LAST CHAPTER
-Earl and Lily-
"Napakabagal mo namang babae ka lalamunin nalang tayo ng halimaw panay pa din ang alcohol mo diyan!"
"Palibhasa balat kamagong ka kaya hindi ka tinatablan ng kagat ng lamok!"
"Hoy Lily ako nga'y tigilan mo napaka arte mo! itigil mo yan dahil masusundan tayo! Naaamoy nila yan impakta ka!" inis na inis na si Earl habang tumatakbo.
"Okay sorry yan tinapon ko na, Earl magpahinga naman tayo oh pagod na pagod na ako:( "
"Lily baka maabutan nila tayo.....Ahhhh! Lily sa likod mo!"
Isang halimaw ang dumaluhong kay Lily habang ang babae ay sigaw ng sigaw sa takot.
Hindi naman malaman ni Earl kung anong gagawin sa baril.
"Itutok mo sa halimaw at pindutin mo ang gatilyo! wag kang matulala dyan at mamamatay na ako dito! Earl! Earl! Bwisit ka! Barilin mo na!"
Kahit naguguluhan ay sinunod ni Earl ang utos ng pinsan, binaril nya ito sa dibdib at ulo.
-John and Tessa-
"Babe let's hide somewhere nalang I can't bare running na"
"Hush babe iwasan mo mag ingay malapit lang sila sa atin".
"Are we gonna die here babe?" sumisinghot na tanong ng dalaga.
"No babe just please stay quiet" pakiusap nito
Sa pag uusap ng dalawa ay hindi nila namalayan ang palapit at gutom na gutom na si Maria.
Ngunit hindi na ito ang maganda at makinis na dalaga isa na itong mabangis at nakakatakot na manananggal.
Biglang may sumugod na halimaw sa likuran ni John.
Sa pagkagulat ay hindi nakahanda ang binata babarilin sana niya ang halimaw ngunit naunahan siya nito ng suntok at tadyak.
Si Tessa naman ay hindi alam ang gagawin kung tatakbo ba o tutulungan ang kasintahan.
Kukuha na sana siya ng pamalo ngunit may isang halimaw na ibon ang dumaklot sa kanya.
"Ahhhh! Babe help! Babe help me please!"papalayong sigaw nito.
Nang marinig iyon ay puno ng lakas na nilabanan ni John ang halimaw sa ibabaw niya.
Apat na putok ang huling narinig sa kanilang kinaroroonan.
Sa kabilang dako naman ay nakikipagbuno si Mark sa tatlong halimaw palibhasa ay malaki ang katawan kung kaya't nakikipag sabayan ito.
Sipa dito sipa diyan, suntok dito,baril diyan.
Habang si Linda naman ay binabaril ang mga manananggal na lilipad lipad sa uluhan ng binata.
Matindi ang tama at mga kalmot ng halimaw kay Mark pagkatapos ng umaatikabong labanan.
"Linda mauna kana sa kubo ng albolaryo natatanaw ko na iyon"
"Ayoko Mark hindi kita iiwan dito baka may natira pang mga halimaw". pagmamatigas ni Linda.
"Halika aakayin na lamang kita"
Walang nagawa ang binata ng akayon siya nito kahit iika ika ay pinilit nyang maglakad upang hindi mahirapan ang dalaga.
Nakarating sila at agad din naman silang pinagbuksan ng matanda.
"Sinasabi ko na nga ba at huwag na kayong tumuloy e" sermon ng matanda habang ginagamot ang sugat ni Mark.
"Pasensya na ho lola..." hindi natuloy ni Linda ang sasabihin dahil biglang may malalakas na katok ang nanggaling sa pintuan sa takot ay sumiksik siya kay Mark.
"Huwag kayong mag alala may orasyon ang palibot ng aking bahay kung kayat ligtas kayo at hindi makalalapit ang masasamang loob."
Noon lamang nakahinga ng malalim ang dalawa.
Pagkabukas ng pintuan ay laking gulat nila ng makita ang apat na mga kaibigan kahit na sugatan ang mga ito ay ligtas naman.
Sinalubong ng yakap ni Linda ang mga ito ngumiti naman si Mark dahil hindi makabangon sa tindi ng mga sugat. Ginamot ng matandang albolaryo ang apat.
Kalaunay nagpakilala itong Aling Minda matagal na daw itong naninirahan doon dahil hinsi maiwan ang puntod ng asawa na naging biktima din ng mga aswang.
Nakwento nito ang kasaysayan ng mga halimaw dumating daw ito noong 90's pa ang balita daw nito ay isang angkan ang mga ito, lumayas sa dating lugar dahil nabalitaan ang tunay na pagkatao.
Doon daw ito napadpad at patuloy na naghahasik ng lagim.
Nagpalipas sila ng gabi sa bahay ni Aling Minda kinaumagahan ay sinamahan sila nito sa kalapit bayan upang sumakay pauwi.
Laking pasasalamat nila sa matanda at tanging yakap at kaway lang ang itinugon nito.
Chapters.
Sana naubos nila yung aswang bago nagwakas para wala nang maghahasik pa. 😁