Yesterday,september 28,2021..Ito yong araw na pinaka hihintay ng aking baby girl.Nagising siya ng 5am..Sabi sa akin,Mama birthday ko na ba?Biniro namin siya sabi namin hindi pa.Isang tulog pa bago ang birthday niya.hahaha..Na sad yong anak ko kasi sabi daw namin isang tulog nalang tapos yon pala another isang tulog nalang..Ang ginawa ng anak ko ay nagtampo sa amin..Linagyan niya ng takip ang kanyang ulo ng unan na parang gusto ulit bumalik sa pag tulog..Ang hindi niya alam ay gising na din ang kanyang mga pinsan at hinihintay lang yong pagising niya.Dali-dali pumasok yong mga pinsan niya sa kwarto kasama yong tita niya na dala-dalang yong cake habang kinakantahan ang anak ko ng happy birthday..Pagdilat ng anak ko nagulat talaga at sabay tuwang-tuwa dahil ngayon daw pala ang kaarawan niya...
Nagsigisingan na lahat ng mga nasa loob ng bahay dahil ang ingay namin.....Sabi ng anak ko wala pa ba akong regalo galing sa angels ko?hahaha.Kwento ko kasi sa kanya nong gabi bago ang birthday na kapag mababait na bata ay binibigyan ng gift ng angels lalo na kapag birthday kaya matulog ka na kaku ng maagaππ..Kaya sumunod siya sa akin..Pero may nakahanda na talaga akong regalo sa kanya para pagising niya..Sasabihin na hindi ako sinungaling na totoo talaga yong angels na sinasabi ko.hahaha...Ito na nga yon pagtingin niya sa may likuran niya ay nakita nya yong mga binili kong mga laruan..Favorite niya kasi yong mga gamit sa kitchen kaya yon ang binili kong laruan..Pagkakita niya ng laruan agad itong tumayo at dali-daling binuksan ang mga ito at nakipaglaro agad sa bago niyang laruan na may kasamang isang maliit na parang barbie..
Super happy ng anak ko pagising niya..Naging successful yong pasurprise namin sa kaniya dahil naramdaman niya agad na special ang araw na ito para sa kanya...
Next plan
After namin mag almusal ay naligo na kami dahil ang pinaka importante sa lahat ay magpasalamat sa nagbigay buhay sa atin..Si papa God.Nagsindi kami ng kandila at nanalangin na din.Ang anak ko mahilig talaga siyang humawak sa kamay ng mama mary o kaya hahalik siya dito tuwing pupunta kami ng simbahan...
Pakatapos ay ito na nga yong kasama sa plano namin.Ang kumain sa labas...Actually dahil sa pandemic ngayon at bawal yong maraming tao..Kami nalang muna yong kumain sa Mcdo.
Pauwi na kami ay gusto ng anak ko dumaan sa kanyang mga lolo at lola sa side ng papa niya.Bilhan daw namin ng cake para yon ang ipasalubong niya sa kanyang grandma and grandpa....Ang sweet nga ng anak ko kasi siya talaga yong pumili ng cake..akala mo siya yong magbabayad.hahahah
Pagkabili namin ay pumunta na nga kami sa bahay ng lolo't lola niya..Maaga pa naman..Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin na nananghalian sila at sakto dahil sa nabitin ako ng kain sa food chain ay kumain ulit ako pagdating..Nagluto ang mother in law ko ng nilagang baka,ginataang manok na medyo maanghang at may isda din para sa ayaw ng karne..Parang fiestahan lang.hahaha
Nakalimutan kong kakakain lang namin sa labas.hahahah..
Pa surprise ng magpipinsan sa anak ko
Gumawa yong mga bata ng kanya-kanyang design ng cake gamit ang marsmallow at bread..Nakakatuwa yong mga bata dahil wala pa silang pera at para sumaya ang anak ko ay nag effort din sila..Dahil sa ginawa nila at talaga namang natuwa yong anak ko...
Meryenda sa bahay ng lolo't lola
Nagluto din kami ng pansit sa bahay ng mother in law ko.Medyo matanda na din kasi sila at mahihirapan ng mag byahe papunta sa amin kaya nag celebrate din kami ng pang pa meryenda sa bahay nila....After maluto ay nag sama-sama kaming kumain...Ramdam ko talaga yong kabusuguan.hahahah
Pabalik sa aming tahanan
3:30pm ay kailangan na namin umuwi dahil ang hindi alam ng anak ay may pa surprise pa sa kanya yong mga tita at tito kasama na din ang bestfriend ko para sa kanya....Habang nasa bahay kami ng lolo't lola nya ay sobrang busy naman doon sa bahay namin.May nagluluto din ng spaghetti,malagkit,pansit at meron ding mga regalo sa kanya..Meron ding vedioke at madami na ding bisita..
Pagdating namin sa bahay ay mga pagkain na naman yong bumungad sa amin.hahaha..Sabi ng anak ko..Akala ko mama tapos na yong handa ko kasi kumain na tayo sa labas tapos nagluto na din ng pansit kila lola..Madami pa pala at kitang-kita sa anak ko ang labis na kasiyahan...
Pagkakita ng anak ko na luto na yong spaghetti after pumalit ng damit ay humingi sa amin at gutom na daw siya.hahahah..Favorite niya kasi yong spaghetti kaya hindi yon mawawala..Pero bigay yon ng bestfriend ko kaya thank you sa pa sponsor.heheh
Pagdating ng gabi ay nagsimula na yong ingay sa bahay namin...May nagkakantahan at meron ding nag-iinuman sa labas ng aming bahay...Meron ding nag gigitara habang sa loob ng bahay ay may isang bata na kumakanta.hahahah
Masaya kami dahil nagawa naming maging successful yong kaarawan ng anak ko..
Closing..
Lahat ng magulang ay gagawin ang lahat para lang maging masaya ang kanilang anak..Lalo na kong ito ay kaarawan ng ating anak..
Author's note..
Thank you so much sa lahat ng tumulong at nagbigay ng regalo sa aking anak.Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo..
Para sa aking mababait na sponsors maraming-maraming salamat sa patuloy na nagtitiwala sa akin..
Para sa aking mababait na readers...Sana hindi po kayo magsawa na basahin ang aking mga articles..
Godbless us all...
Thank you so much
Image soure:All original
Belated happy birthday po sa inyong anak.Ang cute naman po.heheh