Mahal kita pero...
08|04|2021✨ Magandang araw sa lahat! Kumusta kayo? Labis akong nagagayak na makisali sa pagsulat ng artikulo gamit ang wikang Filipino. Marami rami na din akong nabasang mga salaysay at kwento sa araw na ito kaya aking napagpasyahan na magsulat at magbahagi din. Pasensya na kung minsan ang mga salita ko ay mahirap ng unawain. Ako nawa'y patawarin.Kung kayo ay nahihirapan, gayun din ako. Haha At kung inyong mamarapatin, nais ko sanang gumawa ng isang maikling liham sa araw na ito.Ang liham na ito ay iaalay ko sa taong lupa bigla nalang dumating sa aking buhay ng di inaasahan. Dati, pinagdadasal ko na sana dumating yung panahon na may magmamahal sa akin. Yung tipong tao na totoo magmahal. Yung tanggap ang buong ako. Naalala ko rin dati nagtatala ako ng mga gusto ko sa isang lalaki, gusto ko... ***yung mahal ako, yung ako lang*** *At aba'y sinong aning-aning ang papayag na yung mahal niya ay may mahal ding iba, diba? Dapat ako lang, hanggang sa hauling hininga.* ***yung di naglilihim*** Gusto ko yung taong tapat, ayaw ko nang naglilihim sapagkat alam ko na nagsisimula sa konting pagsisinungaling ang away at gulo. ***yung sasabayan yung ka abnormalan ko*** Hindi kasi ako normal, napakahirap hulihin ang aking isip at kilos. Yung okay ako ngayon tapos mga ilang segundo, ako'y biglang mag-iibang anyo't ugali na naman. ***yung may respeto at takot sa Diyos at sa akin haha*** Nahuhulog talaga ang aking puso sa klase na taong may respeto at takot sa itaas. Gusto ko din na kinakatakutan ako,haha ewan ko ba. ***yung dadamayan ako sa lahat*** Yung sasamahan ako sa alon ng buhay, yung hahawakan ang aking mga kamay at sasabihan ng **"sinta, kaya natin to, malalampasan natin to".** Yung taong di ka iiwan sa hinagpis man yan o kaligayahan. ***yung malinis sa katawan*** Gusto ko yung araw-araw naliligo palagi at mabango. Yung alam din mag-ayos ng kalat at hindi puro porma lang ang laman ng ulo. ***yung matangkad*** Matangkad akong babae kaya ninanais kong makatagpo ng matangkad na lalaki. ***yung mapamuri hindi mapamura*** Nasisiyahan ako pag ako'y pinupuri , yung alam ko sa sarili ko na hindi ako kagandahan pero ipaparamdam sa akin na ako ang nag-iisang diwata sa kanyang mga mata. Ayaw ko ng taong nagmumura. Basta ayaw ko. Bakit ba? Haha Madami ba? Haha pasensya na. At eto na nga, **taong dalawang libo at labing siyam,** may biglang nakigulo sa magulo kong mundo. ***Sinta***, sinamahan mo ako at ngayon ay di na ako nag-iisa. Labis ang tuwa ng aking puso at ikaw ay aking nakilala. Diko lubos akalain na may isang taong magpapasaya akin ng sobra. **Alam mo, sayang ka. Sayang tayo**.
Kung tutuusin, pwede tayong gumanap na aktor sa kanta ni Moira na *"Pinagtagpo pero di itinahadna".* Ikaw yung tipo ng lalaki na pinagdadasal ko noon sa Poong Maykapal na nawa'y ibigay sa akin. Dahil sa pandemya, napalapit tayo sa isa't isa. Saksi lahat ng ating butihing mga kaibigan kung gaano mo ako alagaan at pahalagahan. Lahat ng ikakasaya ng aking puso ay iyong ginawa. Isang araw, nagtapat ka ng iyong pag-ibig. At alam kong batid mo na hanggang pagkakaibigan lang ang aking kayang ialay sa iyo. At sobrang saya ko kasi ako'y iyong naintindihan. Pero di maikukubli sa iyong mga mata ang pighati sa kaloob-looban. Kita kita sa mata. At alam kong ika'y aking nadurog sa oras na iyon. Wag mo sanang mamasamain ang aking pag hindi. ***Mahal kita pero*** hindi maari, *hindi pwede maging tayo*. Batid kong mas magtatagal ang ating samahan kung tayo ay mananatiling magkaibigan. Kung maari lang sana kaso hindi talaga. Ngunit ito ang lagi mong tatandaan. Itaga mo sana ito sa iyong puso at isipan, hindi ko pinagsisihan na ikaw ay nakilala. Pinuno mo ng tuwa ang aking munting puso. At kung sakali man na dumating na yung araw na kailangan mo na akong lisanin, mga alaala na ating nabuo wag sanang limutin. **O, Sinta** kong manliligaw na ayaw pa rin umayaw, tatangapin kita bilang ka pareha pero pwede ba sa kabilang buhay na? Sana sa kabilang buhay tayong dalawa'y ipagtago pa at mabigyan ng pagkakataong itadhana na sa isa't isa. **Kailangan kita pero mas kailangan ka niya.** At dito nagtatapos ang aking liham. ***Mensahe para sa mambabasa****:* *May mga sinisinta talaga tayo sa buhay na dapat hindian, hindi sa ayaw mo kundi dahil ito ang tama. Pinili kong gawin ang tama at sinantabi ang sarili kong kaligayahan.Sana ay naintindihan niyo ang aking liham kahit na di masyadong detalyado.* *Salamat sa pagbabasa, kaibigan !* lead image source: https://kimyunna29.tumblr.com/post/174804688896/tama-na-mahal-mahal-kita-pero-tama-na-mahal/amp
63 comments
Ako ay magbibigay ng komento sa ibang nakasulat sa iyong artikulo. Ngunit bago ang lahat gusto kong sabihin na sana ay hindi matapos ang pagkakaibigan niyo. :) > ***yung mahal ako, yung ako lang***.. Ang tanong mo rito ay kung sino ang papayag na ang mahal niya ay may mahal na iba? Ang sagot ko ay ang makakati. Haha. Sandali, pagmamahal nga ba talaga yun? Haha. --- > ***yung sasabayan yung ka abnormalan ko***.. Kagaya mo, hindi rin ako normal hahaha maya maya nag nagbabago ang isip ko subalit kung iisipin, sadyang gaga lang ako. Haha.
