Ang Magandang Pag Out Of Town

1 27
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

Genre: Horror, Romance, Rated 18+

Warning: This story is fictional all the names, places and events are just a results of my imagination. Thank you! Happy reading

Main Characters

Earl- The nerd at single sa barkada,bookworm.

Tessa- Kikay, easy go lucky at RK sa barkada.

John- RK, pogi at chikboi/ Jowa ni Tessa.

Linda- Good girl ng barkada, Lola's girl, religious.

Mark- Good boy at kuya ng barkada.

Lily- Spoiled brat, RK at pinakamaarte sa lahat.

Kasalukuyang nasa canteen ang buong barkada last day na ng School kaya nagpaplano sila kung anong gagawin during their vacation.

"Hey guys anong plano nyo this vacation?"- Mark

"Babe why don't we go to our private resort in Palawan? My treat"- Tessa

"So boring naman we already did that last summer ee wala na bang iba?"- Lily

"Hmmm mag library hopping nalang kaya tayo? Masaya yon at least we are learning pa"- Earl

"Wala na bang mas boring pa jan Earl?" ani Lily na umirap pa.

"Tsss, kesa naman sa idea mo nu" angil na tugon ni Earl dito.

"Earl, Lily tama na yan magsisimula nanaman kayo e" sabat ni Linda para matigil na ang aso't pusa sa barkada.

"Baka hindi ako makasama this time guys balak ko kasing mag- apply ng part time job eh alam nyo na para makaipon para next sem." sagot ni Mark na kumakamot sa batok animoy nahihiya.

"Sus tol wag ka mag-alala ako na bahala sa next sem. enrollment mo basta sumama ka lang"- John

"Ano Mark sama kana ha? Para kompleto ang barkada?- pangungulit ni Tessa may lihim kaso itong pagtingin sa binata.

"Nakakahiya man pero sige sama na ako" nakangiting sagot ni Mark.

"Yan masaya to!" sagot naman ng iba pa.

"So saan nga tayo?- Earl

" Long rides nalang tayo tapos camping somewhere in the woods, yong tipong isolated place" suggestion ni John na may binabalak na kalukuhan, tumingin ito kay Tessa at kumindat.

"I love that babe!" maharot na sagot naman ni Tessa

" Okay so long rides then? Sagot ko lahat even the van!" mayabang na turan ni John.

Nag-aalangan man ngunit pumayag na din ang lahat. Napagkasunduan nila na magkita-kita sa harap ng School kinabukasan 5 am sharp para maaga silang makarating kung saan man sila mapadpad.

Sa bahay nina Linda ay panay bilin ng kanyang lola't lolo:

"Apo tutuloy ka ba talaga? Bakasyon nyo naman baka gusto mong sumama na lang samin sa probinsya ng Lolo mo?" nag-aalalang tanong ng lola ng dalaga.

"Lola, ok lang po ako wala pong mangyayaring masama sa amin huwag po kayong mag-aalala magdarasal po ako palagi atsaka isang linggo lang po kami"- pangungumbinsi ni Linda.

"Sige na payagan mo na ang bata Chona ngayon lang naman yan hindi sasama sa atin eh atsaka nasa tamang edad naman na ang ating apo, hayaan mo na muna syang magpakasaya sa buhay dalaga nya" ani Lolo Iko.

"Oh sya sya wala naman ankong magagawa kung mapilit kang bata ka basta ika'y mag iingat lamang ha? Wag mong kakalimutang magdasal upang gabayan kayo ng Diyos"- Lola Chona

"Opo lola at lolo Iko maraming salamat po" masayang tugon ni Linda at niyakap ang dalawang matanda.

Dali- daling lumabas si Linda nagulat pa sya nang makita nya si Mark sa harap ng gate nila.

"Oh Mark nandito ka pa pala akala ko ay nauna kana sa meeting place natin"

" Hehe, hinintay kita para sabay na tayo baka mapano kapa sa daan masyado pang maaga eh" kabadong sagot ni Mark.

" Okay sige tayo na at baka kanina pa sila naghihintay don".

Ilang minuto lang silang naglakad dahil walking distance lang naman sila sa School.

