Aswang true story

26 46
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Aswang

Kahapon pa ako walang maitopic sa read.cash kaya nagbasa and comments lang muna ako ng mga articles hanggang sa madaanan ko yong article ni sis @Ling01 about sa aswang.....So nagkaroon po ako ng idea..heheh

Aswang

Sino po ba ang naniniwala sa inyo na hindi lang sa tv,sa kwento or kathang-isip ang aswang?Na ito ay totoo at hindi kwento-kwento..Then masasabi ko po na isa ako sa naniniwala dito...Hindi naman ako basta-basta naniniwala kapag kwento lang kaya naiintindahan ko po yong mga hindi naninwala sa inyo..but ako talagang kita-kita ng dalawang mata ko...

Bahay namin sa bundok

Maysakit noon ang mama ko at laging inuubo..yon ang dahilan kung bakit napilitan ang mama ko na umuwi galing maynila dahil nagkasakit siya....Alam ko na ang mga nangyayari noon dahil 8yrs old na ako...Ang bahay namin ay isang bahay kubo lamang at gawa lang sa anahaw,kahoy at bamboo...Ang pinto namin ay gawa lang sa bamboo at kitang-kita ang labas..Malayo sa aming mga kapitbahay...

Sa tuwing 6pm in the evening ay magsisimula ng humuni ang mga ibon at mga kuliglig..Ang pinagtataka ko noon ay bakit ang ingay ng mga ibon samantalang gabi na...Pero naririnig ko na nag-uusap ang mama at papa ko at sinasabi nila na andyan na naman at mukhang natatakot ang mga magulang ko...Narinig ko inuutusan ng papa ko ang kapatid ko na sigaan yong mga plastic at guma para daw umalis..Sunod naman ang kuya ko sa utos ng papa ko pero takot na takot din ito...

Kitang-kita ko sa labas ng bahay namin yong makakapal na usok at amo'y na amoy ko yong mabahong usok dahil sa plastic at guma...Biglang tumakbo ang kuya ko papasok sa loob ng bahay...

Conversation nila

Kuya:Pa andyan na yong aswang...

Papa ko:Kunin mo sa kusina yong itak at sarahan mo yong pinto..

Kuya:Opo

Dali-daling kinuha ng kuya ko yong itak at ibinigay sa papa ko habang ako naman ay natatakot na din at pumasok ako sa kumot...

Maya-maya ay may narinig kami mula sa malayo isang huni ng ibon na parang hindi kasi ang lakas niya....Parang huni ng owl na may pagka uwak.....Kwaaaaak.....Kwaaaaaak...Kwaaaaak..Kahit bata palang ako ay naramdaman ko talaga yong takot....Wala kaming imik sa loob ng bahay at nagpapakiramdaman lang...Hanggang sa tumigil yong tunog na yon at biglang humuni ulit yong mga ibon at may pumasok sa bahay namin na isang malakas na hangin at pagkatapos noon ay may bumagsak sa bubungan namin na parang isang tao na nahulog galing sa napakataas...Nayanig yong bahay namin at muntik ng masira yong bubungan namin...Ang ginawa ng papa ko ay kumuha ng asin at bawang....Pinagbubodbod nya ito sa paligid namin sa loob ng bahay at pati na din sa mga damit namin...Pakatapos non ay sumigaw yong papa ko"Minura niya yong aswang at ipinakita ng papa ko na galit na galit siya at subukan daw na lumapit yong aswang sa amin at papatayin daw niya.....Narinig namin na parang lumipad ito pataas at biglang nawala......Nakahinga ng maluwag ang papa ko pero hanggang umaga ay hindi ito natulog sa kakabantay sa amin....

