read.cash Log in

@DreamBig

Joined 11 July 2020 · 150 posts

Wag mapagod, wag sumuko, DREAM BIG!!!

120 KT

0 KT Β· 1Β’ received · 0 KT given

Posts

@DreamBig

Happy Weekend guys!! I hope all is well. Keep safe everyone.

@DreamBig

I love myself and I will always love it for being true and amazing. I love who I am today.

@DreamBig

Failures can never stop us. We will always seek for growth and opportunities to recreate our own definition of success.

@DreamBig

Failures can never stop us. We will always seek for growth and opportunities to recreate our own definition of success.

@DreamBig

Good morning Read Cash. Happy and blessed Wednesday morning to all.!! Enjoy the rest of the day and keep smiling. FIGHTING!!

@DreamBig

Happy Saturday Read Cash!!! 😘😘😘 God bless us all. Enjoy the rest of the day .

@DreamBig

Good morning friends!! 😘 May you have a blessed morning today. Happy Friday. Yay!!

@DreamBig

Thank you @ruhul112 for your kindness and generosity. God bless

@DreamBig

Sponsorship There is another sponsorship alert!!I would like to thank @ruhul112 for sponsoring 30 or more members in this platform. I hope you find my article an interesting one.😊😊😊 So here it is: https://read.cash/@DreamBig/morning-mantra-64dfea26 The mechanics are listed as follows: Here's what you need to do to get a sponsor: 1. Subscribe my account @ruhul112  and follow me https://read.cash/@ruhul112 2. You like the one articles you have written that you think have been the best so far and you have to post the links to those two articles. 3. You must mention me in the post and you have put out the link of this post in your post so that everyone can be aware of the matter. 4. After posting, you have to link that post to the comment box of this post so that I can easily sponsor you. I hope everyone will join and have fun. To join the contest, kindly follow this link:https://read.cash/@ruhul112/sponsership-7c61ca22 Thank you!!

@DreamBig

Paano kapag hindi mo na talaga kaya? May mga tagpo sa ating buhay na tila ba parang pinaglalaruan tayo ng mga eksena sa ating buhay. Minsan kapag dumating sa puntong hindi na talaga natin kaya saka naman lalong bumibigat ang sitwasyon. Bakit ganito? Bakit ipinagpalit ako ng karelasyon ko ng 6 na taon sa isang lalaking mas matanda sa kanya? Bakit kailangan kong matanggal sa trabaho gayong nasa kalagitnaan ako ng pagbabayad sa mga hinuhulugan ko?Bakit kinakailangang baligtarin ng kumpare ko ang sitwasyon at ako ang palabasin na masama?Napapatanong na lamang tayo. Nakakasama ng loob kapag puro negatibo ang pumapaligid sa iyong mundo. Nalulunod ka sa marami at halo -halong emosyon na nakapagpapabalisa sa iyo.Nakawawala ng pasensya at amor sa sarili. Minsan nga habang gulong gulo ka na sa sitwasyon doon mo pa nagagawang himay-himayin ang mga pangyayari kung saan ka ba nagkulang o kung saan ka lumabis. Hayyyyy. Isang mahabang buntong-hininga. Nakakapagod na. Sa mga panahong tila ba hindi na natin maunawaan ang mga pangyayaring ayaw na nating maulit pa, nakikiusap tayo aa tadhana na huwag na nating maranasan ang mapait na yugto ng ating nakaraan. Dahil hinang-hina na tayo at naubusan na ng lakas para lumaban. Normal iyan. Maging ang pinakamatalino at pinakamayaman na tao ay nakararanas ng panghihina at pangkukwestyun sa sariling kakayahan. Mabigyan nawa natin ang ating sarili ng permiso na masaktan at magpahinga, mapagod at huminto hanggang sa makabalik sa dati nating anyo. Damhin natin ang mga negatibong emosyon hanggang sa mapalaya tayo ng nasa taas at mabigyan ng panibagong mukha ng pag-asa.Lahat ay may hangganan. Maging mga pasanin ay may hangganan din.