"Heto na pala ang love birds! yudei sabay sila!" nanunuksong wika ni Lily.

"Naku Lily napaka malisyosa mo talaga nu?! Hindi ba pwedeng magkapait bahay lang sila?" sabat ni Earl dito.

" Hahaha loka loka ka talaga Lily"- sagot ni Linda na halatang namumula na ng pisngi.

"Kayo talagang dalawa nasan na pala si Tessa at John?" awat ni Mark sa mga ito.

"Nasa van baka may ginagawang practicum hahaha"- Lily

Nagtawanan silang apat sa ideyang iyon. Hindi naman kasi bago sa dalawa iyon mahilig sa PDA at madalas na nasa dilim kasi ang dalawa tuwing may lakad silang barkada. Binuksan ni Mark ang likod at nagulat sila ng makita si Tessa na nakaibabaw kay John, nakataas ang miniskirt at wala ng pantaas si John naman ay hingal na hingal sa anumang bagay na ginagawa sa dibdib ng dalaga.Sa gulat ay naisarado ni Mark ang pinto ng sasakyan at humagalpak naman ng tawa ang iba.

"Hoy kayong dalawa tama na yang agahan nyo at baka matanghalian pa tayo sa lakad natin." tawag ni Lily sa dalawa habang kumakatok sa pinto ng sasakyan.

Pawis na pawis ang dalawa pagbaba ng sasakyan.

" Ano ba isturbo naman kayo eh"- iritang sambit ni John

"Babe sa camping nalang natin tapusin baka malate tayo"- ngiming sagot ni Tessa.

"Hahaha sus di na kayo nasawang dalawa tara na nga!"- Linda

Sabay sabay na silang sumakay. Si John ang nagdrive katabi nito ang kasintahan, magkatabi si Mark at Linda sa unang row ng sasakyan sumunod si Lily at nasa likod naman si Earl na nagbabasa ng horror book nakasuot ito ng headphones para walang makaisturbo dito.

Habang nasa biyahe ay panay pa din ang kahuratan nina John at Tessa, si Mark at Linda naman ay nagkkwentuhan tungkol sa kanilang pamilya, si Lily ay nag aayos ng sarili make up dito spray ng perfume samantalang si Earl ay tuloy pa din sa pagbabasa nito.

Dalawang oras na silang nasa byahe ng biglang......

"Araaaay naman Mark!"

"Ouuuuch! Ano ba yan?!"

"Dahan dahan naman sa preno tol"

"Babe ano ba! Bakit bigla kang nagpreno?"

"Hindi nyo ba nakita yong tumawid? May babaeng tumawid nakakatakot at duguan ang mukha!".naguguluhan at may halong takot na sagot ni John.

Nagkatinginan lamang ang iba bago humagalpak ng tawa.

" Hahaha baka pagod ka lang tol namamalik- mata ka lang , Lika ako na muna dyan mag drive pahinga ka muna"- Mark

"Oo babe dun muna tayo sa likod, Linda kayo muna ni Mark dito"-Tessa

Hindi nalang sumagot si John sa isip- isip nito ay baka nga tama ang mga uto, nagpalit nga ng puwesto ang apat.

Malapit na mag alas singko ng hapon ng mapagpasyahan nilang tumigil doon na lamang daw sila at mukhang malayo na ang lugar. Tumigil sila sa isang maliit na tindahan upang bumili ng yosi ng mga lalaki.

"Tao po?! Tao po!"

"Ano iyon iho?" sagot ng matandang dumungaw sa tindahan.

"Pabili nga hong isang kahang sigarilyo".

"Oh ito na iho" abot ng matanda.

"Maitanong ko lang abay sino ba kayo? Bakit kayo napadpad sa lugar na ito?"

"Galing ho kaming City lola napagkatuwaan po ng barkadang mamasyal tutal ay bakasyon sa eskwela"-magalang na sagot ni Mark.

"Hindi naman sa panghihimasok iho ano, delikado sa lugar na ito kaya payo ko habang maaga ay bumalik na kayo kung saan man kayo nanggaling" balisang sagot ng matanda.

" Ganoon ho ba? Bakit naman ho?" kinakabahang sagot ni Mark.