Dahil sa nangyari ay naging sikat ang pamilya namin doon sa aming lugar..Yon ang naging usap-usapan..Akala namin hindi na mauulit-ulit yon..Pero nagkamali kami...Sa pangalawang gabi,pangatlo,pang-apat,panglima....Ganon din ang proseso na ginagawa ng papa ko....Dahil sa wala ng tulog ang papa ko ay may isa siyang kaibigan na mayabang at matapang daw siya....Naalala ko pa nga yong name ng kaibigan ng papa ko...Luis ang pangalan non..Nag volunter na siya daw magbabantay sa pang-anim na gabi at kahit daw matulog na daw ang papa ko...Sa isip ko ang yabang naman nito..Tingnan ko nalang kung ano ang gagawin nito kapag dumating na yong aswang...

Pang-anim na gabi ay don nga natulog yong kaibigan ng papa ko..May dala-dala itong isang napakahabang espada...Kitang-kita ko yong talim nito....6pm ng gabi ay kumuha ito ng mahabang upuan at ilinabas sa bahay namin...May malaking puno ng langka sa bakuran namin at doon nilagay yong upuan at doon ito nahiga..Maya-maya ay humuni na yong mga ibon,humangin yong paligid...Tumayo si Luis....Lumapit sa amin....Tinanong ang papa ko...Yan bang yong mga sinasabi niyo eh ibon lang ang mga yan...tapos tawang-tawa pa ito...Sabi ng papa ko hindi yan maya-maya ay hintayin mo...

Kwaaaaaak....kwaaaaaaaaak..kwaaaaaaaak...Agad na narinig namin mula sa malayo....Nag time na yon ay nakapagsiga na si Luis sa labas ng bahay namin....Gumawa siya ng apoy para maliwanag ang paligid...At kitang-kita ko isang napakalaking anino ang lumipad papunta sa bubungan namin..Parang napakalaking paniki na tao....Natakot si luis at tumakbo papunta sa loob ng bahay...Takot na na takot ito at sabi sa papa ko na aswang nga....Yong mayabang na mukha ni Luis ay napalitan ng takot na takot na mukha...Pero nagpakatatag sila ng papa ko at dahang-dahang lumabas habang sumisigaw sila at papatayin daw yong aswang....Paglabas nila ay sinabuyan ng asin sa bubungan ng bahay at rinig ko ang paglipad nito pataas...Hindi ko alam kong natamaan ng asin o natakot na din sa papa at ki Luis....

Kinagabihan ulit ay doon naman natulog sa bahay namin si Luis pero walang aswang na dumating....Siguro nagpahinga din...

Dahil sa nangyari ay nakapag decide ang papa ko na lumipat na ng tirahan at don sa lupa sa side ng lola ko..Magkakatabi yong kapitbahay at doon ko itinuloy ang aking pag-aaral...

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Maraming salamat sa aking mababait na sponsors

Base sa nangyari sa amin sa bundok ay kaya daw nagalit yong aswang at hindi kami tinigilan kasi galit na galit daw yan kapag sumisiga ng plastic at guma....Akala kasi namin noon ay ito yong makapagpapaalis sa kanya pero mali kami mas lalo tuloy nagalit sa amin.....

Sa aking mga readers thank you so much..At sa ating mabait na si Random Rewarder kahit hindi mo na ako binibisita..Thank you pa din po..

Published

October 19,2021

Lead Image:from my gallery

@Buhayexperience

12
$ 0.44
$ 0.10 from @Ling01
$ 0.10 from @ibelieveistorya
$ 0.05 from @Bloghound
+ 6
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Aswang

Comments

Naniniwala ako na may aswang pero hindi pa ako naka kita hihi pero nung buntis ako yung mama ko lage niyang nilalagay sa tabi ko yung bronze na kutsilyu dahil takot daw yung aswang sa bronse.