@DreamBig

Happy Tuesday Morning Kapamilyaaaa!! I hope everyone is doing great. 😘 labyuuuh guysss

@DreamBig

Sana Ngayong Pasko Nakakalungkot pero ito ang totoo. Iba ang panahon ngayon. Malungkot ang mundo natin ngayon. Puno ng pagkabalisa ang mga tao. Hirap naman ang iba na humanap ng pagkakakitaan o kung maitatawid ba nila ang panghapunan. Ang iba takot magpakonsulta sa ospital kaya tinitiis na lamang ang iniindang sakit dahil sa takot na mahawa ng iba. Ang iba ay wala man lamang masilungan o mapagpahingahan. May ihihirap pa ba dito? Eto... Habang ang iba... Pagod at puyat. Nanlalata na ang mga mukha dahil sa overfatigue sa trabaho. Call of duty ika nga. Ang tunay nating mga bayani. Mga doktor at nurses. Kabilang na din ang mga sekyu, mga bank teller, mga empleyado ng grocery stores, mga tindero at tindera sa palengke, mga pulis at sundalo, mga volunteer workers, mga janitor at street sweepers at marami pa sa kanila. Hindi biro ang kanilang mga trabaho. Walang takot na sinusuong ang peligro, mapaglingkuran lang ang bayan. Paano pa kaya ang hirap ng mga doktor at nurses na walang sawa ang pagalaga at pag-alalay sa mga maysakit , mailigtas lamang ang mga pasyente sa bitag ng kamatayan. Bayani silang tunay. Hindi natin sila kayang suklian, kundi maipanalangin sila para magkaroon ng katatagan at kaligtasan. Paano kaya nila nakakayanan ang init ng facemask, faceshield at PPE gown?? Suot suot sa bawat araw at hindi pa pedeng hubarin dahil delikado na maexpose sa di nakikitang virus. Ramdam natin ang kanilang pagod at sakripisyo. Tanging sukli natin ay manatili sa ating sariling bahay at manalangin para sa kanilang kaligtasan. Bayani din ang mga CoVid Fighters! Na kahit hirap na hirap na sila ay hindi sila sumusuko na labanan ang hirap ng kanilang karamdaman. Nanghihina man ang kanilang katawan at isipan pero nanatili silang kumakapit sa pag-asa na balang araw makaaalis din sila sa apat na sulok ng kwartong kanilang pangsamantalang tinutuluyan. Maaaring iba't iba ang ating istorya at hirap na pinagdadaanan. Ngunit isa lang ang ating adhikain na sana ngayong pasko makamit natin ang pinakaaasam na regalo. Sana ngayong pasko, muli nating masilayan ang ningning ng malaya nating mundo. Na ang lahat ay bumalik sa dati nitong anyo bitbit ang karunungang natamasa bunga ng mapait na yugto ng ating buhay. Sana ngayong pasko, manumbalik ang mga ngiti sa ating mga labi at muli tayong magalak at humalakhak ng sama-sama dahil sa tagumpay na ating natamasa. Sana ngayong pasko. Sana malapit na.

@DreamBig

August 3 na. Mabilis ang panahon. Sana mabilis na ding dumating ang miracle vaccine na ito. Sana gumaling na ang lahat. Sana matuto na ang lahat. Sana mas maging masaya ang lahat . Sana may magandang paskong dadating para sa lahat ng pamilya.labyu guysss😘😘😘😘

@DreamBig

Happy Monday Afternoon my Readcash Fam😘😘😘 Inactive ng ilang araw na sana makapost na ulit ng article. Sana makahanap na ng jobhahahah

@DreamBig

Happy Monday Afternoon my Readcash Fam😘😘😘 Inactive ng ilang araw na sana makapost na ulit ng article. Sana makahanap na ng jobhahahah

