May dengue daw ako

25 44
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Lahat na ata ng sakit,naramdaman ko na..Mawalan pa nga lang ng mga mahal sa buhay ay talagang napakasakit na..Anong sakit pa kaya ang hindi ko makakaya??

Taong 2018

Isang taon na noong nasa abroad ang ka partner ko at iniwan lang kami ng anak ko sa bahay ng mother in law ko dahil wala pa kami noon na sariling bahay..Nasa 6months palang noon ang anak ko....Sa umaga ay hilig ko na talagang maglinis ng bakuran..At minsan iniiba-iba ko din ang design ng mga halaman...Mahilig akong magpalipat-lipat ng halaman kasi nakalagay lang naman ito sa paso...

Good morning

Habang tulog pa ang anak ko ay gumigising na ako para magwalis sa labas at para makipag good morning sa mga halaman ng mother in law ko...heheh.Hilig ko din kasing kausapin ang mga halaman habang inaayos ko ito..Feeling ko nagsasalita sila kahit hindi naman...

Ito yong mga favorite ko noon na mga halaman..

Dancing Lady
Baby's breath
Daisy
White rose

Tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko sila na namumulaklak na...

So anong koneksiyon ng mga halaman sa dengue??

Ganito po yon...

Before 7am,ng araw na yon ay tinatanggalan ko ng mga uod ang mga halaman...May nakita akong isang lamok na black & white ang kulay na galing sa mga halaman at dumapo sa akin..Akala ko natural na lamok lang yon hanggang sa kagatin yong binti ko...Makalipas ang isang oras bigla akong nakaramdam ng panghihina ng katawan...Umupo ako sa sala namin at naisip ko baka dala lang pagod ko kanina....Pero nong dumating ang tanghali ay biglang sumakit yong ulo ko...Nong hawakan ng mother in law ko yong noo ko ay may lagnat daw ako..Kaya pinainom ako ng paracetamol...Pero hindi pa din nawawala yong lagnat ko nong araw na yon at mas nahihirapan ako kasi 6months palang yong anak ko at hindi lumalapit kahit kanino..Lagi lang talaga sa akin....Natatakot ako na baka mahawaan ko ng lagnat pero wala naman akong choice kasi walang magbabantay sa kanya...

Kinaumagahan ay nagsusuka ako...at sobrang taas ng temperatura ko..umaabot ng 39 to 40...Ang ginawa ng mother in law ko ay dinala ako sa isang albularyo at baka daw nasino lang ako....Pero ako parang gustong-gusto ko ng mag pa confine sa hospital kaya lang wala ngang magbabantay sa anak ko...Hanggang sa inabot ako ng 3days sa bahay at palala ng palala yong sakit ko....Napilitan na silang dalhin ako sa isang public hospital para malaman kong ano talaga ang sakit ko..Umiyak ako kasi parang hindi ko kayang mawalay sa anak ko dahil kailangan daw akong iconfine sa hospital....Naiisip ko palang na hindi ko kasama anak ko ay mas lalo akong nanghihina pero kailangan kong magpagaling...Nakita ko yong anak ko na panay iyak...Wala akong choice kundi ewan sa mother in law ko yong bata....

Habang naka confine ako ay hindi ko talaga alam ang sakit ko at hindi sumagi sa isip ko na dengue na pala yong sakit ko..Kapag may lumalapit naman sa akin na doctor ay hindi ko naman tinatanong kong ano talaga yong sakit ko...Pero nong time na yon akala ko mamamatay na ako..Sobrang hirap ng pinagdaanan ko....Kapag tumatayo ako hindi ako nakakatagal kahit isang minuto...Feeling ko kasi parang may kung anong virus na umaakyat mula sa paa ko pataas at feeling ko kapag nakaayat yon sa ulo ko ay sasabog ang utak ko...Kapag nasa tyan ko palang siya ay nahihirapan na akong huminga kaya kailangan ko lang talagang mahiga....

Makalipas ang isang araw ko sa hospital ay kinausap ng doctor yong aking bantay pero hindi ipinaparinig sa akin...Kinabukasan ulit ay sinalinan na lamang ako ng dugo....Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari kasi lagi akong inaantok..Tulog ako ng tulog...Inabot na ata ako ng 1week sa hospital at sobrang mis na mis ko na yong anak ko...Hindi ko na nararamdaman yong sakit ng katawan ko kasi mas nararamdaman ko na yong pangungulila sa anak ko......Nakita ko na din sa aking katawan na halos mapuno ang aking katawan ng kulay violet na pantal-pantal...Nakakadiri kapag tiningnan mo pero wala na ako noong pakialam...Nag request ako sa mother in law ko na papuntahin sa akin yong anak ko kaya lang pinagbabawal ng hospital kaya lagi nalang akong tulala...

After 2weeks

2days bago ako lumabas ng hospital ay kinausap ako ng doctor kung kumusta na daw yong dengue ko??Na shock talaga ako na dengue pala yong sakit ko..Siguro hindi kasi ako nagtanong dahil mas nakatuon yong atensyon ko sa pangungulila sa anak ko...Ni hindi man lang nga ako nagtanong kung bakit ako sinasalinan ng dugo.....