$ 0.00
3 years ago

Karamihan po kasi niyan sis sa mga probinsya tapos yong buntis,mga may sakit ay lapitin ng aswang f meron sa lugar ninyo ng aswang.heheh

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot talaga ang aswang na try ko din iyan noong buntis ako

$ 0.00
3 years ago

Hilig talaga ng mga aswang yong buntis sis kasi ang bango ng pang amoy nila sa mga buntis..Kaya nong nabuntis din ako dami kong pangutra...heheh

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis ehh, as in halos butasin na ang bobong

$ 0.00
3 years ago

Anong ginawa niyo sis para umalis?Ako nong buntis sa labas ng bahay may nakapalibot na payaw yong tawag sa amin...tsaka yong walis tingting nakabaliktad yan sa may pintuan tapos sa bintana madaming bawang at asin.hahaha

$ 0.00
3 years ago

Gantan din ang nilalagay namin sis, at saka sanga ng buongon at kiwis2 na kawayan

$ 0.00
3 years ago

may mga ganyan ding story dito samin kaya lang wala pa kaming nakikita kahit isa

$ 0.00
3 years ago

Mabuti na po sis na hindi mo ma experience kasi nakakatakot..feeling mo buwis buhay.heheh

$ 0.00
3 years ago

huwag naman sana kasi hindi ko alam kung saan ako tatakbo at magtatago. if you have time visit my article also

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng kwento mong ito sis lara akong nagbabasa ng horror story hahha horror nga naman tlga.. natawa ako don sa luis ang tapang pero nong anjan n aswang takot din nman pala hehe..

Ang pagkakaalam ko din noon klag nag siga ka ng guma para dw lumayo aswang yun pala papalapit un.kasi nong may sakit lolo ko ganun gngwa nila mama pero nalapitan parin siya ng aswang kasi meron siyang malaking sugat sa likod gawa dw ng aswang un...

$ 0.00
3 years ago

Akala ko nga din sis noon yon ang paniniwala namin...pero dahil sa dinadami ng nangyari at hindi lang isang beses naka experience kami ng ganon kahit nong dalaga na ako nakakita pa din ako then may isang ale na nagsabi sa akin na mas nagagalit nga daw yong aswang kapag sumisiga ng plastic at guma...

$ 0.00
3 years ago

Naisip ko nga Sis, bakit binabalik-balikan bahay nyo e wala naman buntis. Pero mabuti nalang at safe kayo, baka ka lugar nyo lang din yun.

$ 0.00
3 years ago

may sakit kasi noon ang mama ko pero ang alam ko buntis lang yong kadalasan na pinupuntahan ng aswang...Siguro sis taga doon lang yon sa amin..

$ 0.00
3 years ago

Diko pa naexperience ang mga ganyan sissy pero alam ko may aswang nga daw

$ 0.00
3 years ago

Mas mabuti na sissy na hindi ka pa naka experience ng ganyan kasi nakakatakot.heheh

$ 0.00
3 years ago

Grabe nakakatakot naman yan sis. Naniniwala ako sa aswang. Noon Hindi talaga pero nung one time nagbakasyon kami sa lugar ng papa ko doon na ako naniwala. Narinig ko talaga huni nila at paano sila aano sa bubong. Sobrang nakakatakot....😰😰😰

$ 0.00
3 years ago

Talaga sis.?ganyan talaga kapag nasa probinsya daw...Lalo na kapag nakatira lang sa mga liblib na lugar..

$ 0.00
3 years ago

Kaya pala .siya nagalit dahil sa PAg siga ng plastic

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po hindi naman siguro alam ng papa ko noon.

$ 0.00
3 years ago

Madami talagang gnyan sis lalo na sa probinsya.

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sis...maliban sa kwento nangyayari din talaga..

$ 0.00
3 years ago

Nabasa ko nga din yong kwento ni sis @Ling01 kanina...At dahil mahilig ako sa mga horror story ay binasa ko yong kwento mo at naisip ko na hindi lang pa sa kwento-kwento ito..Talagang nangyari sa family mo sis...Mabuti nalang at walang nasaktan sa inyo..

$ 0.00
3 years ago

Mabuti nalang nga po at walang masamang nangyaring masama sa amin...

$ 0.00
3 years ago

Gusto ko makakita ng isa man lang sa kanila, sis.

$ 0.00
3 years ago

Sure ka po sis?heheh..sa probinsya ka lang niyan sis makaka experience..

$ 0.00
3 years ago