Tumawag ako kaninang umaga sa aking bestfriend..Ganon kasi kami kapag may sasabihin,kung meron naman na pang call doon nalang ako sa call kisa txt para hindi ngalay sa kamay..hehehe..Ayon na nga sa pag-uusap namin ay nabanggit ko nga sa kanya yong schedule ng aking bakuna......Medyo nag worry siya kasi kakagagaling niya din lang sa labasan para bumili ng almusal...Habang naghihintay ng tindera ay may nakasabayan din siyang bibili at dahil kilala niya ito ay nag-usap daw sila....At nabanggit din nila yong bakuna...
Habang nag-uusap sila about sa bakuna ay nabanggit ng kausap ng bestfriend ko na takot daw siyang magpa bakuna dahil nga merong bukol sa breast..Umaataki daw ito lalo na kapag stress...Para daw tinutusok yong kanyang dibdib....Pina tingnan na nga din sa doc at ang payo din daw ay operasyon....Pero dahil takot din daw ito magpa opera ay umiinom nalang ito ng mga herbal......Isa din sa kinatatakutan niya ay ang magpa bakuna dahil sa kanyang karamdaman......May nakapag sabi din daw kasi dito na baka yon pa daw ang ikamatay niya dahil hindi biro ang kanyang sakit...
Naikwento ko po ito sa inyo dahil pareho po kami ng sakit sa dibdib.......Nong ikwento po ito sa akin ng aking bestfriend ay medyo nag worry din po ako sa aking kalusugan...Lalo na po ngayon na malapit na araw para sa aking bakuna....
Sa isip ko ay ayaw ko pa sana magpa bakuna dahil nga sa aking nararamdaman subalit ang hindi daw magpabakuna ngayong darating na November 9,2021..ay may pipirmahan at ang nilalaman nito ay ayaw daw namin magpabakuna at ipapasa sa aming Mayor...
By the way thank you so much po sa aking mababait na sponsors na patuloy pong naniniwala at sumusuporta sa akin...
Question ko po???
Sa mga nakabasa po nito at may experience na po sa covid vaccine,,kumusta po yong kalusugan niyo?Tama po ba kaya na itutuloy ko ang pagpapabakuna sa kabila ng aking karamdaman?
Salamat sa oras at sa mga nakapansin ng aking artikulo...Godbless po..
Published
November 04,2021
❤️Buhayexperience
Hi sissy. 😊Opinion ko lng din mas maigi talaga kung magpa check ka muna, lalo nat sa panahon ngayon, para malaman kung pwede ba o hindi. Tulad ko, I have a doubt rin about sa bakuna kaya di ako matuloy-tuloy magpa vaccine.