Nong mga nakaraang araw ay halo-halo ang aking nararamdaman kaya siguro mas lalong sumakit ang ulo ko.......
Stress
Kapag stress talaga asahan na natin na kahit katawan natin ay super apektado..Actually sino ba naman ang gustong mag stress,kahit naman ako ay ayaw ko yon..Kaya lang may mga bagay talaga na kahit anong iwas mo ng stress ay talaga naman ma eestress ka...
My Pamangkin
Maliban sa anak ng kuya na namatay na meron pa akong isang ampon yong anak ng kuya kong naaksidente sa una niyang asawa...Dahil sa nag-asawa ulit ang kuya ko ngayon ay iniwan sa amin ng mama ko yong anak niya sa unang asawa.....Pasaway din kasi yong nanay at nadakip mismo ng kuya ko sa bahay na may kinalulukuhan kaya ayon kawawa yong bata.......kaya lang itong pamangkin ko ay minsan may pinagmanahan pa rin sa ugali sa nanay niya..Dahil nga sa bata pasaway masyado..feeling ko kahit isa lang ang anak ko feeling ko ang dami kong anak...
Mama ko
Yong mama ko naman tuwing lalapit ako at kinukumusta ko siya..Walang ibang sinasabi kundi namamaalam na..Huwag daw kami mag-away-away na magkakapatid kasi tatlo nalang daw kaming naiiwan..Masakit man daw sa pakiramdam niya ang mawala dahil ayaw niya daw kaming ewan pero parang hindi na daw siya magtatagal...
Minsan kapag feeling ko susuko na ako...pumupunta ako sa bahay ng bestfriend ko para naman makapag relax at makapag isip ng tama..At minsan gusto ko din magpahinga kahit isang araw lang...Kasi kahit napakalas natin minsan bumibigay na din.....
Sa araw-araw na pagsubok na ibinibigay sa akin ng diyos alam kong malalampasan ko ito basta ayaw ko lang ng ganito na nagkakasakit na din ako sa dami ng iniisip at obligasyon na ibinigay ng diyos sa akin...But nagpapasalamat pa din ako kasi hanggang ngayon andito pa din ako.....Sabi nga nila..hindi daw tayo bibigyan ng pagsubok kung hindi natin ito malalagpasan at makakaya....Lagi ko nalang iniisip na merong mas mahirap pa na pagsubok kisa sa akin pero nalagpasan nila..sa akin pa kaya....Kapag naiisip ko yon mas lalo akong tumatapang at nagpapakatatag....
Thank you so much sa aking mababait na sponsors....at sa patuloy na pag support po sa akin...
Final thoughts
Ang stress ay part na ng ating buhay sa araw-araw..Ang gawin nalang natin ay tulungan at libangin ang ating sarili para makalimutan natin ang problema kahit paminsan-minsan...
Sa aking mababait na readers,upvoters....sponsors and commentors...Thank you so much for always supporting me...godbless us all..
Published
November 3,2021
❤️Buhayexperience
Ma istress pero hindi bibitiw! Tuloy lang, laban lang sis. Dyan tayo mas lalong tatatag at titibay