Glimpse of my Story: When Death Met Life Continuation

15 35
Avatar for Codename_Chikakiku
2 years ago

If you haven't read the first part then I recommend to read it first so that you can understand the second part. Here's the link.

https://read.cash/@Codename_Chikakiku/glimpse-of-my-story-1c1d19f7

David's POV:

I'm currently lying on my bed, hindi ako mapakali dahil nagaalala talaga ako sa babaeng iyon, wala akong tiwala sa Darren na yun, parang gusto ko sila pigilan pero ano naman ang karapatan ko, baka mamaya magalit pa sakin si Lhaine. Pagkalipas ng ilang minuto hindi na talaga ako mapakali kaya agad kong tinawagan si Hanz.

Phone Call

"Hello Hanz"

"Sabi ko na nga ba at hindi kadin mapakali, tinanong ko na kay Hannah kong saang restaurant dinala ni Darren si Lhaine, sa Lemuria Restaurant, oo nga pala bro pasapak yung lalakeng yun kapag nakita mo"

" Thanks bro"

Dali dali akong bumangon at hinanda ko ang sarili ko, medyo late na kaya ayaw ko istorbohin yung driver namin para samahan ako kaya binuksan ko yung drawer ko. Dun nakalagay yung mga susi ng sasakyan ko. Pumili ako ng isa, parang gusto ko gamitin yung Mustang para medyo lowkey ang dating ko, bumaba na ako ng hagdan at nagpaalam kay mama na may pupuntahan ako. Pinabuksan ko din yung gate sabay pumasok nw ako ng garahe, pinatunog ko yung sasakyan sabay pinaandar paalis. Matagal nadin palang di ko nagagamit mga kotse ko, mas gusto ko kase na nagcocommute lang ako at para narin hindi ako makilala ng mga students sa campus, mahirap na baka makipag plastikan pa sila saken. Pinaharurot ko yung sasakyan papunta sa Lemuria Restaurant, pagdating ko dun winelcome ako ng mga staff sabay may lumapit na Valet saken.

" Welcome Sir"

" Hindi po ako kakain, itatanong ko lang sana kung merong nagpareserve dito?"

"Ah yes po sir, kakaalis lang po kanina kasama po yung babae na nahimatay po ata"

Nang marinig ko iyon, doon na ako kinabahan, "ganun ba thank you"

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Kuya Paul.

Phone Call

" Yes David? may ipapatrack kaba?"

" Yes Kuya Paul, can you track the car owned by Darren Tan? I just want to know where is it now."

Habang nasa tawag ako kinakabahan ako baka ano na ang nangyare kay Lhaine, bawat segundo na nasasayang ay maaring nasa panganib ang buhay niya.

" I already tracked it, nasa Alvarez Grand Hotel ngayon nakapark ang kotse nya, you better hurry up and careful ok"

" Thanks a lot Kuya Paul"

Pagkababa ko ng tawag ay agad akong sumakay ng kotse, pinaharurot ko ito at umalingawngaw ang tunog sa paligid pero wala akong pakealam sa ngayon, kailangan kong mailigtas si Lhaine dahil maaring nasa panganib ang buhay niya. Ilang sandali lamang ay nakarating na ako sa Hotel, tumakbo ako papasok at yumuko ang guard saken, pumasok ako sa loob at pumunta sa reception area, biglang kinabahan ang lahat ng staff ng makita ako dali dali akong nagtanong sa nagbabantay kung saang room nag book ang lalaking yun. Pagkaalam ko ay agad akong umakyat, narinig kong sumigaw ang manager.

" Sundan niyo si Sir David!"

Pagkabukas ng elevator ay agad akong tumakbo sa room na sinabi ng receptionist, nakita kong nakalock ang pinto at dahil nasa adrenaline rush ako nasira ko ang pinto at doon ko nakita si Darren na may gagawing masama kay Lhaine.

" What are you doing here?"

Agad niya akong inunahan ng suntok at doon ako tinamaan, hindi din naman ako nagpatalo at binugbog ko din siya hanggang sa dumating na ang mga guard at mga staff para awatin kami.

"Hulihin niyo siya, pumapasok siya sa kuwarto ng walang paalam, kakasuhan ko siya para makulong" sigaw ni Darren

Bigla siyang kinaladkad ng guard at pinadapa sa sahig, lumapit saken ang manager ng hotel at tiningnan kong maayos lang ako.

