Nong bata po ba kayo,ano ba yong hilig niyong paglaruan?especially for girls?
Sa mga kabataan ngayon,,kadalasan na nakikita ko bukod sa mga gadgets,,meron pa naman akong nakikita na naglalaro ng mga dolls....Pero ako nong bata ako never ko yon na experience...Mahirap lang kasi kami at hindi pa non afford ng mga magulang ko yong mga ganyang toys..Sasabihin nila sa akin na sayang ng pera....Pagkain nalang daw yong ibili para mabusog ako.heheh...
Kahapon bago ako umalis ng bahay..sabi sa akin ng anak ko na ibili ko daw siya ng barbie kasi para may kalaro daw siya....Naiintindihan ko naman kasi nag-iisang anak ko lang siya at walang kalaro na mga kapatid....Kaya sabi ko,,ok sige basta lagi siyang mag-aral ng mabuti at palaging good girl.heheh..Tsaka naisip ko din na ayaw ko ng maranasan ng anak ko ngayon yong naranasan ko noon....
Kaya dumaan kami ng bestfriend ko sa isang store kung saan madaming laruan na pagpipilian...Bukod sa magaganda na eh mura pa.....Yong napili kong bilhin ay yong may mommy at baby na...Pag-uwi ko sa bahay yon agad na pasalubong ko yong hinahanap sa akin ng anak ko......Nong ilabas ko ito...Nako sobrang tuwang-tuwa sa akin yong anak ko....Sa sobrang tuwa niya ay hinalikan niya ako sa pingi at sinabing thank you mama....Maya-maya pumunta siya ng kwarto....Akala ko kung anong ginagawa niya.....Sa una nagalit ako nong makita ko kung bakit niya pinutol yong kanyang pajama...6yrs old na kasi siya at marunong na din gumamit ng gunting......Tinanong ko siya kung bakit niya pinutol yong kanyang pajama...Ang sagot niya gusto niya daw itong gawing shorts at nagpa ikot-ikot pa sa akin at sinabing ang sexy niya.hahahahh.Naku natawa nalang ako...
Tapos yong tela na pinutol niya,,ang akala ko ay itatapon niya..hindi pala may gagawin daw siya..Ito na nga ang una niyang ginawa..hinubaran niya yong kanyang barbie at yong tela galing sa pajama niya ay ginawan niya ng palda yong barbie😅😅
Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napapansin na may talent din pala ang anak ko na ngayon ko lang nalaman...hehehe...Ang sunod na ginawa niya ay gumuhit siya ng dress doon sa tela tapos saka niya ito gugupitin....Nakaka proud bilang isang nanay dahil kahit nga ako hindi ako nag ka idea na gawin yon...hahaha
Hinahayaan ko lang siya....mas mabuti na yan kisa kulitin na naman ako ng cellphone..hahaha
Thank you so much po sa aking mababait na sponsors na always naga support po sa akin...
Nang matapos na niya yong mga design na gusto niya...Ito na nga super busy na siya sa pagsusuot sa kanyang mga dolls..😅😅
Kahit medyo nahihirapan siyang isuot,sige lang ayaw magpatulong sa akin.hahah
Final thoughts
Kapag alam natin na para naman sa ikakabuti ng ating anak...suportahan nalang natin ito....mabuti nalang at binigay ko yong hiling niya na dolls....kasi dahil sa dolls ay narealize ko na may kakayahan pa pala ang anak ko na hindi ko alam..heheh
Sa aking mga readers,sponsors,upvoters and commentors..maraming salamat po.....pasensya na at naging busy ako nong mga nakaraang araw....
Published
October 28,2021
Original photos
❤️Buhayexperience
Hilig ko din magtahi ng damit ng barbie nong bata ako, kaso ngayong malaki na ko, sobrang tamad na kong tahiin punit na damit ko. Hehe