@DreamBig

Goodnight everyone!! Napakalakas ng ulan. Sarap ng tulog natin neto ohh 😊😊

@DreamBig

Sa Kabila ng Lahat Mapuno man ang mundo natin ng aalalahanin at pasanin, may biyayang nakalaan para sa atin na mabubunyag lamang sa itinakdang panahon para dito. Naguguluhan ang puso at isip natin, nababagabag sa kung ano maihahain ng bukas para sa atin o kung may maliwanag na kinabukasan ba tayong mararatnan at aasahan. Minsan pakiramdam natin nakabaon ang ating damdamin at karanasan sa isang malalim na hukay at naihagis na sa isang madilim at malalim na bangin ang ating mga pangarap. Minsan gusto na nating huminto at makawala sa gapos ng mga problemang pilit gumugunita at dumadalaw sa pagod nating isipan. Madalas nakakapagod na. Nais na nating magpatalo sa takot at pangamba. Tila ba parang wala ng mainam na solusyon sa ating pighati at sigalot. Tila ba ito na ang huling kabanata. Ngunit sa kabila ng lahat, gigisingin tayo ng pag-asa. Pag- asa na kusang naipagkaloob na sa atin ng nasa taas. Niyakap Niya tayo sa ating mga kahinaan at kabuktutan. Sa kabila ng lahat, lilitaw na muli ang araw sa gitna ng maiitim na ulap. Sisilip na muli ang maliwanag na sinag ng pag-asa at kasaganaan. Balang araw. Dadating sa mismong panahong hindi na natin inasahan na dadating pa sa buhay natin. Sa kabila ng lahat, nananatili ang grasya at awa na nagmula sa Kanya. Makakayanan natin ang lahat ng agam-agam at kalituhan na pilit ibinabato ng mundo sa pagitan nating mga nilalang. Sa kabila ng lahat, nagaabang ang tagumpay na ito'y muling maigawad sa atin. Sa tamang panahon at pagkakataon na hindi natin inaasahan.

@DreamBig

Good morning readcash Fam!😘😘 How's your day so far??

@DreamBig

Ang Dalawang Maya Matayog na paglipad. Malayo ang naabot. Nakagagawa ng maraming pugad. Sa mga taong punong puno ng pangarap , nagaalab ang kanilang mga puso upang kamtin ang mga ito. Tinitiyak nilang maaabot nila ang kanilang mga naisin sa buhay. Pinaghihirapan nila itong mabuti, minamahal at iniingatan ang kanilang mga pangarap. Pinalalago nila ito hanggang sa magbunga ng malaki. May ibang mga tao na mabilis makamit ang mga naisin nila. Matapos na magsumikap, nakakakuha agad sila ng magandang trabaho pagkatapos magkolehiyo. Ang tatayog ng mga lipad. Kanya- kanyang kulay ng kanilang karera ang kanilang naipipinta. Mabilis nakapagiipon , nakakapaglakbay saan man nila naisin, nakabibili ng mga sasakyan at sariling bahay. May iba namang parang tila makunat ang panahon para sa kanila. Nagsusumikap at na mabuti pero tila mailap sa kanila ang masaganang buhay. Minimum wage earners. Madalas labis pa sa walong oras ang kanilang naigugugol sa pagseserbisyo sa trabaho nila, pero panggastos sa bahay ay nakasasapat lang sa kanilang arawang kita. Kung titingin tayo sa malayo, parang lagi tayong lubog sa iba. Angat sila habang tayo ay nagaantay ng pagkakataong umangat kasabay ng pagpupursigi sa trabaho. Hindi maiwasan ang makaramdam ng inggit at pagkahabag sa ating mga sarili. Naiisip nating tila ba laging mas maganda sa kabilang dako.Sabik na sabik na tayo na makapaghatid ng kasaganaan para sa buong pamilya. Ngunit minsan may kaparehong tagpo ang nangyayari sa loob mismo ng tahanan. Kung may kapatid kang angat ang buhay kaysa sa iyo, hindi mo maiwasang magtanong " Bakit nga ba parang napag-iwanan na naman ako?" Hindi maitatanto na para bang nawawalan ka ng pasensya sa sarili mo habang nakaririnig ng mga pagkukumpara mula sa labi ng iyong sariling magulang. Masakit pero totoo. Ang tanging magagawa mo na lamang ay magtiyaga at maghintay na balang araw " Ikaw naman." Ikaw naman ang bibida.

