Ang hirap maging mahirap

22 89
Avatar for Chelle18
3 years ago
Topics: Experience, Thoughts

Magandang gabi mga kaibigan!

How are you beautiful people?I hope you are doing great today .Hindi ko alam kong bakit ko naisipang isulat tong article nato ngayon .

Before I start ,i just want to give thanks to my dearest beautiful sponsors ,thank you so much for supporting me .Magagaling tong manunulat ang mga to ,pwede nyong bisitahin mga sinulat nila.

Sponsors of Chelle18
empty
empty
empty

Bigla nalang kasing pumasok sa isipan ko ang topic nato ,kaya naisipan kung isulat nalang ,since wala pa naman ako ibang naiisip .This topic is base on my experience and sa mga nakikita ko din sa ibang tao.

Ang pilipinas ay isa sa mga bansang maraming mahihirap .Nadagdagan pa ito ng dumating ang pandemya sa ating bansa .Dahil sa kahirapan ,maraming namamatay sa gutom at malnutrisyon .Marami ring gumagawa ng krimen gaya ng pagnanakaw , pangloloko at iba pa.

Madalas nakakaranas ang taong mahirap nalilipasan ng gutom at hindi sapat ang pera pambili ng makakain.Minsan pa nga hinahabol pa ng mga pinagkaka utangan at hindi makapag aral dahil sa walang pera.

Bakit nga ba mahirap maging mahirap?

Palaging kapos sa pera.

Naranasan mo na bang kinakapos ka ng hininga,este pera?ayun pareho tayo lalo na at paparating na si judith no?hahaha sino ba si judith?yun ba yung chismosa mong kapitbahay?hahaha ! Ay hindi ,syempre si judith ng kuryente,judith ng tubig at judith ng utang.Kahit may trabaho ka pa pero hindi naman kalakihan ang sweldo ,pilit mong pinagkasya yung pera mo at sobrang mahal pa ng bilihin ngayon ,malayo pa ang sweldo pero ubos ng pera mo .Sobrang hirap ,naransan ko din yan ,kaya hindi mawawala yung utang.Buti nalang nakilala ko tong platform na to ,malaking tulong to para sa mga katulad kong mahihirap.

Walang katiyakan

Kapag mahirap ka ,nabubuhay ka one day at a time ,hindi mo alam anong mangyayari bukas kung may makakain ka pa ba .Lalo na sa walang mga trabaho ngayon ,yung na aapektohan ng pandemya ,sobrang hirap at sakit ispisin na hindi mo alam kung bukas makalawa wala kanang makain.Yung mga nag rerenta ng bahay na nawalan ng trabaho ,hindi rin nila alam baka pag gising nila wala na silang matitirahan.

Maling diskarte

Dahil sa mahirap ang buhay,nag iisip ng paraan para maka ahon sa kahirapan.Subalit minsan maling diskarte ang pinasok mo .Yung iba gumagawa ng mali at masamang paraan .At hindi na iniisip kung ano ang kahihinatnan.Yung iba naman sinubukan at ginawa ang "Easy money" gaya ko ,laging tumaya sa lotto hahahha!.Sinusubukan ang swerte ,pero hanggang ngayon hindi pa rin nanalo.At hindi namalayang malaki na palang pera ang nawala .(kaya nga huminto na ako ,kahit isang beses man lang di talaga nanalo)

Madalas magkasakit/Walang pang pa ospital

DAhil sa kahirapan ,hindi makakain ng maayos at ma sustansyag pagkain .Marami na akong nakitang documentary tungkol sa mga malnourished na bata ,grabe nakaka iyak at ang sakit isipin yung mga batang walang kamuwang muwang ay masyadong naapektohan sa kahirapan. Kaya ako ,bilang magulang hindi ko hahayaang hindi makakain ng hindi masusyantsya ang mga anak ko .Malaking advantage na nasa bundok kami nakatira ,kahit mahirap ay pwede namang magtanim ng gulay at prutas .Pero pano yung nakatira sa mga squatter areas?Yung mga walang lupang mapagtaniman?

Pag mahirap ka ,mahirapan kang mag pa ospital kasi kahit public hospital pa yan ,marami pa ring babayaran .Pero marami naman organisasyon ngayon na ang layunin nila ay maka tulong sa mga mahihirap .I want to share my experienced at bakit ko nasabing mahirap maging mahirap .When i was pregnant of my second baby that was last 2018 ,dahil nga mahirap lang kami sa public clinic or RHU ako nag pa prenatal .So ito yung nangyari ,pagdating ko dun dahil naka schedule ako that day na mag pa prenatal ,may mga nag pa prenatal din ,siguro dalawa or tatlo yung nauna sa akin ,and then hindi ako binigyan ng upuan ,almost 1 hour na akong nakatayo at malaki na ang tiyan ko mga 7 months ata yun .Buti may staff na nakapansin sa akin ,sabi niya "mam upo ka po dito ,kanina ka pa po nakatayo "tinuro nya yung upuan sa may table ,at ako naman na sobrang nangangawit na yung paa ko ,ay umupo at nag thank you sa staff.Biglang may lumapit sa akin midwife ata yun or nurse ,sabi"excuse me may kukunin lang ako" tapos tumayo agad ako ,at pag alis niya bumalik ako sa pag upo .At ayon ,dali dali siyang lumapit sa akin at ang sabi "ayoko ng may ibang taong uupo sa chair ko" gulat na gulat ako tas bigla akong tumayo at tumulo talaga luha ko ,grabe sya e shout out ko kaya siya hahaha! Then after a while ,may dumating na parang mayaman na babae may hinahanap siya tapos umupo sa upuan ng babaeng yun ,pero tiningnan lang nya .Grabe ano kaya akala nya sa akin?Hindi ko naman sisirain upuan nya .After that incident nag private clinic na ako ,kahit walang pera .At isa pa pa pala ,nung nanganak na ako sa public hospital pero yung doctor ko is private .May nauna pa pala sa akin na buntis pero wala silang pera ,at pagdating ng asawa ko ,akala nila pulis hahaha ,finally naka bawi ako dito .Sobrang inasikaso ako dahil akala nila pulis asawa ko hahaha!.

