏰ Nag-announce pala si teacher ng Performance Task ng mga bata kahapon and to be submitted today kasabay ng pasahan ng module. Sobrang busy naman ako kahapon dahil laundry day ko. Hindi ako nakasilip man lang sa group chat and super confident naman ako na wala ng gagawin kasi usually before start of the week ina-announce na mga activities. Tuesday pa lang tapos na kami sa module kaya more on English reading kami nakafocus. Kaya ang gulat ko na need pala gumawa ng clock! Hating gabi nag isip na ako ng materials na pwede namin magamit. Wala akong mga boxes at kakadisposed ko lang. Buti naalala ko marami kaming unused na laminated plastic na pangface shield. Mga na-issue kay mister sa work. Kaya paggising mga bata at after magbreakfast ay dali-dali kami sa paggawa. Natuwa naman ako sa kinalabasan! Pati si teacher natuwa din! Tada! Instant project. 😉👌

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.