Masaya at malaya ang bawat tao bago paman dumating ang nakakahawang sakit na kung tawagin ay Covid19 dito sa ating mundo.
Lahat ng tao ay natakot at nakaramdam ng kaba na baka isa sa kanilang pamilya ang madapuan ng sakit na nakakahawa. Di natin maipagkakaila na maraming binago ang pandemyang covid19 hindi lamang sa ating sarili kundi pati sa buong mundo.
Maraming binago ang Covid 19 lalo na sa usaping pamumuhay kagaya ng trabaho, pagtaas ng mga bilihin at marami pang iba na naging rason sa pagbagsak ng ating ekonomiya. Dahil sa pandemya marami ang mga naipasara kagaya ng paaralan, simbahan, bangko, munisipyu, at maging ang pamilihan.
Ano-ano ba ang mga namimis natin na nawala o sabihin na nating ipinagbabawal dahil sa pandemya?
Tara samahan mo akong iisa iisahin ang ilan sa mga ito.
https://unsplash.com/photos/Z-fq3wBVfMU
Isa sa mga namimis ng lahat ay ang PAARALAN o ang face to face na klase.
Alam kong marami sa mga studiyante ang na miss na mag-aral ng face to face. Dahil sa pandemya nagkaruon ng modyular na klase at ang onlines class sa kolehiyo at secondarya. Sa sistemang ito, nung una ay natuwa sila, ngunit nang nagtagal ay karamihan sa mga mag-aaral ay mas pabor sa actual na klase sa paaralan.
Alam ko kong gaano na miss ng mga mag-aaral ngayon ang actual na klase sa loob ng paaralan dahil minsan din akong naging studiyante. Ako nga na hindi nag-aral ay namiss ko ang buhay bilang isang mag-aaral. Nakakamiss no? yung tipong gigising ka sa umaga para maligo, kumain at maghanda ng mga kagamitan mo para sa skoila. Nakakamiss pumonta araw-araw sa paaralan, nakakamiss yung kahit papuntang paaralan tapos nakasabay mo yung taong bumubuo ng araw mo charoot XD .
Yung mga panahong napaka busy natin manghingi ng papel sa tuwing magkakaruon ng quiz, yung mga panahong manghihiram tayo ng ballpen sa katabi natin, yung mga panahong palagi kang nagtatanong ng answer sa katabi, yung mga panahong nakakuha ka ng zero dahil hindi ka nag-aral bago ang exam.
Nakakamiss, nakakamiss yung mas excited ka sa breaktime kesa sa susunod na subject, nakakamiss yung breaktime na kahit wala kang pera ay nabubusog ka dahil sa mga kaibgan mong kaklase na inilibre ka palagi.
At kung akala ninyo studiyante lang ang nagnanais na bumalik ang harap harapang klase well mali kayo, Maraming mga magulang ngayon ang nagnanais na sana bumalik narin ang actual na klase. Sa mga magulang diyan lalo na sa mga may mga anak na nag-aaral sa elementarya, alam ko na ninais niyu rin ang actual na klasi sa kadahilanang nahihirapan din kayo sa paggabay ng inyong mga anak sa kanilang mga modules na may mga mahihirap na mga katanungan na kahit tayo mismo ay nahihirapang sagutan ito.
https://unsplash.com/photos/LAwsF-VnFzc
Namiss niyo rin bang lumabas ng hindi nakasuot ng facemask at faceshield?
Mula ng dumating ang pandemya dumagsa ang mga tao sa pagbili ng facemask at faceshield upang ma protektahan ang sarili at hindi makahawa sa iba kung sakaling nahawa ka ng sakit.
Pero sa pagdating ng pandemya namiss mo rin bang tumingin sa paligid o kayay sa pamilihan na hindi nakatabon ang mukha ng mga tao? Namiss mobang mamasyal sa mga mall o magpunta sa mga malalaking gusali na hindi suot ang facemask at faceshield?
