Para Sayo Itay

5 12
Avatar for DreamBig
3 years ago

Mahal kong tatay,

Biyaya kang tunay

Alaga mo't gabay

Walang ibang makapapantay

Sipag mo't tiyaga

Tunay na kahanga- hanga

Buhay ay handa mong itaya

Kailanma'y di ka nagpabaya

Dadi, Papa, Tatay o Itay

Mga katawagang ikinaliligaya mong tunay

Salamat sa iyong pasensya

Pagmamahal mo at presensya

Maraming salamat sa iyong lakas

Puyat at pagod, sa iyo'y hindi mababakas

I love you Tay, Mahal kita!

Diploma't medalya alay sa'yo amang sinta

Para sa iyo Itay! Buhay ay aking alay

Pag-ibig mo't gabay, kasiyahan aking taglay

Handa akong suklian, iyong mga pagsisikap

Magtitiyaga hanggang huli, pasasalamat ko sa iyong paglingap

Sponsors of DreamBig
empty
empty
empty

4
$ 0.00
Avatar for DreamBig
3 years ago

Comments

Nice 😅

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sa mga nakaappreciate hehhehe sana makasulat pa ako ng maraming poem tagalog at english nakakagaan ng pakiramdam parang achievement ko na din kahit jobless

$ 0.00
3 years ago

Sana all may papa hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Hmmm. Sorry to hear that. Pero kung may wala may dadating. Asawa na magaalaga sayo na parang tatay mo din kung magprotekta hehehhe. Hindi ko alam kung ok yung opinyon ko paumanhin

$ 0.00
3 years ago

Your Tatay must be so proud of you. I hope you had the chance to let him read this :)

$ 0.00
User's avatar Jim
3 years ago