" May pasa po kayo Sir David, sandali kukuha lang kami ng first aid"

"Salamat pero ok lang ako" sagot ko.

Agad akong tumayo at pumunta kay Lhaine wala siyang malay, naawa ako sa kalagayan niya ngayon, dali dali ko siyang binuhat palabas ng hotel at isinakay sa kotse ko. Kita ko na may luha sa mga mata niya, hinubad ko ang jacket at isinuot sa kanya. Pinaandar ko na ang kotse at doon ko siya dinala sa bahay.

Ng makita ng mga guard na paparating ako, binuksan nila ang gate ng mansion sabay pinarada ko ang kotse sa garahe. Binuhat ko si Lhaine papasok ng bahay, bigla namang nagulat si Mama ng makitang may buhat akong babae.

"Bakit ka may dalang babae David? (Nagulat) Wag mo sabihing...."

Bigla kong pinutol ang kanyang sasabihin, "Ma, mamaya ko na ikukuwento ang mahalaga madala ko muna siya sa kuwarto"

"Ganun ba sige, Yaya pakitulungan naman si David"

Agad akong pumasok sa kuwarto at ihiniga si Lhaine sa Kama, medyo nabubutan ako ng tinik ng makita na ligtas na siya ngayon. Galit na galit ako sa Darren na yun dahil sa ginawa niya kay Lhaine sisiguraduhin kong pagbabayaran niya lahat at Manalapan niyang mali siya ng binangga.

Author's Mesage:

Sorry masyadong corny huhuhu, may kasunod pa yan kase novel tlaga yan, parte lang yan ng isang chapter hehehe. Kung di mopo nagustuhan feel free to thumbsdown, di naman po kase ako magaling na writer.

6
$ 4.51
$ 4.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @Momentswithmatti
+ 1
Sponsors of Codename_Chikakiku
empty
empty
empty
Avatar for Codename_Chikakiku
2 years ago

Comments

Sna kaya q din gumawa ng series yun may kwento ba.. Lets see kung paano sya maghigante... πŸ‘

$ 0.00
2 years ago

isusulat ko na buong novel pra po maintindihan ng mga readers.

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda kayaaaa, tas ang ganda ng flow ng story nya. Waiting for the next part πŸ€—

$ 0.00
2 years ago

Kuya, napakaganda ng story. Binalikan ko ang part 1. HAHAHA. Inaabangan ko yung story ni ate whitney dito. Tapos nabasa ko to. Dalawang story na ang inaabangan ko. Hilig kasi ako magbasa ng mga fiction stories. Magaling ka po kuya. πŸ‘

$ 0.05
2 years ago

ay nambola pa hahaha novel kase yan, bale part lng yan ng isang chapter, kumbaga yan ung pinakagusto kong part hahaha. Try ko isulat chapter by chapter para mabasa mo po ng buo.

$ 0.00
2 years ago

Oyyy. Magandaaa ang story lods.😍 Mala k-drama din. Medj corny nga yung fiction stories ko. HAHAHAHA. Pero, sige lang. Yun tumakbo sa utak ko. Pero lods, maganda ang story mo. Promise❀

$ 0.05
2 years ago

Yieee nainspired tuloy ako ishare ang buong novel dito❀❀. I'll try to write every chapters in one article po.❀❀

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng story chikakiku... Parang nanuod ako ng Korean dramas... True love talaga.. can't wait for the next chikakiku...😊

God bless you always...πŸ™πŸ˜‡

$ 0.00
2 years ago

malayo po sa katotohanan ang story hehehe salamat po sa compliments...God bless din po.

$ 0.00
2 years ago

Pero promise ang ganda ng story chikakiku....❀️

$ 0.00
2 years ago

Maganda kaya. Medyo matagal-tagal na na hindi ako nakapagbasa ng Wattpad. I'm happy na may ganito dito. Sobrang yaman pala ni David. hihi. I'll wait for the next chapter.

$ 0.05
2 years ago

medyo corny nga eh hahaha salamat sa appreciation, try ko isulat next chapter niya kapag sinipag ako hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Welcome po.😊

$ 0.00
2 years ago

Exciting, sana pinahaba mo ung pag bugbog kay Darren. Para satisfying moment kupal na yonnn. Hahahahahq

$ 0.05
2 years ago

inawat agad kami ng mga staff at guard eh hahahaah, sumunod mga kupal. Mabait kase ung character kaya di mapanakit.🀣🀣

$ 0.00
2 years ago