Hello to my fellow readers and sponsors..Kumusta po ang araw niyo..Bago ko po simulan ang isa na namang makabagbag damdamin,tama po ba ang words ko.hehe...ay nais ko lang ipaalala po sa aking mga readers na kung nag aalangan po kayong basahin ay huwag niyo na lamang pong scroll pababa...
Nais ko lang ishare ito sa inyo dahil gusto ko lang sabihin sa inyo na kung kayo ay sawa na sa buhay at parang gusto niyo ng sumuko dahil sa mga problema na pinagdadaanan niyo,,,ay hindi yan solution para bumitaw kasi hindi lang po kayo ay may hinaharap na problema..madami at mas malala pa pero patuloy na lumalaban sa buhay..dahil masarap mabuhay sa kabila ng lahat ng pagsubok sa atin...
My childhood memories
Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar na ito..Ito ang lupain ng lolo ko sa side ng papa ko at tanging papa ko lang ang tumira dito dahil lahat ng kapatid niya ay ayaw na ayaw sa bundok..Dito sa lugar na ito ako ipinannganak...Simula sa isilang ako hanggang sa mag grade 2 ako ay dito kami nakatira....Sa lugar na ito nakatayo ang munting bahay namin...Malayo sa kapitbahay at minsan mga pinsan or mga kaibigan ng papa at mga kapatid ko lang ang pumupunta dito lalo na kapag humihingi ng mga gulay sa papa ko....
When I was 7 yrs old
Iniwan ako ng papa ko sa bahay..Umalis sila ng bahay...Yong mama ko noon ay nasa manila para magtrabaho...Ang papa ko lamang ang nagbabantay sa aming magkakapatid...ako lang ang babae dahil ang panganay kong kapatid na babae ay nagtatrabaho din sa manila...Ang kasama ko lamang yong dalawa kong kuya...Nong time na yon ay nag-aaral pa ang kuya ko at kami lang ng papa ko ang natitira sa bahay....Ngunit umalis ang papa ko dahil kailangan niya na magtanim na medyo malayo sa bahay namin at iniwanan na lamang ako sa bahay....Medyo matanda na din ako noon mag-isip kaya naiiwanan na talaga ako..Iba kasi yong lumaki sa hirap..Kailangan mo talaga maging matapang dahil wala ka namang aasahan na iba..Sarili mo lang..everytime kasi na iiyak ako kapag iniiwan nila ako ay lagi lang ako napapagalitan kaya nasanay nalang akong mag-isa sa bahay...
My brother friends
May mga kaibigan talaga ang kuya ko na nasa edad 14 pataas na ata..Hindi ko ito pinapansin kasi lagi ako nitong sinasabihan na maganda tapos tinitingnan ako mula baba pataas...Dahil sa aking murang edad ay wala akong alam kung bakit ganun ang tingin niya sa akin...hindi ko pa maintindihan dahil bata pa ako...
Pag-alis ng papa ko ay dumating nga ang kaibigan ng kuya ko..may kasamang kasing edad niya din...Tinatanong ako kung asan daw ang papa ko..tumuro lang ako sa malayo..Tapos tinanong niya din ako kung pumasok din daw sa school yong mga kapatid ko..Sagot ko din opo...
After noon pinapasok niya ako sa bahay...binuhat niya ako at pinaupo sa kwarto...hay's akala ko naka move on na ako kaya ko ito naikwento..heheh..bigla ako ngayon nanginginig sa galit pero nasimulan ko na at kailangan kong tapusin ang kwento..
Conversation namin
Boy 1:higa tayo
Yong isang kasama niya ay nanglilisik ang mga mata..natakot ako bigla...Wala akong idea nong time na yon kung anong mangyayari sa akin...
Ako:bakit po tayo mahihiga?habang sunod naman ako sa paghiga...naisip ko non bakit kaya matutulog kami eh maaga pa naman at bakit pati sila ay matutulog din..
Boy 2:hubarin mo nga yong short mo..
Ako:Ayaw ko po"ayaw ko po"umiyak na ako ng umiyak..😭😭Takot na takot ako....Sigaw ako ng "Papa!!!!...
Boy 1:Kumuha ng kutsilyo....ang sabi niya sa akin kapag sumigaw daw ako ulit ay sasaksakin niya ako...
Hindi ko na ikukwento yong mga ginawa nila sa akin dahil hindi ko pala kaya..para kong pig turture ang sarili ko ngayon.heheh...
Pagkatapos ng paghahalay nila ay umalis na sila.😭😭..bago umalis...Sinabi nila sa akin na huwag na huwag daw akong msgsusumbong dahil papatayin daw nila ang papa ko at mga kapatid ko....Wala akong nagawa takot na takot ako nong time na yon...iyak ako ng iyak at hinang-hina ako...Nakita ko nalang na may dugo sa hinihigaan ko...After kong umiyak ng umiyak ay wala pa din ang papa ko...Linakasan ko yong loob ko kasi naalala ko yong sinabi ng mga lalaki na papatayin nila ang papa at mga kapatid ko.....Naisip ko baka tutuhanin nila...Ang ginawa ko ay nagpalit ako ng damit kahit super nahihirapan ako...Pinunasan ko yong dugo sa higaan..Makalipas siguro ang isang oras ay dumating ang papa ko...Pagod na pagod sa pagtatanim...Naawa ako sa papa ko...Humingi siya sa akin ng tubig dahil nauuhaw daw siya..Kahit nanginginig yong tuhod ko ay binigyan ko siya.....Tinanong ako ng papa ko kung bakit iba na daw yong damit ko..Sabi ko nabasa kanina sa paglalaro ko....Tapos bakit daw magang-maga yong mata ko...umiyak daw ba ako?Ang sabi ko naglaro kasi ako ng lupa at napuwing ako...Hindi na nagtanong ang papa ko.....
Dumaan ang maraming taon at naging sekreto ko lang yon pero binago non ang buhay ko..Lagi na akong matakutin pagdating sa mga lalaki..kahit sa panganay kong kapatid na lalaki na dalawa ay para akong napapaso kapag nahahawakan nila...Isang masamang bangungot yon para sa akin na dala-dala ko ang bigat hanggang sa ako ay magdalaga...
Message
15yrs old ko na nasabi sa parents ko yong nangyari pero huli na ang lahat dahil nasa malayo na yong gumawa noon sa akin at hanggang ngayon ay malaya pa din sila..
For some advice
Kung kayo po ay may mga anak na babae ay huwag na huwag niyong hahayaan na basta nalang iwanan sa bahay at huwag na huwag din tayo basta-basta nalang magtiwala kung kani-kanino kasi ang pagsisisi ay laging sa huli....
Sa mga nangyari sa aking buhay ay kinuhanan ko yon ng lakas para mas lalo akong maging matatag...Hindi man ako pinalad noon..Alam kong may nakalaan na swerte para sa akin sa tamang panahon at si god lang ang nakakaalam noon....
Maraming salamat po...
Thank you so much sa aking mababait na sponsors na patuloy pong nagsusupport para sa akin...
Godbless you all
Published
October 16,2021
Saturday
8:29Pm
Philippines
Source image:captured by me
Parang nanindig yung balahibo ko ahh sorry,, pero wag kah pong mag alala may nakalaan nah parusa nah naghihintay sah kanila, tiwala lang po at pananampalataya sah taas,