Oo, mahirap ang buhay. Noon pa man mahirap nang mabuhay. Mahirap kumita ng pera lalo na kung minimum wage earner ang hirap pagkasyahin sa dami ng gastusin na dapat tustusan. Lalo na siguro ngayon. Panahon ngayon ng pandemya kung saan limitado ang maaaring makalabas at makapaghanapbuhay. Blessing sayo kung nasa bahay ka na , may work ka pa. Bongga kung ganun ang set up mo. Pero paano kaya sa iba??? Paano kaya ang buhay ng mga taong umaaasa na lang sa ayuda.??? Hindi ito put down sa mga mahihirap na kagaya ko din. Pero ang punto dito ay paano naman ang mas lalong mahihirap. Paano kaya nila nakakayanan ang hirap ng buhay lalo na sa mga panahon na ito. Salamat sa Diyos sa Kanyang walang hanggang awa. Puno pa din ng biyaya kung maituturing na kahit hirap na hirap ka na sa iyong pinansyal na buhay, relasyon sa pamilya, sa karera na inuumpisahan mo na, sa pagbuhay mo sa pamilya mo na ikaw lang ang inaaasahan. Madami tayong ganap o aalalahanin sa buhay. Ang dami nang nagbago simula ng magkaroon ng Covid - 19. Pero isa lang ang masasabi ko. Do not let this virus destroy us. Marami na masyadong nangyayari sa mundo pero isipin natin na there is more to life. Madami pang ibibigay na biyaya ang Diyos. Hindi pa tapos ang story ng buhay natin. Keep on holding on. Be strong and courageous. Nothing happens unless someone moves. Bangon tayo. Kakayanin natin ito. Oo mahirap nga ang buhay ngayon pero isipin natin na mas madaming pamilya ang nagsusuffer kaysa sa atin. Keep the faith and keep loving. Anumang hamon ng buhay ay may katapusan , may solusyon at may aral na matututunan. Always be grateful for every small and big blessings. Buhay pa tayo ohhh!! Isang bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos. May pag-asa palagi. Katulad ng hamon na pinagdadaanan nating mga Solid Kapamilya. Laban Kapamilya!!! Muli din tayong magkakasama.
4
18
Mahirap kumapit kung walang kakapitan at mahirap kapitan ang taong kumakapit din sa iba. Yan ang katotohanan na di dapat natin hinahayaan. God bless Philippines!
Para sa iyong isinulat, ang content nito ay napakaganda nguni't mas mainam kung hatiin mo ito sa tatlo o apat na paragraphs upang mas madaling basahin.