Hello beautiful people!
Good evening ladies and gentlemen ,today is December 8 and its my mother's birthday today and also we are celebrating now the feast of Imacculate Conception.
Let me share a short story of our super nanay.After she finished highschool ,she was working as maid .At the age of 20 she got married to my father ,actually she had a boyfriend before my father came to her life ,at nagtrabaho ito sa maynila at usapan nila na susunod si nanay sa kanyang boyfriend ,unluckily hindi siya nakapuntang maynila kasi nagtatrabaho na siya bilang house maid sa bayan nila.At tuwing may day off siya ay uuwi siya kanila at nung mga panahon na yung ay usong uso yung disco sa barangay or baylehan at ito naman tatay namin ay mahilig mang asar ,lagi niya inaasar ang mga dalaga na dadayo sa ibang barangay.At nung gabi na yun ay alam ni tatay na may mga dalagang dadaan papunta sa baylehan.Dahil sa marunong si tatay umiiyak na tunog ng sanggol ay ginawa niya ito at nagtakbuhan sila nanay at kasamahan niya at dun nakita ni tatay si nanay.Ilang beses na silang nagkita sa bayleha at nanligaw si tatay dahil sa may kagawpohan naman si tatay ay agad itong sinagot.Ngunit ang ama ng aking inay ay napaka istrikto at nung nalaman niyang nagka boyfriend na si nanay ay pinatawag niya ang aking itay at gustong ipakasal na sila kasi dati pagnakita ng magulang daw na may kasamang lalaki ang anak nila ay ipapakasal agad.So ayun na nga ,parang nagtaksil si inay sa kanyang nobyo at nagpakasal kay itay at biniyayaan sila ng 9 na anak .At ang ginawa ng kanyang boyfriend ay niligawan ang half sister ni inay at sila din ang nagkatuluyan at biniyayaan ng tatlong mga anak.
Kahit mahirap ang buhay ay nakakayan ng inay ang pag aalaga sa amin ,hindi ko lubos maisip paano niya nagawa yun ,ako nga na dalawa lang ang anak ay parang mababaliw na .Lahat ginagawa niya para sa amin ,dati nagtitinda si inay ng gulay sa palengke tuwing martes at sabado ,kung wala namang mabentang gulay ay buko naman ang ibebenta niya at siya mismo ang umaakyat at kukuha ng buko dahil si tatay ay nagtratrabaho sa malayong bundok.
Kitang kita ko yung paghihirap ni inay at mga sakripisyo sa amin .Kahit hindi niya hiniling sa aming mga anak nila na suklian lahat ng paghihirap nila ay ginagawa at binibinigay namin sa kanila kung ano ang makakaya namin.
Nung nakapagtapos na kami nila ate ng highschool at nag aaral sila ate sa kolehiyo at ako naman ay nagtratrabaho na at dun na namin pinahinto sa pag bebenta ng gulay .Pinaranas din namin sa kanila yung mga bagay na hindi nila naranasan dati.
Si nanay yung tipo ng ina na hindi mabunganga .Siya yung ina na nakakaintindi sa gusto ng mga anak as long as nakikinig kami sa mga paalala niya.Isang mapagmahal na ina which is every mothers do.Kahit ngayon na malalaki na kami may mga pamilya na ay anjan pa din siya palagi sa tuwing kailangan namin siya .Nung nanganak ako ay siya ang nagbabantay sa amin sa hospital,pati sa 2nd baby ko din andun pa din siya ,siya yung nag alaga ng anak ng kapatid ko na isang single mom .Siya din palaging takbuhan ng mga anak ng isa kong kapatid .Kaya masasabi kong superwoman si inay dahil sa parang hindi niya alam ang salitang pagod.Kahit medyo natapos na ang mga sakripisyo niya sa aming mga anak ay dun naman sa mga apo niya ngayon.
Happiest birthday to this strongest woman I ever known ,may God continue to bless you ,shower you more blessings and good health palagi nanay ,we miss you and we love you🥰
And that's all for my blog ,I so sleepy na ,tulog na tulog na din mga anak ko at ang lakas ng ulan dito sa amin ngayon .
Stay safe and GOD Bless
Happy birthday. May you be happy all the time in future i pray it.