read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Lumabas ako kanina para bumili ng chicken at nag-iisip ako kung ano ba ang iluluto ko for lunch na hanggang dinner na. Aalis kasi ako para sumamba mamaya so wala na akong time to prepare for dinner. Pagdating sa bilihan nakabili naman ako whole chicken for 249Php. Di ko masyado gusto ang gulay doon kaya hindi ako bumili. Masyadong mainit kaya di na ko lumipat para bumili ng pangsinigang kaya dahon ng laurel na lang binili ko at decided na akong mag-adobo na lang. Pag-uwi nagtanong ni Bertt kung ano lulutuin ko, sabi ko nga e adobo. Sabi naman ng aking si pogi ay sinigang ang kanyang gusto. Wala akong nagawa kundi lumabas at bumili ng pangsinigang! Tinamad ba naman ako kaya nadoblehan pa tuloy ako ng lakad. 😂 Magandang tanghali! Tara pong kumain! 💚

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.