Isa sa nakagawiang bago natin ngayon ay ang pagsuot nga faceshield at facemask upang maprotektahan ang sarili, subalit maraming tao ang nahihirapan dito at hindi gusto ang pagsuot nito pero wala tayong ibang magawa kundi sumosod sa patakaran ng pamahalaan para sa ating kaligtasan.
https://www.istockphoto.com/photo/dance-like-no-one-is-watching-gm892797192-247049202?utm_source=unsplash&utm_medium=affiliate&utm_campaign=srp_photos_inline&utm_content=https%3A%2F%2Funsplash.com%2Fs%2Fphotos%2Fdisco-photo&utm
Isa kaba sa mahilig sa Disco Party?
Kung isa ka sa mahilig sa disco party, well isa ito sa mga ipinagbabawal ngayon sa panahon ng pandemya.
karamihan sa mga binata't dalaga ay isa ito sa kanilang libangan ay ang pagdidisco o sayawan ng maraming tao. Hindi man ako mahilig sumayaw pero sa totoo lang namiss ko ang bagay na ito. Yung tipong may malakas na tugtugan habang maraming tao ang nagsasayawan, nakakamiss lang ulit tingnan at masaksihan ang ganitong uri ng libangan ng mga tao na sa ngayo'y wala na dahil sa ipinagbabawal dahil sa pandemya.
https://unsplash.com/photos/KodMXENNaas
Pagkikita ag Gumala kasama ang mga Kaibigan og Tropa.
Sa panahon ngayong pandemya namimis mo ba yung kumare, kumpare,kaibigan o di kayay kaklase mo na dahil sa pandemya hindi na kayo nabigyan ng pagkakataon na magkita at gumala ulit tulad ng mga panahong kayo ay masaya at kadalasan ay nagkikita.
Marami sa atin ngayon ang kadalasan nalang makikipagkita sa mga kaibigan o mahal natin sa buhay dahil sa pandemya.
Marami tayong mga tropa't kaibigan na hindi na natin nakikita dahil sa hirap ng transportasyon ngayon at sa hirap ng panahon mas mabuti nang manatili sa bahay para sa ating kaligtasan at ng ating buong pamilya.
Maraming magkaibigan ngayon ang unti unting nawala, hindi lang sa usaping kaibigan pati narin sa usaping pagmamahalan charoot XD, hindi lang kaibigan, maraming relasyon ang nawasak at nawala dahil sa pandemyang dala hahah charoot.!
https://unsplash.com/photos/x2Es5e-aUFU
Kung ang mga Studyante ay namiss yung paaralan well ibahin niyo ang mga taong mahilig sa sabong (Cock fighting)
Ang mga sabongero o may hilig sa sabong ay namiss din nila ang actual na sabong, kung kayat ang iilan sa mga ito ay natutong mag online sabong LoL. Dahil sa kawalan ng actual na sabong ngayon ay maraming manok panglaban ang hindi nauwi sa salpukan kundi ang iba ay nasentensiyahan sa kawali ng kamatayan hahah LoL.
PS: Hindi po ako nagsusugal at ang mga inilahad ko ay sadyang opinion ko lamang na nasaksihan ko sa ating lipunan.
At yan ang iilan sa mga nakakamiss na kalimitang hindi na natin nagagawa o ipanagbabawal sa panahon ng pandemya.
ikaw ? Ano ba ang mga bagay na namiss mo na hindi muna nagawa dahil sa pandemya.
Comment down bellow, Pag-uusapan natin yan baka peding mahanapan ng paraan haha. XD
Feel free to hit LIKE button.
~No hate Just LOVE
" God Bless us all "
Lead Image Reference:
https://unsplash.com/photos/LAwsF-VnFzc
Pinaka namiss ko talaga mga pagtitipon namin sa pagapapala sa Panginoon.. 3-4x a week service namin sa kung saan sa magkaibang lugar pa...