Bakit kaya ganito ang aking panaginip

16 36
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Naranasan niyo na ba mga ka readers na kapag kakaibang panaginip at feeling niyo sa isang panaginip na yon ay parang nagpapahiwatig ng isang babala at makalipas lang ang isang araw o hindi pa 1week ay nangyayari lahat ng napanaginipan mo?Sa akin po ay kadalasan na nangyayari kaya ayaw na ayaw ko ng managinip na parang nag hahatid sa akin ng babala...Kasi ilang beses ko ng napatunayan...Simula sa dalawang kapatid ko na namatay..by the way hindi ko pa na kukwento sa inyo yong isa kong kapatid.....Sa aking papa bago namatay,,Sa mga kapinsanan ko...ewan ko ba kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.........Ngayon naman pagising ko ay meron naman akong kakaibang panaginip at mukhang nagbabala sa akin...Biglang pumasok sa akin ang mama ko na may sakit..."Diyos ko" huwag naman sana at ngayon palang gusto ko ng putulin ang aking paniniwala na hindi nagkakatotoo ang aking mga panaginip...Mas malakas pa din ang paniniwala ko sa itaas kaya hindi mangyayari ang panaginip ko ngayon......

Kahit yong nangyaring super typhoon rolly before nagsimula yong bagyo ay nakita ko sa aking panaginip na nagbabala ito na super lakas daw.......ikwento ko sa inyo...

2days before dumating ang bagyong rolly ay talagang maganda pa ang panahon dito sa amin...Habang nagwawalis ako sa likuran ng bahay namin ay may nakita akong isang bata na siguro yong edad niya nasa 8 or 9yrs old..Nakatalikod at nakikita ko yong isang kamay na may hawak na isang kahoy habang nagkakalkal ng lupa...Sure akong lalaki siya dahil sa suot niyang damit at sa ulo na talaga namang lalaki...Ang sumagi sa isip ay yong pamangkin ko lang kaya hindi ko ito pinansin dahil gusto ko ng matapos yong winawalis ko....Tinalikuran ko yong bata at nagulat ako dahil nakita ko yong pamangkin sa may harapan ng bahay namin..biglang tingin ulit ako sa likuran ko at wala na yong bata....Nagtaka ako kung anong ibig sabihin noon?Actually yong mga nakikita ko ay natural na talaga yon sa akin kaya ang iniisip ko nalang noon ay kung ano ang ibig sabihin ng ipinapakita niya sa akin at bakit siya nagkakalkal ng lupa...Alam ko talaga noon may papalapit na bagyo sa lugar namin....Kinagabihan din ng araw na yon ay nanaginip ako..Napakalaking baha,tapos yong mangga namin sa likuran ay nakikita ko na yong mga ugat na napuputol....Tapos napakalakas ng hangin at nililipad yong mga yero....Nagising ako noon...Naisip ko bakit kahit sa panaginip ko ay may babala ulit..

Kinabukasan bago dumating ang bagyong si rolly ay dinig na dinig ko na sa aming mga kapitbahay na medyo malayo din sa bahay namin ang mga pag-aayos ng bahay...May mga naririnig akong nag-aayos ng mga bubungan...Naisip ko siguro malakas nga talaga yong bagyong paparating..Nasa work pa noon ang partner ko..Ang papa ko naman ay busy pa din sa pagtatanim...Dahil ako lang ang natira ay umakyat din ako ng bubungan para ayusin bahay namin..may dala-dala akong gamit like pang gakot para talian yong bubong namin kasi gawa lang sa kahoy at anahaw...Tapos busy na din akong ayusin yong mga bintana linagyan ko ng harang para hindi pasukin ng hangin at ulan.....Yong mama ko super nag wowory na dahil sa malakas na ulan...

Kinahapunan ay pumunta na nga kami lahat sa evacuation at naiwan si papa ko na susunod nalang daw ...At siguro ay nabasa niyo na yong article ko na karanasang hinding hindi ko makakalimutan..Doon ko naikuwento yong nangyari...pero sa papa ko ata yon naka focus at hindi ko nabanggit na yong bahay namin ay kalahati nalang yong natira at yong ibang bahagi ay kinain na ng ilog....Feeling ko nagkatotoo nga yong panaginip ko.....