"Ang lugar na ito ay....."

hindi na naituloy ng matanda ang sasabihin dahil biglang sumabat si John.

" Lugar ng mga mananangal? Lugar ng mga engkanto at maligno ganoon ho ba lola? Hahaha wala na hong ganun sa panahon ngayon" tatawa tawang sagot ni John.

"Hoy John e diba ikaw pa nga ang nagsabi na may humarang sa daan kanina?" sagot ni Lily na halatang nahintakutan sa ideyang iyon.

"Mayroon pang mga ganun basi dito sa binabasa ko John hango sa totoong buhay itong aklat na to". mahinahong sagot ni Earl.

"Tumigil ka nga Earl kung ano ano kasing binabasa mo e! Babe wag na kaya tayong tumuloy " takot na sagot ni Tessa.

"Bumalik na lang tayo John at magdasal tayo bago umuwi para gabayan tayo ng Diyos". alalang sagot ni Linda.

"Hindi pa delikado ngayon mahina pa sila ngunit mamayang alas dose lalakas ang pwersa ng kadiliman, marami sila halos lahat sila sa gawing iyan ng bundok" turo ng matanda sa gawing kaliwa nito.

" Huwag na kayong tumuloy wala kayong laban sa kanila kung gusto ninyo ay dito na lamang kayo magpalipas ng gabi".

"Hindi na po Lola magpahinga na lamang kayo dala na ho ng katandaan nyo yang naiisip nyo" nakangisi pang sagot ni John bago tumungo sa sasakyan at pinaandar ang makina.

"Oh kayo hindi ba kayo sasama? Papaiwan nalang ba kayo jan?"

Akmang aalis na si Mark at Linda ng hinawakan ng matanda ang kanilang mga kamay.

"Iha, iho maniwala kayo sa akin albolaryo ako at matagal na akong naninirahan dito"

"Eh Lola naniniwala po ako sa inyo kaso lamang any hindi namin pwedeng pabayaan ang mga kaibigan namin"- Linda

"Pasensya na ho sa abala lola ha? At kayo na po ang umunawa sa kaibigan namin"- Mark

"Ayos lamang iyon, mag iingat na lamang kayo at kung kailangan nyo ng tulong ay bumalik kayo sa akin"

"Salamat ho" sagot ng dalawa.

Peeeep! Peeeep! peeeeep! busina ng sasakyan halatang inip na si John kaya tumalima na ang dalawa sa sasakyan. Sa halip na umuwi ay tumuloy pa din ang sasakyan.

"Diyos ko tulungan nyo po ang mga batang iyon". taimtim na dasal ng matanda.

Tahimik ang barkada sa sasakyan binagtas pa din nila ang diretsong daan. May iilang tao silang nadaraanan matalim ang mga tingin nito na animoy mababangis na hayop. Huminto sila sa tila abandonado at malaking bahay.

"Dito na lamang tayo makituloy tutal mukhang malaki naman ang bahay na ito"- John

"Babe hindi ba haunted house ito? creepy" maarteng sagot ni Tessa.

" Parang ito yong nabasa ko sa libro last week" manghang sagot ni Earl.

"Shhhh, Earl tama na nga yan hind ko pa nalilimutan yong sinabi ng matanda kanina"-Lily

"Wag na kayo magtalo makisilong na lamang tayo at mukhang uulan" - Mark

"Tao po?! tao po?! Makikituloy ho sana kami kahit ngayong gabi lang"-Linda

"Hello, is anybody home? Mukhang walang tao madaming spider web oh"-nakangiwing turan ni Lily.

"Sus napakaarte mo Liliana Marie!" irap ni Earl dito.

"Don't call me that name Earlikano ha!" asar naman nito.

"Hoy hoy hoy tama na yan, nakakahiya sa may ari ng bahay" awat ni Mark.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ihip ng malakas na hangin nagulat ang anim at ultimo ice na tumigas sa mga kinatatayuan nito. Isang babaeng may mahabang buhok at kung iistemahin ay nasa dalawampu't limang taong gulang, maganda ito at napakakinis ng kutis.

"Anong kailangan nyo mga ginang at ginoo?" nakangiti nitong tanong.

