read.cash Log in
@Blue_velvet25

Aking Munting Anghel

Noong una kong narinig ang pintig ng iyong puso, napaluha ako sa saya May munting anghel na nakatira aking tiyan

Munti man kung titignan, malaking saya ang bigay mo sa amin Mahilig kang sumipa sa tyan ko at napangiti lamang ako

Mas sumaya ang buhay ko noong ikaw ay nasilayan ko Ang init ng iyong yakap at mga kislap ng iyong mga mata ay nagbibigay ngiti sa aking mga labi

Munting anghel ko, ika'y ligayang lubos kahit maingay ang iyong mga iyak Nagdaan ang ilang buwan at ika'y natutong lumakad at tumakbo, ako'y laging naka-alalay sa'yo

Kahit anong mangyari, ako'y laging na sa iyong tabi Mahal ko, hanggang sa iyong paglaki... Ikaw pa rin ang aking munting anghel.

19 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.