Ready na ang aming breakfast! Very pinoy ang aming agahan ngayon. Magfried rice pa dapat ako kaya lang baka lalong mapadami ang kain. Kailangang magbawas ng very very slight! Hehe. 😅 Waiting pa ako na magising ang aking mag-aama. Mukhang napapasarap ang tulog at malamig. Makulimlim ang langit at di pa nakakasikat ang araw kahit 8am na. Makapagkape na muna habang naghihintay. Gandang umaga sa lahat. 💚
4 comments
Pinoy na pinoy nga sis hihi, mapaparami talaga ang kain kapag ganyang kasarap ang nakahain hihi
Tara na sis kape na tayo. Ang sarap ng inyong breakfast sissy! Kamusta sissy ko? Miss you 😘
Miss you too sissy! Eto balik loob dito sa NC. Tagal ding hindi nakatambay dito. Bakasyon naman kaya pilitin maka extra kahit paano. Yung talong kasi dyan e tira pa kagabi. Hehe. Musta na sis? Mga kids? Enjoy na ang bakasayon.
Naku sis dito sa school nila may recovery program, inaassess lahat ng bata. Kaya pumasok pa sila ng 2 weeks pero tapos na din yata. Waiting pa kami ng announcement kung kailan ang moving up. Ako naman sis na busy din talaga kaya minsan madalas ako dito minsan hindi hehe. Kakagaling lang namin sa sakit sis lagnat ubo at sipon paano kasi ang lamig sis tapos biglang iinit. Miss ko na ang chikahan natin sissy