@DreamBig

Maulang gabi sa lahat hahahhaha. Panigurado ang mahimbing na tulog sa mga puyat hahha. Sarap na itulog neto.

@DreamBig

Abot-kamay Na! Elementary days. Highschool days. Hanggang sa College Days. Patok na patok sa pamilya ni Jayvee ang financial struggles. Sabay pa sila nag-aaral at nagtui-tuition ng kapatid niyang si Maya. Noong Elementary parehong public school ang pinasukan nila pero nung naghighschool na sila nalipat na sa private school HaHaHaHa!!!! Kunwari "L na L" ( nakakaluwag -luwag pero ang totoo "G na G" , Gipit na gipit). Hindi sa nagpapanggap sila pero gusto lang ng magulang nila na mabigyan sila ng magandang edukasyon. Kumayod ng todo todo ang tatay nila na si Mang Tonyo. Buong pagmamahal at suporta naman ang binibigay ng nanay nila na si Aling Betty . Rakiterang maituturing ang kanyang itay. Mga gawaing pangbukid ang kanyang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng palay, pagmamangga, pagaalaga ng mga baka na pangbenta sa merkado at marami pang raket ang pinipilit gawin ni Mang Tonyo. Kung tutuusin sapat na ang mga ito para may maipantustos sa tuition nilang magkapatid ngunit sa katunayan ay tauhan lang siya ng masungit na among si Ka Berting.Palibhasa iniwan ng kanyang mga anak at asawa. Kuripot siya magpasweldo. Ginigipit ang kanyang mga tauhan at hindi ibinibigay ang kanilang sweldo kung kelan kaukulan. Kaya na lang siya nilalayasan ng kanyang mga tagapagtrabaho. Madami ng naging tauhan itong si Ka Berting pero sumuko din sila isa-isa. Tanging si Mang Caryo at si Mang Tonyo na lang ang naging masugid at matiyagang tagapagtrabaho ni Ka Berting. Puyat at pagod nauuwi ng bahay si Mang Tonyo kaya't asikasong asikaso siya palagi ni Aling Betty. Sobrang mapagmahal ni Aling Betty sa kanya. Minamasahe niya tuwing gabi ang matigas na likod ni Mang Tonyo. Labis naman itong ikinasisiya ng kanyang puso. Lumaking mababait ang kanyang mga anak. Kaya naman sa tuwing nakikita nilang pagod ang kanilang ama, hindi sila tumitigil sa pag-aaral upang suklian ang hirap ng kanilang ama. Lubos nilang isinasapuso ang bilin ng ama, "Nagpapakapagod ako sa trabaho, makapag-aral lang kayong magkapatid. Pakiusap ko sa inyo mag-aral kayong mabuti upang pagdating ng araw, makamit ninyo ang inyong mga pangarap." " Opo itay." Mahinahong pagtugon ng dalawa. Naging mahirap ang naging sitwasyon ng magkapatid lalo na ng sila ay tumuntong na sa kolehiyo. Tuwing araw ng eksaminasyon, lagi silang kinaiisan ng kanilang mga guro dahil sa pakiusap nila na mabigyan ng "promissory notes" upang makakuha ng pagsusulit. Hiyang hiya man sila sa klase pero wala silang magawa dahil kapos na kapos sila ngayon. Napilitang umalis sina Mang Caryo at Mang Tonyo kay Ka Berting dahil hindi na sila pinasweldo ng 2 buwan. Nalululong sa sabong si Ka Berting. Kaya naman namasukan si Mang Tonyo bilang mason sa karatig bayan. Habang lumilipas ang panahon, mas sinikap ng magkapatid na tapusin at pagpursigihan ang pag-aaral. Nakakuha ng matataas na marka at nakasali sa mga quiz contests sa labas ng paaralan. Naging inspirasyon nila ang kanilang mga magulang lalo na si Mang Tonyo na noon ay inaatake ng matinding hapo dulot ng amoy ng sigarilyo ng mga kasama niya sa konstraksyon. Nag-alab ang damdamin nina Jayvee at Maya na makuha ang tagumpay sa buhay at magsilbing katuwaan ng kanilang mga magulang. Hanggang sa dumating ang Mayo 11. Araw ng pagtatapos ni Jayvee. Di mapagsidlan ang galak sa puso ng kanilang pamilya. Maaga silang naghanda para sa araw na ito. Nasuklian ang paghihirap at sakripisyo ni Mang Tonyo sa kanilang magkapatid. Nakapagtapos si Jayvee ng Bachelor of Science in Civil Engineering - Cumlaude. Proud na proud ang kanyang ama habang isinasabit ang medalya sa kanyang anak. " Anak, salamat. " sambit ni Mang Tonyo. " Tay, abot- kamay na natin ang tagumpay. Sa susunod na taon, si Maya naman. Makakaranas din tayo ng ginhawa. Malapit na. " sabi ni Jayvee sa ama. Abo't kamay na ang tagumpay para sa bawat taong hindi napapagod magsumikap sa kabila ng maraming balakid sa buhay. Abot- kamay na...

