Mabuhay! Isang napakaganda at maaliwalas na hapon mga iniibig kong manunulat, Ako sana'y pagbigyang gumamit ng wikang tagalog sapagkat ako'y inyong pagpahingain muna sa pagsasalita ng wikang ingles, ngayon nais kong ibahagi ang mga salitang laging binibigkas ni ina kapag si Athaliah ay pumapalpak at pakupad-kupad. Naku! Nawa'y huwag ninyo akong husgahan sapagkat ganyan din naman kayo, oh ano huwag na kayong pumalag? Damay-damay natu.
Bago ko simulan ang artikulong ito nais ko munang humingi ng despensa sa di maayos na pagkasulat sapagkat nagmamaktol na naman ang aking sikmura minsan talaga nakakabahala na ang kasabihang "FOOD IS LIFE" napasobra ata ako😑.
Oh shaaa!! Heto na di ko na papatagalin at simulan na nating pabagsakin ay este pagtuunan ng pansin ang mga salitang laging bigkas ni inang mahal.
Kakaselpon mo yan!
Ako lang ba? Ang lageng napagsasabihan ng ganito sa tuwing dadalawin ako ng mga karamdaman sa aking katawan? Nakooww! Kahit siguro magkaalmuranas ako walang ibang sisisihin kundi si selpon na naman.
Mga Anak Mayayaman ba kayo?
Jusko po inay! Kahit pa lunurin ako ng dagsa-dagsang pera ay di mawawala yang kakasermon mo, at tsaka nakaidlip lang ako ng kaunti tamad na agad? Kakaupo ko lang sa sala upang makapagpahinga lang ng ilang minuto mayaman na agad? Nakakupit lang ako ng limang pisong barya sa makaluma mong pitaka magastos na agad ? Ay wag ganon.
"Huwag ka na lang tumulong baka madaragdagan pa mga gawain ko " AT "Oh anong tinutunganga mo diyan? Tumulong ka naman!"
Ano ba talaga inay? Kung tutulong naman ako'y inyong papagalitan dahil baka madaragdagan lamang ang inyong trabaho, at kapag ako'y nanunuod lamang ay bigla kayong mag aanyong tigre. Saan ba talaga ako lulugar nay?
"Boypren.x di naman marunong sa mga gawaing bahay!"
Nay paghanga ho lamang iyon at kung tutuusin kailan po ba ako hindi nakapaglinis ng bahay? Eh ako nga lage nauutusan sa mga gawain eh kayo nga bibig nyo lang ata ang walang pahinga, hehe ako'y nagbibiro lamang ina payagan niyo na akong magkajowa😂 LOL.
Hindi ako tumatae ng pera!
Unang una sa lahat kung galing man lang sa pwetan ninyo manggaling ang pera ay mas mabuting itago niyo na lang iyan, di ko pa magustuhan amoy ng pera at baka'y di pa tanggaping pambayad ng pagbibilhan ko. At isa pa barya-barya lang naman hinihingi ko, pangbili lamang ho ng bananacue kay aling Carmen.
Pagnakabasag ng pinggan - Ratatat na naman si inang reyna! - Naku tatanga-tanga ka na namang bata ka, ilang pinggan naba nabasag mo? Mag-ingat ka naman sa susunod (ATBP) !
Huminahon lamang kayo ina, Aba'y di ko naman ho sinasadya sadyang napakadulas lang po dulot ng sabon, huwag kayong mag alala ako'y magiingat na sa susunod. Hep hep hep teka nga lang muna, noong nakabasag ba kayo ng pinggan may narinig po ba kayong salita sakin? Sinisi niyo nga yung sabon eh at kayo ay tila'y kalmado pa. Huwag ganon, napakaunfair nyo naman, magalit din ho kayo sa sarili ninyo.
Dito na ako magtatapos mga minamahal kong mambabasa huwag niyo sana akong ibash sapagkat gawa lamang ho lahat ng iyan ng aking malikot na imahinasyon, at mahal ko po ang aking ina haha pero may halong katotohanan din naman bwahaha.
Bato bato sa langit, ang matamaan, MAGBAGO!
Kongklusyon
Kahit na sila ay tinotopak paminsan-minsan o paiba-iba ang isip at may lahing dragon alalahanin natin na sila ang nagbibigay ng buhay at pagmamahal mula ng tayo'y isinilang dito sa mundo. Sila ang ilaw ng ating mga tahanan at laging umaalalay saating mga pangangailangan, at nagpapanatili ng kalinisan sa bawat tahanan. Sa mga dakilang ina diyan! Saludo ako sainyo at deserve niyo ang pagmamahal, at respeto!
Yun lamang po at maraming salamat! Mahal ko kayo!
Huwag ninyong kalimutang basahin ang mga artikulo ng mga kahanga-hangang manunulat na ito.
PS: I dont know if some authors have already publish this kind of article. I dont have any intention to plagiarize or steal one's article with similar content as mine
All photos credits from google.com
Ahaha this is the reality Moms are moms😂