Tagu-taguan

20 33
Avatar for Dolores
3 years ago

By: Dolores

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo

Isa

Sa isang iglap lang, tuluyan kang lumayo. Sa isang kisap lamang ng aking mata, kahit anino mo ay hindi ko na makita. Isang beses lang, ngunit wala ka na.

Dalawa

Hindi ako nagdalawang-isip na hintayin ka. Nagbabaka-sakaling ika'y uuwi at tayong tatlo'y muling magkakasama at sabay nating kukulayan ang mga bahagi ng ating iginuhit na mga larawan tungkol sa mga bagay-bagay na ating nais gawin ng magkakasama.

Tatlo

Tatlong beses kong sinigaw ang pangalan mo noon ngunit tila hindi mo narinig ang boses ko. Kahit paos na ay hindi ako sumuko dahil sa kagustuhan kong baka madinig mo ako at makumbinsi mo ang nanay mo na hindi na kayo aalis papalayo sa amin na mga kaibigan mo.

Apat

Simula ng ika'y lumayo, apat na araw din akong natulala dahil sa kaka-isip sa iyo. Apat na beses na hindi kumain dahil nawalan kami ng kalaro. Kalaro na hindi lamang basta kalaro. Ngunit isang kaibigan na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kaibuturan ng aking puso.

Lima

Dahil sa kagustuhan kong makita kang muli, limang oras ang ginugugol ko sa paghahanap sa iyo sa facebook araw-araw baka sakaling ika'y matagpuan ko. Hindi ma-ipipinta sa mukha ang emosyong aking nadarama tuwing nakakahanap ako ng taong kapangalan mo. Hindi man ikaw ang mga iyon, narito pa rin ako na umaasa na matatagpuan din ang totoong ikaw.

Anim

Sa kakasulat tungkol sa iyo, kabisado ko na ang anim na bahagi ng liham. Ang pamuhatan, patunguhan, bating panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil anim na beses din akong naloko ng mga taong kapangalan mo na sinulatan ko dahil sa pag-aakalang baka isa ka sa mga 'yon. Ngunit akala lamang talaga, akalang nagpabigat lamang sa aking nararamdaman.

Pito

Pitong taon na rin ang lumipas ngunit hanggang ngayon hinihiling ko pa rin ang muli mong pagbalik. Sana nga ay bumalik ka para ang mga taon na ginugol ko kasama ang isa pa nating kaibigan ay hindi mauuwi sa wala.

Walo

Walo ang sumunod sa pitong mabibilis na pintig ng aking puso mula sa araw na sumakay kayo ng nanay mo sa jeep papunta sa kung saan mang sulok ng mundo. Kung natatandaan mo, walong beses mong itinulak ang duyan bago ka tuluyang lumayo. Walong beses na sumigaw-sigaw bago mapagtanto ang lahat ng mga ito.

Siyam

Halos siyam na beses sa isang araw kung ako'y malito. Hindi ko maintindihan ang pag-aalalang nararamdaman ko. Paikot-ikot sa aking silid at sinasambit ang salitang SANA. Dahil hanggang ngayon, ako'y umaasa na matatagpuan kita, para matigil na ang larong ito at higit sa lahat matitigil na ang aking pagiging taya. Taya sa larong tagu-taguan na hanggang ngayon hindi pa rin matukoy ang katapusan.

Sampu

Sampung salita pa ang nais kong bitawan para sa iyo. HINDI AKO MAPAPAGOD NA MAGING TAYA KAHIT IKAW AY MALAYO.

Sa pagdilat ng dalawa kong mata, wala ka na pala. Naiwan akong taya at misyon ko ang hanapin ka.

If you want to browse my other articles you can go here: An Index of my Articles

I hope you enjoyed it.

Thanks to @Ashma for his words of encouragement. Our growing community is open for you. So, if you want to join. Feel free to visit the community.

For more information, you can click this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0bYou can join if you want to "Get Sponsored !!"

12
$ 0.00
Sponsors of Dolores
empty
empty
empty
Avatar for Dolores
3 years ago

Comments

। donot understand this language very well... But the picture is really interesting to me.... I want to know about it ☺

$ 0.00
3 years ago

I can provide you the translation if you want😊

$ 0.00
3 years ago

Yeah, sure bro ☺ It’s my pleasure 😍

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much... I will read out this ☺

$ 0.00
3 years ago

Hehe. Ganda ng post mo po, kaso dami di nkakaintiding spokening dollars.

$ 0.00
3 years ago

This is spoken word poetry by the way and I wrote it in our language to feel the emotion.

$ 0.00
3 years ago

Love your language,,laban lang...!!!

$ 0.00
3 years ago

Moira ❤️

$ 0.00
3 years ago

Salamat😘 thanks😍

$ 0.00
3 years ago

saaad...let go na po sa pagiging taya,sa kbilang dako bka may kalarong iba,ikaw ma'y nsa knyang memorya pero bkit hanggang ngayon ayaw nyang magpakita.Ni pangalan nya'y wla sa social media,kung meron man kapangalan lng pala

$ 0.00
3 years ago

Kathang isip lang po ito Pero thankful ako kasi nagustuhan mo Gumawa ka pa ng dugtong nito At iyon ang pinakagusto ko

$ 0.00
3 years ago

pra mkarelate yung mga ayaw maglet go sa nkaraan,when its more beautiful to do so.than clinging in the past,and hurting more di b?

$ 0.00
3 years ago

Oo haha

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda po sobra😀 Nakakainspire ka talaga. Lalo pa po ako ginaganahang gymawa ng mga tula.😀👏

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng strusture ng spoken poetry mo. ❤

$ 0.00
3 years ago

Salamat❤️

$ 0.00
3 years ago

Walang anuman :))

$ 0.00
3 years ago

Maganda at kakaiba

$ 0.00
3 years ago