Sobrang naawa din ako sa nanay ng buntis kasi nagmamakaawa talaga siya halos umiiyak na at sunod ng sunod sa nurse dun sa delivery room.Kasi epa Cs nalang daw anak nya kaso wala talaga silang pera.Kinabukasan pa after kong na operahan ,na operahan din yung anak nya.Buti nalang daw naka utang sya , naka usap kasi siya ng asawa ko ,malapit lang din yung kwarto namin.

Closing thought

Hindi masama ang maging mahirap basta mabuti ang yung gawain .Ang masama ay yumaman ka dahil sa mga masama mong pinag gagawa.Wag kang mawalan ng pag asa ,hanggat buhay ka pa may pag asa ,Makaka hanap ka rin ng paraan para makaahon ka basta sa tamang paraan at may pananalig ka diyos ,hindi ka niya pababayaan.

Thats all for today!

Maraming salamat sa pag basa at Magandang gabi❤

Lead image from google❤

Stay Safe and GOD BLESS

8
$ 2.14
$ 2.04 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.03 from @gwapojohn
+ 2
Sponsors of Chelle18
empty
empty
empty
Avatar for Chelle18
3 years ago
Topics: Experience, Thoughts

Comments

Marami talagang salbahe na mga empleyado ng hospital sa halip na makatulong bumuhay sila pa ang patay, Dana's ko yang buhay mahirap isang kahit isang tuka noon kamiñg mga bata pa

$ 0.00
3 years ago

Mahirap talaga, Chelle. Minsan nga kinocompare ko life ko sa iba at napapaisip ako bakit yung parents ko di successful gaya ng iba. Pero wala tayong magagawa kasi nandito na tayo eh. Let's just work so we will not be forever poor.

$ 0.01
3 years ago

True john ,ingon sila lingin man konong kalibutan ,naa man ta sa ubos ron ,mo abot ra ang panahon sa taas napud ta unya balik napud sa ubos😅hahaha! Bitaw oy ,maningkamot lang gyud ta aron maka suway pud tag haruhay para pud sa ato pamilya ,sa imong future own family pud🥰

$ 0.00
3 years ago

Korek

$ 0.00
3 years ago

Napaka hirap po talaga maging mahirap dahil Yung mga gusto mong bilhin hindi natin mabibili dahil marami pang bayarin na dapat bayaran:<kaya ndi tlaga ako susuko sa buhay,makaka angat rin kami/Tayo sa buhay😊

$ 0.01
3 years ago

Magpursege sa buhay at wag kalimutang magdasal 🙏makaka ahon din tayo💖

$ 0.00
3 years ago

Mahirap mn maging mahirap, pero kailangan nating kumayod. kailangan nating mag pursige, dahil mas mahirap kung wala tayong pananaw sa buhay.

$ 0.01
3 years ago

TamA ,magpursige at humanap ng paraan👍

$ 0.00
3 years ago

Mahirap talaga pag walang per kaya magsikap tayo at laging magpursige para makaahon sa kahirapan. Ilang beses na kaming nawalan ng pera noon, ang hirap Pag nagkasakit walang pambili ng gamot, kaya ngayon natuto kaming mag-ipon kahit barya2x lang muna.

$ 0.01
3 years ago

True ,kilangan talaga mag ipon kaya nga thankful ako sa read.cash kahit pa kunti kunti pa earnings ko now ,atleast may ipon ako❤

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga po, kahit kunti lang din yung earnings ko dito iniipon ko din, la laki din to someday

$ 0.00
3 years ago

Soon🙏

$ 0.00
3 years ago

Kaya yun mga nagkakasakit, di na lang mag papa ospital kasi bukod sa pwedeng mahawaan ng covid, wala rin silang pambayad ng ospital

$ 0.01
3 years ago

Tama sis ,herbal at albularyo lang muna.

$ 0.00
3 years ago

Nice article sis. Very eye opening. Sa hirap ng buhay bawal ang tamad. Ang masama pa, alam nang naghihirap e, tamad pa. Uso yan ngayon. Mabuti pa't magtrabaho, at maging masipag. Diskarte lang yan. Giginhawa rin ang buhay. Hindi na rin ako, umaasa sa gobyerno natin. Mas magandang pinaghihirapan ang pera. Magandang gabi, sis!

$ 0.01
3 years ago

Magandang gabi din sayo sis .True sis ,mahirap umasa sa iba ,kayat dapat kumayod talaga tayo noh, pasalamat talaga ako dahil nakilala ko si Read.cash ,dagdag income🥰

$ 0.00
3 years ago

Mahirap po talaga kaya kung ayaw nating manatiling mahirap, bawal mapago po.

$ 0.01
3 years ago

True sis ,maraming paraan basta magandang sa magandang paraan lang. Magandang gabi sayo sis ❤

$ 0.00
3 years ago

Amen, sis! Good evening too!

$ 0.00
3 years ago

Mahirap talaga maging mahirap sis. Umiikli ang buhay kasi walang pera na magagamit pangdugtong

$ 0.01
3 years ago

Tama sis ,pera talaga yung unang panga ngailangan natin.

$ 0.00
3 years ago

Ou naman.. Lahat ata ng tao yan ang problema

$ 0.00
3 years ago