Daughter
Ang mama ko talaga ay napakahirap patawanin..Super seryuso niya kasing tao..At kapag binibiro mo yan sasabihin pa sayo na hindi mo daw siya nererespeto...hahaha..
Naalala ko,one time binibiro siya ng kumpare ko...Kinukumusta daw siya tapos tinatanong siya kung saan na siya nakatira...Sinabi niya yong pangalan ko tapos biniro siya ng kumpare ko na hindi daw ako kilala..Super seryuso ng mama ko kaya ikwenento niya ako pati yong itsura ko doon sa kumpare ko..Narinig ng kumare ko at sinabing binibiro lang siya ng asawa nito.....Umuwi ang mama ko na galit na galit sa kumpare ko.hahah.Pinagkukwento sa akin na porket matanda na daw siya ay ginaganon nalang siya..Sabi ko naman sa mama ko na hindi ka pa nasanay sa kumpare kong yon eh hindi talaga yon matinong kausap...Sabagay may point naman ang mama ko...Gusto niya kasi yong lagi siyang nererespeto ko kasi mas matanda daw siya...Kaya never akong sumasagot sa mama ko kahit alam kong may point naman ako..Pero yong ibang kapatid ko ay sumasagot talaga kaya ako yong feeling ko na paborito niyang anak kahit ang papa ko ganun din sa akin..Pero pagdating sa kaibigan ay joker talaga ako..Minsan nga clown ang tawag nila sa akin...hahaha....
40Days of my fathers death
Ramdam ko yong pagkamis ng mama ko sa papa ko...Mahilig din kasi ang papa ko na uminom...Nong 40days ng papa ko ay madaming nag iinuman...Nakita ko sa mata ng mama ko ang pangungulila ng mawala ang papa ko..Sabi niya sa akin ang lungkot daw kasi kung andito daw yong papa ko sigurado daw lasing daw yon na habang sinasabi niya ay maluha-luha siya....Sa totoo lang hindi ako umiinom ng alak ang pait kaya ng lasa.haha.....Pero dahil gusto ko mawala ang luha sa mga mata ng mama ko ay biniro ko ito...
Me and my mother
Me:Gusto mo ma ako muna si papa inuman tayo?
My mother:Tumigil ka nga dyan hindi ka naman umiinom tsaka mas lalo na ako..
Me:For you and my father iinum ako..Ayos lang yan 40days naman ngayon ni papa...
Lumapit ako sa nag-iinuman kinuha ko yong isang kwatro ng alak at kumuha ako ng baso tapos umupo ako sa tabi ng mama ko...Nag-inom kaming dalawa...First time ko makita ang mama ko na tawang-tawa sa akin..hahahah...
Simpleng tawa lang ng mama ko at mapagaan ko lang ang loob niya..malaking bagay na po yon sa akin....
Kaya po mga ka readers?Kilan ang huling bonding niyo ng mama niyo?
I hope na habang buhay pa sila ay may time kayo para alagaan sila at bigyan kahit kunting oras...Minsan hindi naman talaga maiiwasan na magkaroon ng tampo tayo sa ating mga magulang pero hindi ko sinabing lahat pwedeng iilan lang...Pero bakit hindi natin subukan na pag-usapan ang bawat tampo na yon para tayo ay malinawan...Hindi pa huli ang lahat hanggang andyan po sila...Isipin natin na ang lahat ng ginagawa ng magulang ay para naman sa ating kapakanan...Mahalin natin sila at pasayahin habang may panahon pa...
Once again,,thank you so much sa aking generous sponsors..
Ending
Published
October 15,2021
Friday
2.50pm
Philippines
Source image:From my phone
Tama, ganun din ako,, isang smile lang Ng mama ko, parang ok nah ang buong araw ko,, ayaw ko kasing makita silang malungkot,, gusto ko happy 2x lang,, ahehe.