Kaya ngayon ay nag wowory ulit ako sa aking panaginip..Ako kasi yong tao na bihira lang managinip...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

By the way thank you so much lagi sa aking mababait na sponsors..godbless you all..

Kung anuman ang panaginip ko ngayon sana panaginip nalang siya...

Maraming salamat po sa inyong lahat lalo na sa aking mga readers and commentors...

Published

october 22,2021

Friday

7:02am

philippines

@Buhayexperience

8
$ 0.08
$ 0.05 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @Sweetiepie
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Comments

Sabi ng iba kpag nanaginip ka mg pangit kabaligtaran dw yun.. Naranasan ko na ring managinip na parang Ng babadya..

Gaya nung bata pa ako napanaginipan ko si papa nasa manila sya nung time na yun at two yrs syang hindi nka uwi hindi pa uso ang facebook at messenger nung time na yun.

Nanaginip ako na nkauwi na sya at nag iinuman kasama ang mga kaibigan nya at malusog na malusog sya sa panaginip ko. Pero kabaligtaran ang nangyari Kasi nung umuwi sya butotbalat nalang sya,nagkasakit kasi sya nung nasa maniyla sya at wala kaming kaalam alam dahil Hindi parin masyadong uso ang cellphone Ng time na yun sulat lang yung tanging paraan para makapagcommunicate sya sa amin pero dahil ngkasakit sya Hindi na sya nkapagsulat sa amin.

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po kabaliktaran yong mga panaginip lahat ng pangit na panaginip..Ewan ko po kasi sa akin yong mga panaginip ko minsan nangyayari din..

$ 0.00
3 years ago

I always dream about water tas meaning daw nyan may problema na dadating sayo, depende kung malinaw ba o hindi yung tubig. I think, I'm starting to believe this dream conspiracy dahil may problema talagang dumarating sakin. Tsaka yung kapag nanaginip ka raw na nawawalan ka ng ngipin, sign daw yon na may mamamatay na kakilala mo (and i think it's true somehow, as well)

$ 0.00
3 years ago

Yes kahit ako po ay naniniwala na din dyan..kasi nangyari na din po sa akin..

$ 0.00
3 years ago

Minsan may ganyan din akong mga oanaginip sis minsan madami mga tao kumakain masama daw tlga yun kasi sabi kpag nkapanaginip ng ganun ay may mangyayari.. lalo na ung about sa ngipin or patay.. nakajatakot kya gingwa mo pag gsing ko knenwento ko sa kahoy or tubig bago ikwnto sa tao..

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis ngayon pagising ko tulala na naman ako..Ang haba kasi ng panaginip ko about sa mama ko...hindi ko nga namalayan na malakas pala yong ulan kagabi.heheh

$ 0.00
3 years ago

Ganun ba sis.. siguro ipag pa sa diyos mo nlang sis siya naman nkakaalam ng lahat.. magdasal ka po para sa mama mo...

$ 0.00
3 years ago

Oo sis maraming salamat po...sana nga po talaga hindi na mangyari.

$ 0.00
3 years ago

God is good sissy, think positive lang at pray lagi, wag kang mag isip ng mga negative and always pray

$ 0.00
3 years ago

Salamat sissy...kaya lang ngayon about ulit sa mama ko yong panaginip..hays

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot naman sis..😲 kailan lang ba yung bagyong rolly? Minsan nakakatakot talaga managinip kasi minsan nagkatotoo...

$ 0.00
3 years ago

Nong nov sis..Mag iisang taon na ngayon..

$ 0.00
3 years ago

Minsan din akong managinip ng mga masasama. Tulad nakang ng mamatay ako, mga ganun, tapos sinishare ko din sa iba tapos sabi namn nila normal lang, kabaliktaran lang daw ang panaginip

$ 0.00
3 years ago

Kapag ganyan yong panaginip mo po ibig sabihin hahaba yong buhay mo.heheh.sa akin po kasi yong panaginip minsan talaga nangyayari..

$ 0.00
3 years ago

May kasabihan kabaliktaran daw yan sah totoong buhay,, kaya manalig kalang, at magdasal sah kanya,,

$ 0.00
3 years ago

Sabi nga din po nila sana nalang po talaga sis..

$ 0.00
3 years ago