Naranasan niyo na po ba yong kayo yong nakakabatang kapatid pero feeling niyo kayo yong panganay??
Bale tatlo nalang kaming magkapatid na naiwan at ako yong pinakabata sa kanila..Pero sa oras ng kagipitan ako po talaga yong laging nilalapitan...Alam kasi siguro nila na hindi ko sila matanggihan.....
July 2020
Nasagaan ang kuya ko ng hindi inaasahan...Mabuti nalang at hindi siya namatay at yon nalang ang ipinagpasalamat namin...Habang pauwi siya ng bahay nila galing sa trabaho....Mahilig talaga siya maglakad pag-uwi para tipid daw sa pamasahe...Apat kasi ang anak niya at buntis pa ang asawa.....Hindi niya na pansin na may mabilis na truck na dadaan at patawid na siya noon....Nasagasaan yong paa niya..Dahil sa gabi na noon ay walang nakakita at tinakasan siya ng driver ng truck...Mabilis itong tumakbo palayo at hindi man lang nakuha yong plate number ng kuya...
May nakakita sa kuya ko na duguan at agad itong tinulungan....Mabuti nalang at kilala siya ng mga tumulong sa kanya at agad akong pinuntahan sa bahay para ipaalam ang nangyari...9Pm na noon ng gabi at halos nataranta na din ako kasi oras na yon ng pahinga ko....Isinugod naman siya sa pribadong hospital dito malapit sa amin..Dahil sa pandemic na nga at mahirap na ang sitwasyon ay hindi ito tinanggap sa lugar namin kaya kinailangan namin dalhin sa isang private hospital dahil kailangan daw operahan.....Litong lito ako kung saan kukuha ng mga pang bayad sa hospital...Pero dahil sa tulong ng aking mga kaibigan ay nakaraos din kami...After 1week na mailabas ng kuya ko sa hospital ay kinailangan pa nitong alagaan sa bahay nila dahil hindi pa ito makalakad....Nakita ko sa mukha ng kuya ko ang sobrang sakit dahil sa sugat ng paa niya...
Mabuti na lang din at may kaibigan ang kuya ko na magaling din gumamot ng sugat....kasi ako mahina talaga ako kapag sugat na yong pinag-uusapan....eh sobrang laki pa naman ng sugat niya kaya feeling ko nanghihina buong katawan ko kapag nakikita ko ito....Pinag tulong tulungan namin yong panggagamot sa kuya ko.....
Makalipas ang ilang buwan ng pabalik balik namin ng hospital ay hindi pa din magaling ang kuya ko...Sobrang naawa ako sa kanya dahil kahit pag trabaho niya ay natigil na din...Araw-araw ay binibisita ko siya lagi at dinadalhan ng kanyang mga pangangailangan.....
Thank you sou much sa aking mababait na sponsors.....
Message....
Dapat ay kailangan natin maging maingat.....Pero minsan hindi talaga maiiwasan ang isang aksidente......Kaya lang hindi na maibabalik ng kuya ko ang nangyari..At habang buhay niya ng dadalhin yon...dahil hindi na siya makalakad ng tulad ng dati......
Maraming salamat po sa aking mababait na readers,upvoters,sponsors and commentors....godbless you all..
Published
october 24,2021
Kawawa naman po yung kuya niyo. May mga reckless driver kasi na pakalat kalat, kung makadisgrasya ng ibang two, pabayaan nalang. Yung ang mga walang konsensya.