" Hindi pa din ba kayo naniniwala sa akin?" inis na sambit ni Earl
"Naniniwala na kami Earl"- hikbi ni Tessa habang inaalo ni John
"But what can we do? Gabi na at delikado kung pipilit tayong umuwi"-Lily
"Mabuti pa ay magpalipas muna tayo ng gabi at bukas na bukas ay uuwi na tayo" paninigurado ni Mark.
"Magpahinga na tayo"- ani Linda
Ang hindi nila alam ay may alagad ng kadilimang lihim na nakikinig sa kanilang usapan.
Abot tenga ang ngiti nito at may namumuong ideya sa isipan.....
KINABUKASAN...
"Ohh sh*t sinong gumawa nito?! Pano to nangyari!" galit na pinagtatadyakan ni John ang gulong ng sasakyan. Panay flat kasi ang gulong nito at nawawala ang spare nilang dinala.
"Anong nangyari?" pupungas pungas na tanong ng iba.
"Wth! Tingnan nyo flat lahat ang gulong at nawawala ang mga pamalit natin!" inis na sagot ni John.
"Sino namang gagalaw nyan e walang halos kapit bahay si Maria dito?" takang tanong ni Linda.
"Babe what's the plan? I can't stay here any longer I'm so scared and stressed out!"-Tessa
"Tutal ay maaga pa pwede tayong maglakad pabalik sa matandang albolaryo"- Mark
"What? We will walk? Hell no! Malayo na yon dito" papadyak na sagot ni Lily
"Wala tayong ibang paraan kundi maglakad Lily kung gusto mo ay maiwan ka dito?" irap ni Earl
Wala ding nagawa ang lahat kung hindi ang sumang ayon na maglakad pabalik. Bitbit nila ang lahat ng gamit kasama na ang mga tent na nakalimutan nilang dala pala nila.
Magpapaalam sana kila kay Maria pero hindi nila ito matagpuan sa buong bahay.
Nagtataka man ay tuluyan na nilang nilisan ang lugar.
Ilang oras na silang naglalakad ngunit hindi pa din nila matanaw ang maliit na tindahan ng albolaryo.
"Mark sigurado ka ba sa dinaraanan natin? Hindi ba tayo naliligaw?"- John
"Magtiwala tayo kay Mark boy scout atah yan nu" -Linda
"Oo John sigurado ako tinandaan ko talaga ang daan pabalik"-Mark
"Thank goodness at sumama ka Mark".-Lily
"Mark malayo pa ba? Baka gabihin tayo sa daan?" pag aalala ni Earl.
" May mga tent naman tayong dala e magpalipas muna tayo ng dilim dito."-Linda
Tumigil sila sa parteng malinis, nagtayo ng tent ang mga lalaki samantalang gumawa ng bonfire ang mga babae at nagluto ng kanilang dalang canned goods at noodles.
Maagap silang kumain dahil ang bawat isa ay halatang pagod at takot sa dilim.
"Dahil dalawa lang ang kasya sa isang tent ay maghiwa-hiwalay tayong mga lalaki kung sakali man ay maprotektahan natin ang mga babae". suggestion ni Mark
Lalapit sana si Lily kay Mark ngunit sinabunutan ito ni Earl dahilan para mapaatras ito.
"Saan ka pupunta bruha? Dito ka sa tabi ko"-Earl
"Eww no! Gusto ko kay Mark tumabi" kandahaba ngusong sagot nito.
"Eh kung isumbong kita kay tito pag uwi natin?"-Earl
"Ah hehe sabi ko nga tabi tayo ikaw talaga pinsan labyu".-Lily
Nagtawanan silang lahat bago maghiwa-hiwalay. Magkatabi si Mark at Linda, John at Tessa gayundin si Earl at Lily.
"Baby ughhh ughhhh faster"-tining mula sa tent nina John at Tessa.
"Hayys kahit saan talaga yang dalawa na yan nagkanda malas malas na itong trip na to puro pa din kalandian ang alam"-pagmamaktol ni Lily.
"Naku kundi pa kita nahawakan kanina ay baka humahalinghing ka din ngayon"-Earl
"Tse! tigilan mo ako ha! asar ako sayo! Kung bakit ba naman inaya pa kitang sumama sa barkada ko noon e yan tuloy may dahilan si papa na pabantayan ako sayo!" mahabang litanya ni Lily.
"Girl ikalma mo yan kepay mo at baka madagukan kita dyan!"
"Hmmmp makatulog na nga!" tumalikod na si Lily at nagtalukbong ng kumot.
Iiling- iling na lamang na bumalikwas si Earl at natulog na.
Samantalang sa tent naman nina Mark ay panay pakiramdaman lang at nagkukunwaring di naririnig ang nasa katabing tent.
Alas dose y medya ng gabi ng tawagin ng kalikasan si Mark.
Gigisingin sana niya si Linda pero nahiya siya dahil himbing na itong natutulog.
Dahan dahan siyang lumabas at umihi sa kalapit na puno ngunit bago sya matapos ay may naririnig syang kaluskos ng mga paa. Sa di kalayuan ay may mga ilaw na palapit.
Pinakatitigan nya ito baka mga dayo din magbabaka sakali syang makisabay na lamang sila.
Halos matanaw na niya ang mga ito sisigaw sana siya ngunit narining nya ang mga pagaspas ng malalaking ibon. Tumingin siya sa taas at napansin niyang kausap nito ang mga taong may hawak na ilaw.
Nagulat siya ng masinagan ng bilog na buwan ang mukha ng isang tao nakasusulasok ang itsura nito may mahahabang pangil ito, mahahaba ang mga kuko at punong puno ng balahibo ang buong katawan.
Natulala sya sa takot ngunit ng makabawi ay dali daling ginising ang mga kasamahan niya.
"Gumising kayo! Dalian nyo!"-halos pabulong na wika niya.
"Ano ba bakit ka bumubulong? Bakit ka nanggigising e gabi pa!"reklamo ng mga kasamahan.
"Shhhhh wag kayong maingay may mga palapit na halimaw!"
"Huwag kang magbiro Mark hindi nakakatuwa yan!"-John
"Guys wag tayong magpanic at medyo malayo pa sila magplano tayo kung paano makakaalis ng ligtas"-Mark
"Mas ligtas kung maghihiwalay hiwalay tayo gaya ng set up sa tent"-Earl
"Okay sige may mga dala akong firearms sa bag mabuti na lamang at naisip ko ito"-John
Pagkatapos paghatian ang sandata ay narinig na nila ang pagaspas at yapak ng mga halimaw napakalapit na nito kung kaya't nag kanya kanya na sila ng daan.
To be Continued...
Chapters...
Makareadback nga... 😁