Dahil umiral ang pagka chickboy ni John ay nagpati una ito.

"Hi Miss ako nga pala si John pwde ba kaming magpalipas ng gabi dito magbabayad na lamang kami". todo ngiti nitong turan na may kasamang kindat.

Napansin ito ni Tessa kung kaya't kinawit nito ang kamay sa binata at pasimple itong kinurot ng pino.

"Aw babe nagpapaalam lang naman eh, love you" pacute nitong sabi.

Hindi nagsalita ang isa at umismid lamang.

"Hi Ma'am ako po si Mark, sila po ang mga kaibigan ko si Linda, Earl, Lily, John at Tessa. Huwag po kayong mag-aalala mabubuting tao po kami sadyang ginabi lang sa daan at wala kaming makitang motel o guest house kaya nagbaka sakali na makituloy sa inyo". mahabang paliwanag ni Mark.

"Hindi ko alam kung ano ang motel o guest house na tinutukoy nyo subalit ako ay may mga bakanteng kwarto dito, pwede kayong manuluyan dito kung ibig nyo".

"Maraming salamat Miss?"- Earl

"Ako nga pala si Maria, anak ako ng yumaong kapitan dito, maaari na kayong tumuloy" nakangiti pa ding sagot nito.

Dala ang mga gamit ay tumuloy na nga silang lahat. Namangha silang lahat sa loob ng bahay tila nasa bahay sila ng makalumang tao ang mga gamit ay antigo na mas matanda pa yata sa kanilang ninuno. Hindi nagsasalita si Linda pero kakaiba ang pakiramdam niya sa bahay na iyon, si Mark ay panay ang tingin sa kung saan, si John naman ay todo ang panunuyo kay Tessa na parang walang naririnig, si Earl ay kay Maria nakatingin na parang pinag-aaralan ang bawat kilos nito, si Lily naman ay panay dutdot ng cellphone at nagrereklamo na walang signal.

"Dalawa lamang ang aking bakanteng kwarto malaya kayong mamili kung saan ang ibig nyong tuluyan at dahil kayo ay aking mga bisita nais ko kayong anyayahan sa maliit na salo-salo"

"Sure Maria game kami diyan"-John

Pinukol ito ng masamang tingin ng kasintahan ngunit hindi naman ito tumutol dahil nakaharap si Maria.

"Magpahinga muna kayo at ako ay maghahanda pa ng ating makakain" tila nakangising turan ni Maria.

Napagpasyahan nila na hiwalay na lamang ang higaan ng babae at lalaki.

Sa kwarto ng mga babae:

"Alam nyo ang creepy ng bahay na to pati yong Maria parang kakaiba tumingin, nakakakilabot!"-Tessa

"Whe? nagseselos ka lang yata eh kasi mukhang type ni John tsaka honestly ah ang kinis nya at kakaiba ang ganda" panunukso ni Lily.

"Hayy naku ako din nga naiibahan sa kanya eh ibang klase ngumiti pero wag na nga natin pag-usapan nakakahiya baka marinig pa tayo mamaya" saway ni Linda.

Samantalang sa kwarto ng mga lalaki:

" Pre, nakita nyo ba king pano sya ngumiti sakin parang type nya ko tsaka kita nyo ba ang binti nya ang kinis nakakalaway" animoy nauulol na sabi ni John.

"Tssk! umiral nanaman yang kamanyakan mo John, oo maganda sya pero nakita ko repleksyon ko sa mata nya nakabaliktad ako! hayss nakakakilabot". parang nilalamig na sambit ni Earl

"What the heck Earl! ayan na naman yang horror instinct mo, ang sexy nya kaya tsaka yong dibdib Earl wow sobrang wow! Kung wala nga si Tessa ay baka napormahan ko na yon" pumapalatak na sagot ni John.

"John itigil mo nga yan baka marinig ka ni Maria isipin nun na rapist ka"-Mark

"Sorry sorry good boy nga pala kayo hahaha basta masusulo ko din si Maria bago man lang makauwi ay makakatikim ako ng probinsyana" ngingisi- ngising sagot nito.

TO BE CONTINUED.

2
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

Comments

🤣 I like the mix comedy.

$ 0.00
3 years ago