08|04|2021✨
Magandang araw sa lahat! Kumusta kayo?
Labis akong nagagayak na makisali sa pagsulat ng artikulo gamit ang wikang Filipino. Marami rami na din akong nabasang mga salaysay at kwento sa araw na ito kaya aking napagpasyahan na magsulat at magbahagi din. Pasensya na kung minsan ang mga salita ko ay mahirap ng unawain. Ako nawa'y patawarin.Kung kayo ay nahihirapan, gayun din ako. Haha
At kung inyong mamarapatin, nais ko sanang gumawa ng isang maikling liham sa araw na ito.Ang liham na ito ay iaalay ko sa taong lupa bigla nalang dumating sa aking buhay ng di inaasahan.
Dati, pinagdadasal ko na sana dumating yung panahon na may magmamahal sa akin. Yung tipong tao na totoo magmahal. Yung tanggap ang buong ako.
Naalala ko rin dati nagtatala ako ng mga gusto ko sa isang lalaki, gusto ko...
yung mahal ako, yung ako lang
At aba'y sinong aning-aning ang papayag na yung mahal niya ay may mahal ding iba, diba? Dapat ako lang, hanggang sa hauling hininga.
yung di naglilihim
Gusto ko yung taong tapat, ayaw ko nang naglilihim sapagkat alam ko na nagsisimula sa konting pagsisinungaling ang away at gulo.
yung sasabayan yung ka abnormalan ko
Hindi kasi ako normal, napakahirap hulihin ang aking isip at kilos. Yung okay ako ngayon tapos mga ilang segundo, ako'y biglang mag-iibang anyo't ugali na naman.
yung may respeto at takot sa Diyos at sa akin haha
Nahuhulog talaga ang aking puso sa klase na taong may respeto at takot sa itaas. Gusto ko din na kinakatakutan ako,haha ewan ko ba.
yung dadamayan ako sa lahat
Yung sasamahan ako sa alon ng buhay, yung hahawakan ang aking mga kamay at sasabihan ng "sinta, kaya natin to, malalampasan natin to". Yung taong di ka iiwan sa hinagpis man yan o kaligayahan.
yung malinis sa katawan
Gusto ko yung araw-araw naliligo palagi at mabango. Yung alam din mag-ayos ng kalat at hindi puro porma lang ang laman ng ulo.
yung matangkad
Matangkad akong babae kaya ninanais kong makatagpo ng matangkad na lalaki.
yung mapamuri hindi mapamura
Nasisiyahan ako pag ako'y pinupuri , yung alam ko sa sarili ko na hindi ako kagandahan pero ipaparamdam sa akin na ako ang nag-iisang diwata sa kanyang mga mata. Ayaw ko ng taong nagmumura. Basta ayaw ko. Bakit ba? Haha
Madami ba? Haha pasensya na.
At eto na nga, taong dalawang libo at labing siyam, may biglang nakigulo sa magulo kong mundo.
Sinta, sinamahan mo ako at ngayon ay di na ako nag-iisa. Labis ang tuwa ng aking puso at ikaw ay aking nakilala. Diko lubos akalain na may isang taong magpapasaya akin ng sobra.
Alam mo, sayang ka. Sayang tayo.
Kung tutuusin, pwede tayong gumanap na aktor sa kanta ni Moira na "Pinagtagpo pero di itinahadna".
Ikaw yung tipo ng lalaki na pinagdadasal ko noon sa Poong Maykapal na nawa'y ibigay sa akin.
Dahil sa pandemya, napalapit tayo sa isa't isa. Saksi lahat ng ating butihing mga kaibigan kung gaano mo ako alagaan at pahalagahan. Lahat ng ikakasaya ng aking puso ay iyong ginawa.
Isang araw, nagtapat ka ng iyong pag-ibig. At alam kong batid mo na hanggang pagkakaibigan lang ang aking kayang ialay sa iyo. At sobrang saya ko kasi ako'y iyong naintindihan. Pero di maikukubli sa iyong mga mata ang pighati sa kaloob-looban. Kita kita sa mata. At alam kong ika'y aking nadurog sa oras na iyon. Wag mo sanang mamasamain ang aking pag hindi.
Mahal kita pero hindi maari, hindi pwede maging tayo. Batid kong mas magtatagal ang ating samahan kung tayo ay mananatiling magkaibigan. Kung maari lang sana kaso hindi talaga.
Ngunit ito ang lagi mong tatandaan. Itaga mo sana ito sa iyong puso at isipan, hindi ko pinagsisihan na ikaw ay nakilala. Pinuno mo ng tuwa ang aking munting puso. At kung sakali man na dumating na yung araw na kailangan mo na akong lisanin, mga alaala na ating nabuo wag sanang limutin.
O, Sinta kong manliligaw na ayaw pa rin umayaw, tatangapin kita bilang ka pareha pero pwede ba sa kabilang buhay na? Sana sa kabilang buhay tayong dalawa'y ipagtago pa at mabigyan ng pagkakataong itadhana na sa isa't isa.
Kailangan kita pero mas kailangan ka niya.
At dito nagtatapos ang aking liham.
Mensahe para sa mambabasa:
May mga sinisinta talaga tayo sa buhay na dapat hindian, hindi sa ayaw mo kundi dahil ito ang tama. Pinili kong gawin ang tama at sinantabi ang sarili kong kaligayahan.Sana ay naintindihan niyo ang aking liham kahit na di masyadong detalyado.
Salamat sa pagbabasa, kaibigan !
lead image source: https://kimyunna29.tumblr.com/post/174804688896/tama-na-mahal-mahal-kita-pero-tama-na-mahal/amp
Iniisip ko kagabi na gumawa ng article na Tagalog dahil ngayon ay buwan ng wika at ang araw ni Manuel L. Quezon kaso hindi ko nagawa. At sa tanong mo na kung sink may gusto na may mahal na iba ang taong mahal niya. Walang may gusto pero kung hot at gwapo yung lalaki ay bakit hindi. Hahaha. Pero ano playboy lang naman siya. Wala siyang minahal kasi halos lahat fling-fling lang at isa na ako doon. Pero ayun may nagpatibok ng puso niya. Doon siya nagseryoso. Sila pa rin siguro hanggang ngayon. Wala na ako balita eh. Hehe. Mastalk nga minsan 🤣