Alas diyes na ng gabi katukin sila ni Maria.
"Nakahain na ang mga pagkain bumaba na kayong lahat"
"Wow parang fiesta naman dito Maria"- Mark
"Thanks for this Maria"- pacute na saad ni John.
"Walang anuman maupo na kayo"
"Wow is this dinuguan? My favorite!"- Lily
"Ah oo may nahuli kasi akong baboy ramo sa bakuran ko kaninang umaga"-Maria
Masiglang silang kumain sarap na sarap sila sa mga putaheng dinuguan, adobo, menudo at giniling. Napansin ni Linda na hindi sumandok ng ulam si Earl sa halip ay saging ang inulam nito.
"Oh Earl bakit hindi ka sumandok ng ulam? Masarap lahat"-Linda
"Ah eh kasi masakit ang tiyan ko e baka lalong hindi ako matunawan" kandautal nitong sagot.
"Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na putahe kahit saang five star hotel e walang katulad itong luto mo Maria"-John
Pinandilatan ito ng mata ni Tessa unti na lamang at babatuhin na nya ito ng kutsarang hawak. Mabuti na lamang ay nasaway ito at tumigil na ng kakapa presko.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Maria na magpapahinga na at napagod daw ito sa pagluluto. Silang barkada naman ay tumambay muna sa veranda at nagpaantok.
"Guys wala ba kayong napapansin kay Maria? Alam nyo sinubukan ko kasing tingnan ang repleksyon nya sa kutsara baliktad talaga sya!- Impit at pabulong na sabi ni Earl
"Earl sa tanda mong yan naniniwala ka dun?"- John
"Asus kaya pala hindi ka kumain ng karne akala mo aswang si Maria? Hahaha nasisiraan ka na ng bait kakabasa mo ng mga aklat mo na yan!"- palatak ni Lily
"Maniwala kayo kay Earl totoo daw ang pamahiin na iyon na kapag tiningnan mo ang aswang sa kutsara baliktad ang repleksyon nito" sang-ayon ni Linda.
"Old beliefs na yan Linda....
Hindi na naituloy ni John ang sasabihin dahil may malaking ibon na dumaan sa pagitan nilang lahat tila may nais itong dagitin na isa man sa kanila.
"Waaaah ano yon?!!" sabay sabay nilang sambit.
Natulala man ay agad na nakabawi si Earl.
"Dumapa tayo! Dapa! Bilisan nyo!"
Naguguluhan man ay sumunod dito ang iba. Ilang beses pang pumaroo't parito ang malaking ibon nang hindi makuha ang nais ay bigla na lamang itong lumipad sa kung saan.
"Hali na kayo! Pumasok tayo sa loob ng bahay! Dalian nyo at baka bumalik pa iyon!- sigaw ni Earl.
Mabilis silang pumanhik sa loob ng bahay at nilock ng mga lalaki ang lahat ng pinto at bintana. Takot na takot na nag-iiyak ang mga babae na di alam ang gagawin.
"Sandali at titingnan ko si Maria baka mapano siya!"-Mark
"Mag iingat ka Mark!"- Linda
Mabilis na tinungo ni Mark ang kwarto ng dalaga ngunit pagbukas ng pinto ay isang malansang amoy ang bumungad sa kanya.
"Haching! Anong masangsang na amoy iyon? Maria? Maria? Nasaan ka?"
Biglang sumulpot sa kung saan ang dalaga ang pinagtataka ni Mark ay hubo't hubad ang dalaga at tila may kung anong likido sa buong katawan nito.
Agad siyang kumuha ng kumot at ibinigay dito pagkaraay tumalikod dito.
"Bakit Mark? May nangyari ba? Naliligo kasi ako at di ko namalayan na pumasok ka"
"Ahmmm nag- alala lamang kami sayo baka napano ka dito, wala ka bang napansin na malaking ibong dumaan sa bintana mo?" turo nito sa bintana.
"Ha? Ibon hahahahaha!" mahabang ito tawa ngunit sandali pa ay nagseryoso na ulit ang mukha nito.
Nahintakutan si Mark sa tawa nito at nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan.
"Wala naman akong nakita at kung sakali man ay makakapasok yon dahil laging bukas ang aking bintana"- sagot nito na may malokong ngiti sa labi.
"Ganoon ba? Sige Maria matutulog na kami pasensya na sa abala" nagmamadali siyang lumabas at bumalik sa sala.
"Oh ano ok lang ba sya?"- John
"ahmmm oo" maikling sagot ni Mark na hanggang sa sandali ay kinikilabutan pa din.
"Ito kasing si Earl at Linda e puro katatakutan ang kwento yan tuloy!" hikbing sumbat ni Lily
Tahimik lamang si Linda at Earl.
"Babe ayokong lumayo sayo tabi na tayo matulog" turan ni Tessa na nakalingkis na sa kasintahan.
"Tahan na babe oo tabi na tayo, kayo saan nyo balak matulog?"- John
"Ang mabuti pa ay tabi na tayong lahat at tutal malalaki naman ang mga kama sa kwarto."-Mark
Pumayag naman ang lahat dahil sa takot na mapahiwalay.
Nagtabi si Tessa at John, Earl-Mark, Linda at Lily.
"Manananggal" wala sa isip na sambit ni Earl.
"Ha? Ano yon Earl? Sinong tinutukoy mo?"- Lily
"Ang mananangal ay isang uri ng aswang na nakalilipad anyong tao ito sa umaga ngunit nagiging mabangis sa gabi upang humanting ng tao".
To be Continued..
Chapters...
Pano kaya nila matitigok yan. 😅