Habang ako ay nag-iisa at hindi makatulog binabalikan ko ang mga alaala na nagdaan. Tinatanong ang sarili kung kailan pa kaya mauulit muli? May pag-asa pa kaya na maibalik?
Isa sa mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan. Pero baka dahil sa aking sagot masasaktan lang kita o ako ang masasaktan. Kahit alam ko naman ang sagot nagtatanong pa ako sadyang patawa lang ako.
Hindi ko akalain na kay bilis matapos ng masasayang alaala. Hindi ko akalain na magbabago ang lahat. Naalala ko pa masaya ako na sabay tayong naglalakad papunta sa klase. Tinatawagan nyu ako kung papasok ba at aalis na tayo bakit wala pa ako. Sa lugar na wala akong kakilala na nakahanap ako ng mga kaibigan.
Aaminin ko na ako ay mahiyain na tao pero sa inyu ay ang ingay-ingay ko dahil kumportable ako na kasama ko kayu. Ang saya pala sa pakiramdam pag may kaibigan.
Nakakamis din pala ang ingay ng aking mga kaibigan at kaklase. Nakakamiss ang maglakad sa maingay na kalsada makakasalubong mo ang mga estudyante na may pauwi sa kanilang bahay/boarding house at may papasok pa lang. Lahat sila ay nagmamadali lalo na sa oras ng tanghalian dahil tiyak gutom na ang tiyan.
Nakakamis din na pag gagala ang aking mga kaibigan tatambay lang sila sa luneta at sa Boulevard. Sa tuwing magyaya sila lagi kung sinasabi na..
Nako, hindi ako makasasama dahil marami akong gagawin, maglalaba pa ako.Bawal ako gumala sa gabi baka mapagalitan ako. Siguro sa susunod na lang.
Kahit naman ay walang ginagawa dahil sadyang hindi lang ako mahilig gumala. Pero minsan naman ay sumasama ako pag may bibilhin sila o kaya tumambay sa luneta.
Isa din sa rason maaga ako umuuwi para maabutan ko sa tanghali ang Korean drama na " I have a Lover" pinapalabas sa telebisyon tuwing 11:30 hanggang 12:00 kung hindi ako nagkakamali. Kasama ko pa ang aking Tita na manood.
Sa hapon naman pag wala akong klase sa hapon bandang 4:00pm to 5:00pm umuuwi ako sa bahay para manood ng "100 days my prince"dahil ang bida ay si D.O. Syempre kasama ko naman ang aking Tita na manood.Nalaman din nila dahil sa kdrama kung bakit ako maaga uuwi sa hapon (haha).
Pag may problema ay lagi akong nandyan sa mga kabigan ko dati. Naging saksi ako sa kanilang tawa, saya at iyak. Ang paulit ulit na drama tungkol sa kanilang pag-ibig. Na alala ko pa na sinamahan ko pa ang isa sa mga kaibigan ko na bumili ng cake para sa kaarawan ng kanyang boyfriend at naghanda ng surprise birthday.
Nakakamis kumain ng paborito kung kwek kwek pagkatapos ng klase dahil parehas kaming mahilig kumain at mahiyain kaya kami nagkasundo ng isa kong kaibigan.
________________________
Konklusyon
Hindi ko alam kung hanggang alaala na lang ba o maibabalik pa ang dati nating samahan. Ang tanging alam ko lang ay masaya ako na naging bahagi kayu ng buhay ko. Mga alaala na tumatak sa puso at isipan ko, mga alala na gusto kung balikan at hindi makakalimutan. Kung may pagkakataon man na magtagpo ang ating mga landas bakit hindi dahil namimiss ko na din kayu.
Sa aking naging kaibigan siguro nakalimutan nyu na ako isang taon na din ang lumipas simula ng lumipat ako sa ibang paaralan at umuwi sa aming lugar. Sana ay nasa mabuti kayung kalagayan Ngayon ay huling taon nyu na ngayon sa koliheyo malapit nyu ng makamit ang iyung mga pangarap at masaya ako para sa inyung tatlo. Nahihiya na din ako na mag message sa inyu dahil hindi naman kayu nag rereply baka dahil busy lang. Masaya ako na nakilala ko kayo at salamat sa ating mga pinagsamahan.
Maraming salamat sa pagbasa!
-CringTheWriter
Sa ngayon ang lungkot na nararamdaman mo ay lilipas din. Ou alaala sila ng iyong nakaraan at ito ay bahagi ng iyong katauhan. Imbis na malungkot gawin mo itong inspirasyon para sa pag harap mo ng bukas.