Mga halimbawang kwela sa tahanan

2 31
Avatar for Akane
Written by
2 years ago
Topics: Tula, Tahanan, Pamilya

Kapag magulo ang bahay,

“Maghapon wala kang ginagawa?!”

Hindi niyo nakita na maaga pa, hindi na kami magkanda ugaga.

Pag nadapa si baby,

“yan kasi hindi mo tinitignang maigi!”

Hindi niyo nakita, na buong araw wala kaming pahinga mabantayan lang siya.

Kapag nagkasakit si baby,

“Pabaya ka kasing Ina”

Pero hindi niyo nakita ang aming pag aalaga.

Kapag payat si baby.

Kapag delayed magsalita si baby.

Kapag iyakin si baby.

Kapag nabukulan si baby.

Kapag pihikan sa pagkain si baby..

Madalas nasa amin ang sisi.

Nasa amin ang pagkakamali.

Makita niyo rin sana, na sa kabila ng aming kakulangan, ay may maganda rin kaming nagagawa.

Makita niyo rin sana ang pagod, puyat at sakripisyo naming mga Ina..

Pagod na katawan..

Pagod na isipan..

Pero sana hindi mabigat at pagod na kalooban.

P-A-M-I-L-Y-A

Ako'y nagpunta dito sa ibang bansa

Pakikipagsapalaran aking gindgawa

Sa bansa kong iniwanan ay puro kahirapan

Dito sa pinuntahan, homesick ang kalaban.

Aking dasal sa Diyos na sana ako'y patnubayan

Dugo't pawis aking ipupuhunan

Sa aking pamilyang iniwanan

Handog sa kanila'y kaginhawaan.

Perang ipinapadala'y kanilang inaasahan

Kagalakan sa mukha'y masisilayan

Mga pagkain hindi nila natitikman

Ngayon ako'y nandito, kanila ng malalasahan.

Pamilya ko'y nasisiyahan. pag aking natatawagan

Boses nila'y aking pinangungulilahan

Tatag ng puso at isipan, aking panlaban

Pamilyang ayaw muling magdanas ng kahirapan.

Salamat sa Diyos at ako'y binigyan

Lakas ng katawan oat kaniyang pinapatnubayan

Sa buong buhay ko. di ko siya nakakalimutan

Pamilya kong inspirsyon sa puso at isipan.

Handang makipaglaban hanggang kamatayan

Sila ang aking paghahandugan

Tagumpay kong pakikipagsapalaran

Bansa kong Pinas aking babalikan

2
$ 0.69
$ 0.68 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Grecy095
Avatar for Akane
Written by
2 years ago
Topics: Tula, Tahanan, Pamilya

Comments

Ang hirap maging ina, lagi kangag initiate na mag sacrifice kasi ina ka, kasi natural sa ina yun, kaso ang isang ina tao lang, napapagod at may damdamin din. Sana maintindihan ng lahat din

$ 0.00
2 years ago

A mother like you is impressive. Naiintindihan po kita kasi nakikita din kita sa mama ko na gagawin ang lahat para maging maayos lang kami at nasa mabuti kaming kalagayan. Ingat po kayo palagi, at magtiwala lang kay God sa kahit anumang probelmang darating sa iyong buhay. God bless

$ 0.00
2 years ago