Icocontinue ko lang yung article ko kahapon about love and lust, Bale connected din kase itong topic na ito. Alam naman natin kung gaano kabahala yung mga cases ng teenage pregnancy dito sa Pilipinas lalo na ngayong naglockdown, may mga cases padin. Matagal na itong issue na ito, mulat na yung kabataan sa consequences ng pre marital sex pero wala padin nangyayare. Bago tayo magjump dun sa main topic, magkwentuhan muna tayo about sa mga bagay noon at ngayon.
Macoconsider ko ang sarili ko na new generation kase pinanganak ako ng 2001 eh pero kahit ganun naabutan ko padin naman mga bagay na sikat sa 90s. Siyempre wala pang masyadong impluwensiya ng technology noon lalo na kase nasa probinsiya ako. Yung tipong tuwang tuwa ako kapag nakakakita ako ng PS5 na nilalaro ng kaklase ko, sabay tuwang tuwa din ako kapag nakakalaro ako sa mga gaming consoles. Pero kase laking probinsiya ako at lumaki ako sa simpleng buhay, yung tipong meron kaming cellphone na Nokia sabay snakes at bounce yung laro dun, kabisado ko nga cheat doon eh, 787898 para makalutang ka.
Tapos yung mga laro namin noon habul-habulan, luksong baka, tamaan bola, sabay batuhan ng bunga ng kahit anong puno. Tapos nung lumipat ako dito sa Manila ganun padin, yung mga kalaro ko mga bata pa habang ako nasa 14 years old na ata. Yung mga laro namin ganun padin mga larong kalye. Naalala ko pa nun pogs, jolen at text mga laruan ko nun. Pero ngayon grabe yung mga bata, puro gadgets na, kahit saan may nag eeml. Ano na ba nangyayare sa earth. Tapos yung mga bata ngayon nagmamadali magkalove life, imagine mo 11 years old may jowa na. Sabay naniniwala na poreber na iyon.
Pero di rin naman natin sila masisisi, nagbabago ang panahon at ang pagusbong ng teknolohiya ang naging isang dahilan kung bakit nagiging mapagmahal ang mga kabataan. Sabi nila it's a puppy love, kung baga yun yung pagmamahal na hindi seryoso,yung nabuo lang dahil sa tuksuan pero nauwi sa hiwalayan. Pero okay padin yun, sabi nga nila we need to live while we are young and I'm a little bit fan of that saying but not in the form of love. Naniniwala ako maiksi ang buhay ng tao. Kaya sulitin natin ang oras na meron tayo dahil hindi natin alam kung kelan tayo susunduin ni kamatayan. Pero minsan may limitation din naman yung katagang You only live once. Ito yung mga dinadahilan karamihan ng kabataan eh kaya sinusubukan nila yung mga bawal na bagay.
Halimbawa sa love, karamihan kase sa kabataan ngayon nabago na ng panahon, wala na yung kataga ni rizal na ang kabataan ang pagasa ng bayan. Yung tipong, normal na sa kabataan na subukan ang premarital sex na nauuwi sa pagkabusog ng siyam na buwan. Sa gantong situation kawawa talaga mga babae, kase nga wala namang mawawala sa babae. May mga nagsasabi na hindi lang mulat sa katotohanan yung isang babae kaya nabuntis ng maaga pero may part sa akin na di sang ayon doon, kase at the first place may choice ang isang babae kung papayag ba siya o hindi. Nandun yung morality niya na malamang mali ang premarital sex pero dahil nadala siya sa tukso, wala na finish na.
Isa rin kase sa dahilan is yung curiosity, dahil sa sobrang curious ng kabataan kung ano ang feeling na makipag making love edi sinubukan nila, in the end pinagsisisihan nila, lesson learned wag papatulan ang curiosity lalo na kung alam mong may panganib. Pero kung nabuntis ang isang babae sa maagang edad, mas maigi na panindigan na lang. Wag ng dagdagan ang kasalanan, kase karamihan sa mga batang babae na nabubuntis ng maaga ay natatakot na malaman ng magulang kaya pinapalaglag. Kasalanan sa diyos ang magkitil ng buhay, wag mo na dagdagan ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.
Nandiyan nayan eh harapin na lang. Given na may huhusga kase ganyan ang reyalidad ng buhay. Hindi magiging madali ang buhay kase sigurado yung nakabuntis eh wala ring trabaho, in the end aasa padin sa magulang. Kaya dapat talaga na magisip muna bago subukan ang mga ganyang bagay, hindi madali ang consequences kase pang habambuhay na dadalhin yan. Kung sinabi sayo ng jowa mona akong bahala sayo, aba wag kang magtiwala dahil ikaw lang din naman ang kawawa sa huli. Wag mo na dagdagan ang population ng pilipinas, hiwalayan mo na jowa mo para makasali ka bitter club. Charot sige na paalam na, maraming salamat sa pagbabasa.
Hay uso talaga ngayun early pregnancy, masyado nakasing exposed mga kabataan ngayun sa internet, Hays nakakaawannga yung iba na wala oang alamag taoos naging ina na