Hahahaha likas na siguro sa ating kababaihan ang ka-topakan haha.
Sa tingin ko ay tama ka. Hahaha
Hahahah tumpak !
I know what mahal kita means my wee BC 🤣🤣🤣 but that article is going to take me forever to understand haha
Hahaha. Hello po, Uncle! I don't think it will take forever. You are a fast learner! 😁
Trueeeee ka jan 🙌
haha there is fast, but not that fast wee miss five cups!
It means "saranghae" in Korean 🦋 In believe you can learn it in just a snap of finger , master. No doubt. 😂
Well I learnt saranghae today, not sure I will ever use it in Korean though 🤣🤣🤣 , but will take more that a snap of the finger my wee BC
I'm now proud of myself, I taught my master some quick and easy lesson today haha.
It takes an average of saying or hearing things thirteen times before we remember, so saranghae I need to do 11 more times haha and oo you did teach me something today me wee BC
Ayieee , I'm so happy to hear this master 😍🤗😆
Ang bait mo naman. Sobrang laki ng puso mo at nakaya mong magpaubaya :)
Hindi ko masasabing mabait ako hehe pero this time talaga, I choose to do what is right ❤️
And with that I applaud you!
yep..ramdam ko yung sulat... sana nga kung di man pwede sa buhay na to... sanay magtagpo kayo sa susunod na buhay... :)
In another life nalang kami bubuo ng lovestory hehe
I see... That's why :) You did good Champ! Salute!
Thank youuuu, ate ❤️
You're welcome dahling :) I am so proud of you for what you did. Not many can do the same when in your shoes. Good morning!
Good morning ate 😍✨ naging matapang ako pero diko kayang ipaglaban ang pag-ibig ko 💔 charrottt hehe Have a great day ate ❤️
Sorry Champ, late reply :D I think it's not worth fighting for when it is against your principle :) You'll meet another for sure :) Have an awesome night :)
Trip ko din mag set ng standards sa lalaki eh hahha. yung gusto ko lang talaga sa lalaki eh yung may takot at pagmamahal sa Diyos 🤗.
Nakaka inlove nga naman talaga yung lalaking malapit kay God ❤️
Dbaaa po?
Opo. ❤️
Isa kang mahusay na mapanakit na manunulat. Kahit kilala ko ang tinutukoy mo, akoy nasasaktan. Pinagtagpo pero di tinadhana. Bat kailangang pang pagtagpuin kung hindi naman pala itatadhana? Masakit.
Huyyy, ba't gising ka pa? Okay raka dihaa bii?
Nakamata ko gabie mii.
Lalim ng hugot, teh!
Hahahaha malalim na talaga?
hinanap ko po san ko nilagay yung tissue eh.
Hala, may extra ako dito marami. Hehe
penge isang roll, sis
Sure po , ito na ang buong rolyo 🥺🤧
Salamat, sis! Seriously, I enjoyed reading that. #tagalognosebleedhugot101
Salamat din sa pakikiramay sa lungkot 🥺❤️
Xoxoxo
xoxo super blessed ❤️
Pinilit kung basahin lahat grabe nkaka nosebleed din ang tagalog kahit sarling wika heheh! Hindi kc sanay. Anyway, great job po, this is a good challenge and if I have to try I should convince myself 💯 times 😂
No doubt, you can do it 💪❤️
Thanks! Now, 1/💯 😂
Ouch, sakit iyak pighati pagdurusa lahat na dzai. Laban lang malalagpasan mo yan.❤️
Honestly, okay naman ako. Tanggap na namin pareho na hindi pwede 😊
“Kailangan kita pero mas kailangan ka niya” Shakit dzae ahhh heheh Pero oks lang yan ganyan talaga ang buhay minsan tayo’y kanyang paglalaruan.
Hehe, okay lang ako ate. Ang importante alam natin kung ano ang nararapat na gawin 💗 doon, mas sasaya tayo 💗
Oo nga dapat maging okay talaga hehe
Kailangan talaga so that we can move on with our lives.💗
Truth talaga
More comments