Paglabas ko ng hospital ay super excited talaga ako kasi gustong-gusto ko ng makita yong anak ko....Pero nong pagdating ko sa bahay at makita ako ng anak ko ay umiyak ito at yumakap sa mother in law ko..Yong feeling na kinakatakutan niya ako..Ewan ko kung dahil ba sa balat ko na kulay violet namamalat or hindi niya na ako kilala..Napaiyak talaga ako..Yong feeling na doble ang sakit na naramdaman ko compare nong andon ako sa loob ng hospital at sobrang nahihirapan...Pinipilit kong lumapit sa akin ang anak ko ng araw na yon pero hindi nangyari kasi ang tawag niya na sa mother in law ko mama.๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ.....Nagtiis ako at sinuyo ko siya at sa wakas bago kami natulog ay lumapit siya sa akin pero katabi ang mother in law sa pagtulog....

For the mother

Alam kong alam niyo ang pakiramdam ko nong mga panahon na yon...Ang hirap pala kapag isang araw ay bigla ka nalang kinalimutan ng anak mo..ang sakit...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Maraming salamat po sa aking mga supportive at mababait na sponsors..Sa mga readers ko po dyan,pwede niyo din pong bisitahin ang kanilang accounts..

Author's note:

Madamdamin lang talaga ang aking mga kwento base sa totoong storya ng buhay ko..And salamat dito sa read.cash dahil naging bahagi ako ng platform na ito para ma ishare din ang storya ng buhay ko...

Thank you so much and godless us all

Source Image:All original

@Buhayexperience

15
$ 0.24
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Ling01
$ 0.05 from @Labofmylife
+ 5
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Comments

Isang beses pa lamang ako nadengue at pinainom ako ng tawa-tawa, matapos nun pinangarap kong wag nang maulit hahahahaah

$ 0.00
3 years ago

Ang gaganda po ng mag bulaklak pero doon pala galing yung lamok..

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po sis...pag ayos ko sa mga halaman..lumipad yong lamok galing don sa dahon..naligaw ata.heheh

$ 0.00
3 years ago

Be thankful nalang po tayo sis, kasi naging ok kana, nalagpasan moh Ang napakatinding pagsubok,at sah baby moh totoo po masakit talaga kapag ayaw sayo Ng baby moh, pero sooner or later maging ok din Ang lahat, tiwala lang at pananampalataya.

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis tama ka po at hindi talaga ako sumuko noon kaya ok na ulit kami ng anak ko..

$ 0.00
3 years ago

Naawa nman ako sayo sis lalo na yung about sa baby mo.. sobrang sakit sa isang ina na hindi ka makilala ng anak mo.. pero buti po at ok kna ngayon.. mabuti tlaga ang diyos sa atin..

$ 0.00
3 years ago

Oo sis dapat lagi lang tayo maniwala sa ating mga sarili na lahat ng pagsubok ay pagsubok lang yan at kaya nating harapin at maging ok ang lahat pagdating ng panahon..

$ 0.00
3 years ago

Oo tama ka po jan sis.. lahat ng pagsubok malalagpasan din natin.

$ 0.00
3 years ago

Amen sis...think positive lang po..

$ 0.00
3 years ago

Baka anong pinagsasabi ng mother-in-law mo Sissy, di naman kasi madaling makalimot ang mga bata e.

$ 0.00
3 years ago

Siguro sissy kasi mataray talaga ang mother in law ko..Super pakisama lang ako pero minsan di pa din appreciate..may mga ganun lang talaga siguro..hehe

$ 0.00
3 years ago

Grabe naman yong nangyari sayo sis..Kahit wala pa akong anak na feel ko yong pangungulila mo sa iyong anak...

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sis..super talaga sis ang sakit..Ganon pala ang feeling na hindi ka na kilala ng anak mo..

$ 0.00
3 years ago

Mabuti nlang sis at gumaling ka..ako din pag nawawalay ako sa anak ko kahit saglit lang, namimiss ko na agad.

$ 0.00
3 years ago

Mabuti nalang nga sis..ang hirap din pero gusto ko kasi noon gumaling kasi gusto ko pa makita anak ko..kaya lang mas masakit yong hindi ako nakilala ng anak ko..

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng mga bulaklak mo sis๐Ÿ˜ako din before nagka dengue ,muntik na ngang masalinan ng dugo

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis...mahilig din kasi ako sa mga halaman...Mabuti nalang sis at hindi ka po nasalinan..Napakahirap mag ka dengue buwis buhay talaga..

$ 0.00
3 years ago

Ramdam kita sis kase dati noong iniwan ko ang anak ko sa aking in law ayaw din sumama sa akin natalikod Ang sakit pero after a day ok na .

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis..nakakadurog ng puso kapag feeling natin ay ayaw na nag anak natin sa atin..

$ 0.00
3 years ago

Maliit pa kasi siya sis kaya hindi ka niya agad na recognized.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis..siguro nasanay lang ako na napakasweet niya sa akin tapos hindi niya lang ako nakita ng 2weeks nakalimutan niya na ako...Yong sakit ko nalabanan ko pero pagdating sa anak ko super nanghina ako...Thank you so much pala sis sa pag sponsor sa akin.godbless po๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

$ 0.00
3 years ago

Masakit talaga sa isang ina na lumalayo sa atin ang anak natin, dama ko ang sakit kahit hindi pa ako naging nanay. Nakakatakotbpala ma dengue sissy ,never ko pa yan naranasan mula pgkabata hanggang ngaun na nsa 36 na ako

$ 0.00
3 years ago

Oo talaga sissy..Buwis buhay ang mararamdaman mo pero mas masakit sa akin yong hindi ako makilala ng anak ko..

$ 0.00
3 years ago

Natutuwa din ako at nakilala kita, sis :)

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat po sis:)

$ 0.00
3 years ago