@DreamBig

Good morning friends and fam! Heheheh happy Saturday morning.

@DreamBig

Chia seeds: The Modern -Day Superfood Are you fond of drinking lemon water? How about trying Chia water? Yes, you got it right! Nowadays, Chia seeds are considered as a modern-day superfood or functional food.These seeds come from the desert plant called Salvia Hispanica, from Lamiaceae or the mint family. As early as 3500 BC, it is believed to originate from the ancient Aztecs in Central America. Chia is an ancient Mayan word which means strength. How do these seeds look like? These seeds are naturally black or white in color. The moment it is soaked in water these tiny seeds become sweet and mushy just like tapioca pearls which are commonly used in milk teas and other beverages. But it doesn't end there. It can also be added to cereals, breads, bars or used to top smoothies, salad plates, porridges and a lot more luscious recipes can be made out of it. The best thing about Chia seeds is the health benefits they offer. It is surely a perfect fit for buffs or even for health- conscious people. According to www.healthline.com, an ounce (28 grams) serving contain: 11 grams of fiber ( helpful for a good digestion) 4 grams of protein Calcium : 18% of RDI ( Recommended Daily Intake ) Manganese : 30% of RDI Magnesium : 30% of RDI Phosphorus : 27% of RDI 9 grams of fats: ( 5 of which are Omega 3-s, useful for its anti-flammatory effects ) Where can we find these nutritional seeds? It is available at Kroger, Publix, Walmart, Whole Foods, Safeway and other stores. It is also available online through Amazon and Thrive Market. Experts recommend buying Chia seeds from reputable brands such as The Chia Co. , Nutiva and Bob's Red Mill. In 2022, it is believed that the sales of Chia seeds can reach up to 2 Billion USD. REFERENCES: https://www.healthline.com/nutrition/11-proven-health-benefits-of-chia-seeds https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/health-benefits-chia-seeds https://www.nutiva.com/faqs/what-do-chia-seeds-taste-like/ https://www.reference.com/world-view/chia-seeds-grocery-store-d41902741cb3dc5a https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/food-features/chia-seeds/

+2 more

@DreamBig

How's your day my Read Cash Family??