Eto yung pinakamasakit na part ng relasyon yung hindi mo alam na napapabayaan, nababalewala at nasasaktan mo na yung partner mo.
Noon todo effort ka to show how you appreciate her, ngayon kahit pagbati sa special occasions wala na.
Noon todo effort kana sa pagsundo, na sumama sa kanya sa kahit na anong lakad nya. Mahalaga makasama kayo. Right?
Ngayon nauso na yung "tinatamad ako" Or kaya mo na yan.
Noon ipagluluto mo sya kasi gusto mong makita yung ngiti sa labi nya kapag natikman nya yung luto mo. Ngayon bahala na kung kakain o hindi.
Noon you go out on dates. Kahit mapafishball lang yan, kwek kwek sa kanto. As long as you go out together masaya kana. Ngayon sasabihin na magastos kesyo di na kailangan. Di na importante.
Noon todo abang ka sa phone mo sa chat nya, post about you and your date. Ngayon babad ka sa phone dahil sa online games, youtube etc.
Noon you will appreciate yung konti time na meron kayo yung limang oras pakiramdam nyo 30 minutes lang kase grabe yung kwentuhan, tawanan at sharing ng experiences in life.
Ngayon ni hindi mo sya makamusta kapag nakita mo syang nakasimangot. Galit ka na din agad.
Effort, time and love should not be taken for granted lalo na kapag nasa relasyon ka. You will need to continue to work with your partner no matter how hard it gets. Nagmahal ka. Pumasok ka sa relasyon. Di ka naman pinilit na mapunta kung nasan at sinong kasama mo ngayon.
So bat ka nanghihinayang sa mga bagay na ibibigay mo at ieeffort mo kung yun ang makakapag pangiti sa kanya.
Sorry long post. Ang sakit lang na nawawalan na ng effort kasi akala mo di ka nya kayang iwanan. Akala mo hindi sya napapagod. Alam mo ba kung kumusta na sya? Nag spend ka man lang ng 15 minutes para yakapin sya at naiparamdam na andyan ka?
Kung wala ng effort. Kahit katabi mo lang yung taong mahal mo, parang napakalayo nya sayo..
Kumupas na lambing sa iyong mata..
ouuchh