Magulang ang dahilan kung bakit tayo nabuhay
Magulang ang dahilan, kung bakit naging maganda ang buhay
Magulang ang dahilan, kung bakit nagbago ang buhay
Magulang ang dahilan, kung bakit naging makulay ang buhay
Magulang ang isa sa pinakamahusay na guro
Dahil sa kanila tayo'y natuto
Naging matapang at totoo
Dahil sa lahat ng kanilang tinuro
Magulang ang isa sa mga mapagkatiwalaang kaibigan
Dahil alam nilang ika'y magiging masaya kung ika'y susuportahan
Kahit man ika'y gumawa ng kamalian, lalaban parin sayo 'yan
At hindi ka hahayaang mapatungo sa kapahamakan
Minsan ang magulang rin ang dahilan ng mga luha
Na minsan lang lalabas sa mga mata
Dhil ang luha ang napaka espesyal na lalabas
Kung ika'y nasaktan sa loob at labas.
Nice poem.. Keep on practicing.. Maganda ang theme mo..