Ikaw yung tipong guro ko at kaibigan
Mabait, masayahin na aking kinagigiliwan
Ikaw ang ay naging parte na nang aking buhay
Narito ka na sa puso ko magpakailan pa man.
Araw-araw tayong nagkikita sa paaralan
Na kung saan may mga leksiyon ka na kinapupulutan
Hindi lang leksyon ang tinuturo sa amin
Pati mga iba't-ibang bagay na makakatulong sa amin.
Sa klase ikaw ay nag leleksiyon
At kaming estudyante ay nakikinig sa mga 'yon
Inaamin namin na minsan kami'y inaantok
Dala lang siguro sa sobrang pagod
Ikaw ay mahusay sa sa diskusyon
Kaya kaming lahat ay may nalalaman
Tungkol sa mga bagay-bagay sa aming paligid
Nararapat lamang bigyan namin ng pansin
Marami na tayong pinagdaanan na mga karanasan
Mga pasulit, sulatin, reporting at sagutan
Maraming panahon na kami'y iyong inintindi
Salamat sir sa iyong pagka-maintindihin sa amin
Sa paaralan madami akong natutunan
Nang dahil sayo aking guro ako'y naliwanagan
Mga kasiyahang nararamdaman sa pang araw-araw nating interaksyon
Ang hindi ko malilimutan magdaan man ang mga panahon.
Nice poem. Appreciation poem for teacher.