The Shape of My Personality: Day 6 Realization

Avatar for Eirolfeam2
3 years ago
Topics: Life, Realizations

Note: I have written this piece when I was in High School as an assignment given by our teacher. It is a reflective essay about my life and personality that involves shapes related to it. Since it is something that I can still relate to, and it reflects some of my present views, and share it here as one of my realizations in life.

Ang Hugis ng Buhay Ko

Bilog. Tatsulok. Kwadrado. Tatlong hugis na nagtataglay ng iba’t ibang mga katangian  kung saan ang mga ito ay maaaring sumalamin sa personalidad ng isang tao. Ang Bilog na nagpapakita ng katangiang "friendly" o pagiging palakaibigan at pagiging masayahin. Ang Tatsulok na inihahalintulad sa pagiging "perfectionist". At ang kwadrado na nagtataglay ng katangiang pagiging "independent" o malaya at kayang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Bilog. Kung ako ang tatanungin, masasabi ko na mayroon ako ng katangian ng bilog o pagiging palakaibigan at pagiging masayahin. Minsan, ako ang unang magpapakita ng motibo na gusto kong kaibiganin ang isang tao. Makikipagkaibigan lang ako sa mga taong gusto rin akong kaibiganin. Gaya ng bilog, patuloy lang ako sa pagkakaroon ng mga kaibigan at sa pagpapatibay ng aming samahan, kahit na alam kong may mga ibang mawawala at hindi na muling babalik pa. Ngunit hindi gaya ng bilog na walang gilid o walang limitasyon, hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Pipiliin ko ang maging masaya kaysa problemahin ang mga bagay-bagay na hindi naman kaproble-problema. Habang bata at malakas pa ako, susulitin ko na ang mabuhay dito sa mundong ibabaw at magpakasaya ng walang ibang taong tinatapakan.

Tatsulok. Masasabi ko sa sarili ko na minsan ay "perfectionist" din ako. Sa tuwing may mga panggrupong aktibidad na inihahain sa amin at ako ang napipiling lider sa grupo namin, gusto ko na lahat ng gagawin namin ay planado at yun lang ang dapat masunod. Kapag may mga pagkakamali ay nagagalit ako dahil gusto ko ay tama lang lahat. Pangit man pakinggan, ngunit sa kabilang banda, mayroon parin itong magandang naidudulot sa aming grupo. Kapag sa sarili ko naman, nabibigo ko ang sarili ko kapag hindi ko naabot ung target ko. Kagaya sa mga quiz o exam, naiinis ako sa sarili ko kapag hindi ung puntos na gusto kong makuha ang nakuha ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nakapag-aral ng mabuti at dun ko sinasabi sa sarili ko na dapat sa susunod ay mataas na ang makukuha ko. Dun ko naipapakita sa sarili ko ang pagiging "perfectionist" ko.

Panghuli, Kwadrado. Minsan, napapaisip din ako na taglay ko ang katangian ng kwadrado. Ang kwadrado na mayroong apat na gilid na nagpapatunay na kwadrado nga ito. Kagaya ng kwadrado, mayroon din akong apat na gilid o hangganan na makapagsasabi na kaya ko ring tumayo sa sarili kong mga paa. Minsan ay ginagamit ko ito sa sarili ko sa tuwing may mga output at mga proyekto kami na ako lang ang gumagawa at walang hinihinging tulong sa ibang tao. Sa tuwing may mga ginagawa akong desisyon ng walang hinihinging opinyon o payo mula sa mga taong malalapit sa akin, doon ko naipamamalas ang katangian ng kwadrado. Ngunit hindi habang buhay ay kakayanin kong mag-isa. Darating at darating parin ang araw na kakailangan ko ang ibang tao lalo na ngayon na bata pa ako at hindi ko pa kaya ang lumayo sa mga magulang ko.

Bilog. Tatsulok. Kwadrado. Kahit ano man ang hugis na makapagbibigay depinisyon sa personalidad mo, ang mahalaga ay alam mo kung sino ka at kung ano ka, marunong kang makisama sa ibang tao at wala kang tinatapakang ibang tao. Magpakatotoo ka lang sa sarili mo para makamit mo yung saya na kailanman ay hindi mo makakamit kung nagtatago ka sa mukha na hindi naman ikaw. Ipagmalaki mo kung sino ka man dahil walang unang tatanggap sa pagkatao mo kundi ikaw mismo.

I wrote this piece when I was still in grade 10, which is about 5 years ago. I can say that at that time, I was living a carefree life who doesn't mind if people come and go. I can say, I am still a "circle" but at some point, I have built a wall to not just let anyone enter my life. I am no longer a "triangle" as I have already graduated from that being into any kind of competition- may it be having higher grades, higher scores, higher rankings in class. Now that I'm in college, I no longer worry if I get low points or grades, just not to the point that I am already failing my subjects. I will forever be a "square" because I have always been independent. I am the type of person who never seeks help unless when I am in a life-and-death situation. However, just like what people say, "No man is an island".

0
$ 0.99
$ 0.94 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
Avatar for Eirolfeam2
3 years ago
Topics: Life, Realizations
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments